"Ano yan?"
Hindi ko siya sinagot. Nakatulala lang ako sa lapag habang hawak hawak yung brown envelope na pinapaabot ni Maureen kanina.
"Gia!" Tawag nito sa akin.
Lumingon ako sa kaniya. "Bakit?" Tanong ko. Kahit alam ko naman na kung bakit niya ako tinatawag.
"Ano yan?" Tanong nito at nginuso yung hawak kong brown envelope.
"Para sayo. Pinapaabot ni Maureen." Aniya ko at iniabot sa kaniya yung brown envelope.
"Ha? Sakin?" Nagtatakang tanong nito at kinuha sa kamay ko yung brown envelope.
Anong gagawin niya sa Cebu?
Makikipagbalikan ba siya kay Anjie? Hindi ba siya naaawa sa sarili niya?
Ang tanga tanga naman niya! Akala ko ba ay okay na yung limang taon na ibinigay niya para sa babaeng iyon!
Bahala siya! Ang tanga niya! Ang rupok niya masyado!
"Mauuna na ako." Sabi ko.
"Ha? Bakit? Akala ko kakain pa tayo?" Sabi nito.
"Ano yan, KiWi?" Tanong ko sa kaniya. Chismosa na kung chismosa pero gusto ko malaman kung ano bang gagawin niya sa Cebu.
"Ito? W-wala. Para kay Mama." Sabi nito.
Sinungaling.
Ano namang gagawin ni Tita sa Cebu? Eh, hands on na hands on ito sa work niya!
"Okay! Luto na ba yung kanin? Nagugutom na ako!" Sabi ko na lang.
"Luto na." Natatawang sabi nito. "Cute mo magutom." Aniya ni KiWi at kumuha ng dalawang plato para saming dalawa.
"Intayin mo na ako dito. Kukuhain ko lang yung kanin." Sabi ni KiWi.
Tumango na lang ako sa kaniya.
Ano ba tong nararamdaman ko? Ano bang pakielam ko kung pupunta siya sa Cebu para makipagbalikan sa Anjie na yon!
Eh friends lang naman kami! Tama, friends! Nothing more, nothing less.
"Kain ng madami, nak." Biro nito sa akin.
Inirapan ko na lang siya at nag open na lang kami ng TV. Manood daw kami sa Netflix para malibang.
"Uhm, Gia?" Tawag nito sa akin.
"Bakit?" Tanong ko habang diretso na nakatingin sa pinapanood namin sa Netflix na Greenhills Academy.
"Kailan mo balak lumipat sa apartment? Nagsimula na kami nila Casper at Kino maglinis doon noong isang araw para kakaunti na lang yung lilinisin." Sabi ni KiWi.
"W-wag na. May matutuluyan pa naman ako, KiWi." Sabi ko na lamang.
"Hays. Gia naman... Wag ka ng mahiya, please. Hindi naman ako maniningil ng renta. Doon, libreng libre ka makakatira." Aniya nito.
Napaisip ako. Tama nga siya. Mas makakatipid ako kapag bumukod na ako kela Tita.
At isa pa, matatahimik na din yung buhay ko.
"Pagiisipan ko pa." Sabi ko na lang dahil nahihiya ako. Lalo kela Tita at Tito! Kahit na pinipilit din nila akong lumipat na doon sa apartment.
"Haynako! Wala ka namang isip, wag mo na kami lokohin Gia. Basta, bukas sumama ka sakin bisitahin mo yung place." Aniya nito. "Maglinis na din tayo ng kaunti."
Inirapan ko na lang siya.
Bukas? Wala naman akong gagawin bukas. Pwede naman.
"Oo na sige. Kulit mo masyado!" Napipilitan na kunwaring sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)
FanficThis story is all about to Jaiga Lee De Castro and Kace Winston Ferren.