Nag-enjoy kami buong weekend dun sa Batangas. Sinulit namin ang dalawang araw na yun. Mas masaya ako kasi hindi lang pamilya ko ang kasama ko pati na rin ang miloves ko.Kasalukuyan akong nakaupo sa swivel chair dito sa trabaho ko habang tinitingnan ang mga pictures ni Mindy sa cellphone ko na ako mismo kumuha. Natatawa nga ako sa pagmumukha niya kasi kahit di na siya nakaawra todo picture pa din ako sa kanya haha. Yung iba blurred pa haha.
"Parang baliw naman tong isang to..." rinig kong komento ni Christy sa katabing desk. Napatingin ako sa kanya.
"Sinong di mababaliw kakatawa sa mukhang to?" Natatawa kong sabi sabay pakita sa kanya ang litrato ni Mindy na stolen shot at timing na nakawacky yung face haha. Natawa naman si Christy sa pinakita ko "See? Langyang mukha to." Komento ko na nakatitig sa mukha ni Mindy sa screen ng cellphone ko.
"Langyang mukha nga yan pero yan din naman ang mukha na kinahumalingan mo." Saad ni Christy na pailing iling pa ang ulo habang nakangiti.
"Oo naman. Kahit gaano pa kapangit abutin nitong miloves ko, lahams na lahams ko pa rin to no." Sabi ko kay Christy.
"Ang tagal niyo na din sis no?"
"Oo nga eh. Sa tingin ko oras na para maghanap ako ng iba." Biro ko.
"Hoy! Grabe naman to." Reaksyon niya.
Natawa na lang ako "Nagbibiro lang naman ako. Siyempre di ko gagawin yun no? As I've said, lahams ko yun sobra."
"Alam mo ang swerte ni Mindy sayo kasi may mapagmahal siyang jowa like you." Well, swerte nga talaga siya sakin pero I beg to disagree char haha.
"Mas maswerte ako sa kanya, Christy. She's one of a kind. Wala na akong mahihiling pa dun." Nangalumbaba naman ako habang nakangiting tinititigan pa rin ang litrato ni Mindy sa phone ko. Habang tinititigan ang litrato niya ay naalala ko naman na malapit na pala ang 4 years anniversary namin. "Shit! I have to prepare something nga pala for our anniversary. Muntik ko na makalimutan."
Malaking bagay sakin ang anniversary namin ni Mindy. Kahit kailan hindi ko yun nakakalimutan o pinapalagpas. Palagi akong may binibigay sa kanya even the smallest or simplest of things eh naaappreciate niya pa din yun. That's what one of the things I love about her.
She's my first ever girlfriend. Siya yung unang taong minahal ko ng ganito kalalim.
I know it's not necessary to give her such things pero ganun kasi ang isa sa mga love language ko.
Napapaisip ako kung ano ba pwedeng ibigay sa kanya. Last year kasi ginawan ko siya ng fave niyang sushi with gifts then a letter. Siyempre di mawawala yung letter, makaluma ako eh hehe.
"Sis, ano kaya pwedeng iregalo kay Mindy?" Tanong ko kay Christy na kasalukuyang nakatingin sa PC niya.
"Hmm...bakit di mo siya bigyan ng kahit ano." Suggest niya. Eh kung may kahit ano lang sana na bagay eh kanina ko pa yun nabili kaso wala namang ganun. Napalingon siya sakin ng di ako naimik. Napabuntong siya ng kanyang hininga "Okay, what I'm saying is kahit ano ibigay mo kay Mindy for sure maaappreciate niya yun."
May point siya. Lahat naman ng binibigay ko dun eh naaappreciate niya talaga. Kung dati akala ko sosyal at materialistic na babae si Mindy well, nagkamali ako. Kabaligtaran siya ng mga nasabi ko. Simpleng babae lang siya na may taglay na kaartehan haha.
BINABASA MO ANG
Suddenly, You're not Inlove
Short StoryIisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dahilan din para di niya mahalin ang dalaga? Suddenly Series (2)