Call

145 16 21
                                    




Nakauwi na si Annie sa bahay nila nang di ko man lang siya nabibisita sa Hospital.



I know I'm a bad person, a bad girlfriend for not visiting her. Checking her if she's alright but I don't think she needs me there. I don't think she's looking for me kasi sa loob ng ilang days na andun siya sa ospital ay di man lang ako nakatanggap ng tawag from her.



Nakatingin lang ako sa cellphone ko, sa pangalan niya actually. Gusto ko siyang tawagan pero wala akong lakas na loob para gawin yun.



Namimiss ko na nga siya sa totoo lang.



Sa kakatulala ko ay di ko namalayan na napindot ko pala ang name niya dahilan para matawagan ko siya. Oh shoot.


I was about to press the end call nang bigla nalang niyang sinagot ang tawag.



"Hello?" I heard her speak over the phone kaya naman nilapit ko ang phone ko sa tenga ko. "Hello..." she said again.



Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Pati dila ko ata umatras na din dahil sa takot.



"Mindy, Alam kong andiyan ka..." biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Everytime na tumatawag siya o di kaya ako sa kanya ay hindi niya ako tinatawag sa name ko. She always calls me Miloves but now... "Mindy ano na? Magsasalita ka o magsasalita ka?"


I gulped. I don't even know what to say to her. Damn!



"Kahit kailan talaga panira ka ng araw." that's the last thing she said before she ended the call. I gasped for air.



I guess eto na nga yung kinatatakutan ko. She's not the Annie who loves me anymore. She's the Annie who hated me before.




Annie's POV


Kasalukuyan akong nasa aking kwarto nagpapahinga. Hindi pa magaling ang mga sugat ko at pilay pa din hanggang ngayon ang kanang paa ko.



Napadpad naman ang aking isip kay Mindy. Bakit kaya nandun siya sa labas ng aking room sa ospital nung mga oras na yun? Tinanong ko sina papa at mama at ang sabi nandun daw siya para bantayan ako na ikinataka ko naman kasi bakit niya ako babantayan? That's so weird to think na ang taong isa sa mga least favorite mo e siya pang magbabantay sayo sa ospital. We're not even friends.



Nagtataka talaga ako hanggang ngayon. Actually gusto ko siya makausap tungkol dun. Gusto ko malaman kung ano ginagawa niya dun. I mean it's not a big deal naman kaso nagtataka lang talaga ako.


Kasalukuyan kong hawak ang phone ko. I'm planning to call her but I doubt meron akong number niya.



Napasabunot ako ng aking buhok. Kainis pano ko siya makakausap nito?


I was about to put my phone down nang tumunog ito. Medyo nagulat pa ako sa nakalagay na name sa screen.


Mindy Miloves 💘


Nagtataka man sa Caller ID ay sinagot ko nalang agad ang tawag. Sigurado ako si Mindy to since may name niya na nakalagay.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong parang kinabahan. Jusko Annie si Mindy lang yang kakausapin mo.


Naghello ako sa kanya pero di siya sumagot. Nakakainis naman 'tong babaeng to. Tawag tawag siya tapos di magsasalita? Ano yun. Nakailang hello ako sa kanya pero wala pa din. Tahimik sa kabilang linya pero alam 'kong andun siya. I can hear her breathing.



At dahil di naman siya sumasagot ay nagpasya akong ibaba ang phone. Nakakasayang ng oras naman yung babaeng yun. But wait? Bakit Mindy Miloves ang nakalagay na name sa contact ko?


Naalala ko din na may tatanongin pala ako sa kanya. Ang tanga ko naman bakit kasi binaba ko yun agad. So, I decided to dial her phone number. Nakailang rings pa yun before niya nasagot. Phew.




Wala akong narinig mula sa kabilang linya bukod sa kanyang mabigat na paghinga. Okay lang ba siya? Wait? Bakit ko ba tinatanong sarili ko if okay lang siya like duh? Wala naman akong paki sa kanya. Anyways...



"Hey, u-uhm..." Gagi ba't ako nautal? I gulped "Kamusta?" Seryoso ba ako ngayon? Bakit ko siya kinakamusta?



"I-I'm f-fine. Ikaw?" nauutal niya ding sagot. Pati ba naman siya nauutal? Sasagot na sana ako nang magtanong ulit siya "How's your legs? Y-yung sugat mo? Is it healing already?" Sunod sunod niyang tanong. Why does she sounded like she's concern? Hindi ako nakasagot agad which makes her speak again over the phone "I'm sorry. I'm j-just asking."



I sighed "Can I ask you something?"



"S-sure. Go ahead."



"I saw you in the hospital...anong ginagawa mo dun?" Tanong ko sa kanya.



Silence....


"Tinanong ko sina papa and they said nandun ka daw para bantayan ako. Anong ibig nilang sabihin?" dagdag ko pa sa tanong ko sa kanya.



Silence again...



Hindi naman siya pipi pero bakit di siya sumasagot? Ang simple lang naman ng tanong ko sa kanya.


"Mindy, I'm asking you. Ano tatahimik ka nalang ba diyan?" Medyo naiinip kong sabi.




"Ahh kasi...nandun din kasi ako ng mga oras na yun sa ospital nung sinugod ka and timing din na nakita ko sina Tito at Tita kaya nagtanong ako." Paliwanag niya.


Tumango-tango naman ako ng aking ulo as if nakikita niya ako. "So bakit mo ko babantayan?"




"Kumain kasi yung parents mo kaya ako na muna nagbantay." Okay...




"Ano ginagawa mo sa ospital?" Di ko alam kung bakit ko yun natanong sa kanya basta bigla nalang lumabas yun sa bibig ko.





"M-may chineck lang."



I sighed. "Okay. Yun lang naman ang concern ko." Sabi ko. "Bababa ko na to." Dagdag ko pa. Di ko alam pero nung mga oras na sinabi ko yun ay parang ang bigat sa pakiramdam. Parang ayaw kong ibaba at gusto ko siyang kausapin pa. Napailing ako ng aking ulo. Ano ba naman tong iniisip ko. Tss. I gulped. "Bye, Mindy." Paalam ko.



Naghintay pa ako ng ilang segundo bago ko tuluyan ibaba ang call. Di ko talaga alam kung bakit ayaw ko matapos ang tawag ng ganun. It feels like something's missing and I don't even know what is that thing.

Napabuntong nalang ako ng aking hiningaa.









🖤





Short update ulit hehe. Habang tumatagal lalong bumababa word count ko pashnea hahahaha. Anyways, have a good night mga babyloves. Dream sweet ☺️☺️🖤


Sana dalawin ako ng kasipagan para may iupdate ako sa susunod huhu.





xx

Suddenly, You're not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon