Someone

186 12 0
                                    




"Pssst!" Napakamot ako ng aking tenga "Psssst!" Di ko siya pinansin. Ano ba kasi ang sinisitsit ng babaeng to. May pangalan naman ako ah. "Pssssssssst!" Napapikit ako ng aking mata saka napabuntong ng hininga. Napalingon ako sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa likod ng chair ko.




May practice kasi kami ngayon for graduation. Malapit na talaga kasi yung araw na yun. I can't wait to finally start a new chapter of my life na.





"Ano kailangan mo?" I asked her.



"Sungit mo naman." Saad niya. Inikotan ko lang siya ng mata.



"Makasitsit ka kasi ano ako aso?" Reklamo ko sa kanya. Napansin ko naman na nagpigil siya ng tawa. "Anong nakakatawa?"




"Aso ka naman talaga kasi tapos ako yung pusa. Rawr! Hahaha" I scoffed. Pusa siya tapos rawr?




"Anong rawr?" I mimicked her "Meow kasi yun." Pagkokorek ko sa kanya "Pusa daw pero di naman alam tunog ng pusa." I mumbled.



"May sinasabi ka ba diyan?"




"Wala! Sabi ko may pangalan ako kaya wag mo 'kong sinisitsit diyan."


Di pa naman kasi nag-uumpisa ang practice at kakarating lang niya. Humarap na ulit ako sa harapan. Bahala siya diyan. Katabi ko ngayon si Celestine. Magkatabi naman sina Ryanne at Annie sa likod. Bale nasa likod namin pareho ni Ce si Ryanne at Annie. After kasi ng class namin sila kaya magkalapit lang ang chairs namin.




Ilang segundo lang ang nakalipas ay kinukulit na naman ako ulit nitong babaeng to. Sinisipa niya kasi ang chair ko. Nakakainis.




"Annie, ano ba?" Naiinis kong tanong sa kanya nung napalingon ako.


"What?" Patay malisya niyang tanong. See? Pinagtitripan na naman niya ako. Bwisit siya.




"Kung nagpapapansin ka sakin pwede mo naman sabihin. Papansinin naman kita. Hindi yung sisipain mo pa yung upuan ko." Sabi ko sa kanya.




"Duh! Bakit naman ako magpapapansin sayo? Hello? Sino ka ba?" Sabi din niya.




"Kayong dalawa gagraduate na nga lang tayo, nag-aaway pa rin kayo." Celestine said.



"Love, wag mo na ngang pansinin tong dalawa. Hindi ka pa nasanay eh." si Ryanne.




"Gov? Di ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon wala pa ring may nahulog sa dalawa?" Narinig kong tanong ni Ricardo kay Celestine since magkatabi sila. "O baka naman kasi may nagpapanggap na pala diyan na walang nararamdaman pero truth is meron na." Pwede ko bang sampalin si Ricardo? Kasampal-sampal yung mukha niya ngayon eh.




"Bakit? Pag-nahulog ba sa isa't isa yan may magbabago? For sure ganun pa rin sila. Puro bangayan." Sagot naman ni Ce sa kanya.




Well, she has a point. For sure mas lalo lang kaming magbabangayan if ever maging kami.



Nakaramdam ako ng kabog sa dibdib ko nang biglang pumasok sa isip ko ang thought na magiging kami ni Annie. Oh my gosh. Bakit biglang bumibilis ang takbo ng tibok ng puso ko everytime na si Annie ang napag-uusapan or naiisip ko. Parang di tuloy ako makahinga.




"Well at least pag naging sila...magbabangayan sila with love hahaha." Saad pa ni Ricardo. Naku tong baklang to daming alam. Natawa naman si Ce sa kanya.





Suddenly, You're not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon