"You know what? I think may gusto sayo si Gelo." Komento ko.Agad naman siyang napatingin sakin. Kasalukuyan kasi niyang kinakausap ang waiter na kumukuha ng order namin. Nandito na kami sa isa sa mga paborito naming restaurant.
"Thank you." sambit niya dun sa waiter saka ako ulit tinignan "What are you talking about?"
"The way he look at you..." I shrugged my shoulders "I can feel it."
"You're funny."
"Seriously, though."
She sighed. "I think it's the other way around." Sabi niya.
"I don't think so."
"Then, I don't think so too." Nakatingin lang siya sakin "Bakit ganito yung usapan natin? This is not the good news I'm expecting to hear."
Oh, yeah. Right! The good news. That's the reason why we're having a lunch date now.
Agad akong napangiti at bahagya pang inayos ang pagkakaupo ko. I cleared my throat bago magsalita "Miloves..."
"Yes, mibibi?" Lalo akong napangiti ng marinig ko yun sa kanya. She's not used on calling me in any endearments kaya napapangiti at kinikilig talaga ako once tawagin niya ako sa kung ano man ang maisipan niyang itawag sakin. Gaya ngayon, she's calling me mibibi? What a corny endearment she got pfft haha.
"Gusto ni papa na sumama ka sa gala namin this weekend." Napakunot siya ng kanyang noo.
"W-why?" I can see that she's a little bit confused. "Kung pwede lang nga na wag nila ako paapakin sa bahay niyo, ginawa na nila. Tapos ngayon gusto ako ng papa mo na sumama sa gala niyo? Siguro gusto akong pahirapan ng papa mo."
"Miloves, hindi yun."
"Eh bakit niya ako gusto sumama?"
"Ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganun it's just that hindi lang ako makapaniwala..."
"Tanggap na tayo ni papa." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya pa sana.
Napalaki siya ng kanyang mata "W-what?? Paki-ulit mo nga." I sweetly gave her a smile saka hinawakan ang kamay niya na nakarest sa ibabaw ng lamesa.
"Sabi ko, Miloves...tanggap na tayo ni papa." Pag-uulit ko sa masiglang tono.
She smiled hanggang sa natuwa siya sa narinig "Hindi nga??"
"Oo nga kasi, miloves! Kainis to ayaw maniwala." Reklamo ko.
"H-hindi lang kasi ako makapaniwala." Ang laki na ng ngiting nakapaskil sa mga labi niya. How I love to see her smile like that. Masaya siya, masaya din ako. "Finally." Naluluha niyang sabi "Wait, you're not joking right?"
"Parang ewan to. Totoo nga kasi." Nakakainis naman to. Ayaw maniwala talaga.
"Then, what about mama?" Mama at papa tawag niya sa parents ko pag kami lang. Pag-andiyan naman siya sa bahay siyempre tita, tito. Makakatikim siya sa dalawa pag minama niya or pinapa haha.
"Well, wala pa akong alam sa kanya if tanggap niya rin tayo. Si papa lang kasi yung kumausap sakin kanina and he told me na tanggap na niya tayo." Nakangiti kong paliwanag sa kanya.
BINABASA MO ANG
Suddenly, You're not Inlove
Short StoryIisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dahilan din para di niya mahalin ang dalaga? Suddenly Series (2)