The ring

103 5 8
                                    


Nakangiti akong nakatungaw sa bintana ng kotse ni Mindy. Sinundo niya ako sa work. After namin kumain kanina sa working place ko ay agad din naman siya umali. Diba? Ang effort ng Milove ko hihi. Milove... napatingin ako sa kanya na ngayon ay kasalukuyang nakatutok ang tingin sa daan. Maybe she noticed me staring at her while she was driving kaya siguro napalingon siya sa akin. She awkwardly smile at me.

"What is it?"

Napailing ako ng aking ulo sabay ngiti din sa kanya. "Nothing. I'm just secretly admiring..."

"Secretly? Admiring? Who?" Isa-isa niyang tanong.

"Who else?" Nagkibit siya ng kanyang balikat "Who am I staring at?"

She creased her brows "Me?"

"Exactly, Milove. I'm secretly admiring you from here." Sabi ko sa kanya.

"It's not a secret anymore." Napaayos ako ng upo. I look at her side profile intently.

"Sabi ni Christy girlfriend kita." Napatingin siya sa akin ng saglit at ibinaling din niya agad ang atensyon sa daan. She was about to say something nang magsalita ako "Can you be my girlfriend again?" I asked her dahilan para mapahinto siya sa pagda-drive. "Oh my gosh, Mindy! Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatulalang nakatingin sa akin. Nabalik lang ang malisya niya nang may bumusinang kotse sa likod ng sasakyan namin. Agad niya naman itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Tumingin ulit siya sa kinauupoan ko "I'm sorry but what was that again?"

Napabuntong ako ng aking hininga "I want you to be my girlfriend, again." Agad niyang kinuha ang mga kamay ko at para bang may hinahanap siya sa daliri ko. Nagtaka naman ako kung ano ginagawa niya. Agad naman pumasok sa isip ko yung singsing sa drawer ko. "Are you looking for the ring?" Tanong ko. Agad naman siya napaangat ng tingin sa akin.

Andito kami ngayon sa bahay, sa kwarto ko to be exact. She's been acting weird earlier simula nung nabanggit ko sa kanya yung about sa ring. Gusto niya raw makita at yun na nga ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon sa kwarto ko.

Agad ako nagtungo sa drawer kung saan nakalagay ang singsing. Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatayo sa gilid ng aking kama. "This ring. Uhmm...the nurse at the hospital gave it to me. Isa raw ito sa mga bagay na nakita dun sa kotse nung naaksidente ako." Kwento ko saka marahan na binuksan ang lalagayan nito. Nanlaki naman ang mata niya nung makita ang singsing. "Sinabi sa akin ni Christy na ibibigay ko raw sana sa'yo 'to sa anniversary natin kaso naaksidente nga ako at nawalan ng ala-ala." Napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa singsing. "This is a promise ring." Napangiti ako sa thought na ibibigay ko sana sa kanya 'to nung araw ng anniversary namin. Siguro masaya kami noon. Siguro masaya ako sa piling niya nung nakakaalala pa ako. Kahit din naman ngayon napapasaya niya ako sa paraang siya lang ang nakakaalam at may kayang gawin 'yon sakin. Nagtaka naman ako kasi kanina pa siya tahimik samantalang kanina pa ako nagkukwento. "Mindy?" Tawag ko sa kanya. Napaangat naman siya ng tingin sa akin. "Ang tahimik mo. Can you please say something?"

"Uhmm..." napakamot siya ng kanyang eyebrow "Honestly speaking, hindi ko alam ang sasabihin." Nabaling yung tingin niya sa singsing na hawak ko, "A promise ring?"

Napatingin na din ako sa singsing saka napangiti, "Well, siguro ganun ako ka-inlove sayo to the point na magbibigay ako ng ring sayo." Sabi ko habang natatawa.

Nagkatinginan kami tapos nalipat yung tingin ko sa mga labi niya. It was so inviting. I wanna have a taste of it. Lumapit ako ng bahagya sa kanya saka siya hinawakan sa kanang pisngi. "You don't have to say anything." Hinawakan niya din ang kamay ko na nasa pisngi niya saka dinama ang init ng palad ko. Nakapikit siya ngayon at nung nagmulat siya ng kanyang mga mata ay saktong tumama ito sa mga mata ko. Agad niya akong hinalikan. Ang sarap ng halik niya. Lasang miss na miss ko huhu.

"You asked me earlier if I can be your girlfriend again, right?" She asked. Tinangoan ko lang siya. Kasalukuyang magkadikit ngayon ang aming noo. "Never naman tayo naghiwalay so technically girlfriend mo pa rin ako but to answer your question...Yes, you can. I'd love too. I do." Napangiti ako sa sinabi niya saka siya ulit binigyan ng isang makahulugan at malalim na halik. Bahagya ko siya itinulak sa bed ko dahilan para matumba kami pareho.

"Oops! Missy, what are you trying to do huh?" She asked me in a naughty way.

"I wanna celebrate you, milove." Sagot ko sa kanya.

"Milove..." pag-uulit niya.

"Yun naman talaga tawag ko sayo diba?" Gusto ko lang makasiguro na yun talaga tinatawag ko sa kanya dati.

"Opo. Nakakamiss." I smiled as she said that.

"You won't have to miss all of that from now on. I'm here na. Bumalik na ako." Sagot ko. "Hindi man bumalik or babalik ang ala-ala ko at hindi ko man magawang maalala lahat ng pinagsamahan natin dati pero okay lang yun. Gagawa nalang ulit tayo ng mga bagong memories." Sabi ko sa kanya sabay lagay ng promise ring sa finger niya.

Napangiti siya "Bagong memories...gusto ko 'yan."

Napangiti na din ako. Nasa top niya ako, "And gusto kita." Nakangiti pa rin na sabi ko.

"Totoo ba?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Tinangoan ko siya saka siya binigyan ng isang halik sa labi.

"Gusto kita, Mindy. Gusto na kita." Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako ng ganun.

"I'm afraid, Annie." She confessed.

"Of what?"

"Of losing you." My heart just skips a beat right at that moment. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang alagaan at mahalin ang taong kayakap ko ngayon. If losing my memories of her means wanting and loving her this much then I would not hesitate to lose my memories just to love her like this all over again like it was the first time. Ang sarap kasi sa feeling netong nararamdaman ko. Lasang ayoko rin siya mawala pa. Lasang gusto ko maramdaman habang ako'y nabubuhay. Pero parang ang selfish ko naman sa part na 'to. Oh well, sometimes it's okay to be selfish lalo na kung ikakasaya mo naman 'yon.

Narinig ko naman ang pagsinghot niya. Wait, is she crying? Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka siya tiningnan. "Hey, stop crying." Napaupo na ako saka siya niyakap ng mahigpit. "Shh. Tahan na. Di na ako mawawala. I'm sorry, milove."

Umiyak lang siya ng umiyak nung gabing yun sa hindi ko malaman na dahilan kung bakit. Sana alam at ramdam niya din na kagaya niya eh ayoko na rin siya mawala pa ulit. Mawala na memorya ko at lahat lahat wag lang siya.











🖤

Yay! Nagiging corny na ang story. Sana di kayo maumay lol. Ayan na po update hihe. 🐳

Blessed Sunday everyone.

Suddenly, You're not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon