GTM-7

27 1 0
                                    


Carolle POV

Nakakapagod ang araw na to! Kanina ay yung sa canteen, tapos sumunod ung sa Dean hayy ang hirap maging mahirap!

"Hoy Karolina ng Laguna sinabi ko bang patulan mo ung mga gagong yayamanin kanina sa canteen?" - Astrid na hnd mo alam kung nababagot o inaantok

"At hoy ka din babae! sino din bang nagsabing niluluto ang kanin sa rice cooker gamit ang kalan? Sinasaksak sa outlet yan!"

Dali dali nya namang pinatay ang gas stove ng mapagtanto ang sariling katangahan. Sabi sainyo inaantok yan eh, bangag!

"Tsk "walang emosyong tugon nya

"Wala ka nnman sa mood, kanina pa yan ah? "- tanong ko habang pumapapak ng jelly ace sa sofang luma pero malinis hahaha

"Kailan bako nagkaron?" - pilosopong sagot nya

Sabagay, sabi ko nga...

"Wag mong iniiba ang usapan, bakit pumasok ka nnman sa gulo akala ko ba magtitino na tayo ha?"- nakakunot ang mga noong tanong nya

"Eh sya nauna, nakita mo naman!"

"Pero dapat d mo na pinatulan, alam mo na ngang gago dapat ikaw na nag-adjust"

"Baka nakakalimutan mo Alvarez ata to? At ayoko sa gago!" - sabay ngisi sakanya nangisi din naman sya sa tinuran kong yun

Magkaibigan kmi ni Astrid simula pagkabata ganun din ang pamilya namin, Best of friends a.k.a BESTFRIENDS kung nasan sya dun din ako. Kaaway nya kaaway ko din! At ganun din sya sakin. Hnd kagaya sa mga mayayamang estudyante sa Asheville na sunod sa luho, may magagarbong gamit at mga alalay, kabaliktaran nla kmi. Mahirap, working student, pero independent at masaya (^.^)v

Nagtataka siguro kayo kung bakit kmi nakapasok gayong mahal sa Asheville, bukod sa matatalino priority din ng academy ang mga may talent, at dahil fit at maganda kami pareho naging scholar kami dahil sa pagiging athletic namin. Member kami ni Astrid ng Volleyball Team Spiker siya Setter naman ako.

Pero hnd talaga Volleyball ang sport ni Astrid Archerry ang hobby nya magaling umasinta, pero dahil may pagkamahalan ang school wala syang nagawa kung hnd sumali sa Volleyball Team.

Class Z din kming pareho. Bobo? I don't know if it's the right term d kami masipag mag-aral pero sa lahat ng tamad si Astrid ang pinakatamad mag-aral but you know what? Never nazero si Astrid kahit d nagrereview!

At ako? Kabaliktaran nya, kahit magreview zero pa din hahaha.

Pana-panahon din kasi talaga gumagana ang utak ko, depende sa mood!

But I like it when I'm challenged.

Pero ngayon nasa mood akong kumain! bwesit kasi ang gago na yun eh sabihan ka ba naman ng walang kwenta, letche!

Diell POV

Good evening young master, ready na po ang dinner niyo

Kasalukuyan akong nakasalampak sa kama ng marinig ang isa sa mga kasambahay nmin, naririnig ko sya pero walang rumirihistro ni isa sa utak ko sa mga sinasabi niya kaya ng mapagod sa kakakatok at pagtawag ay umalis na din sya.

Glimpse of the MoonWhere stories live. Discover now