Revelation

3.9K 61 0
                                    

MABILIS lumipas ang ilang buwan at ngayon ay kabuwanan ko, nandito na ako sa ospital dahil anytime bay pwede na daw ako manganak.

Maya maya pa'y nakaramdam na ako ng pagsakit ng tyan at naramdaman kong may kung anong basa ang tumulo sa hita ko,

"Doc! Doc! Manganganak na po ang girlfriend ko! " sigaw ni Dave.

Nagsidatingan na ang mga doctor at dinala na ako sa operating room,

*****

[DAVE'S POV]

"DAVE, maupo ka nga. " sabi ni Dad,

"Dad, I'm nervous. " sabi ko.

"Wow naman, ikaw ang tatay?" natatawang sabi ni Mom habang pinapasuso ang 1 week old niyang baby-- na kapatid namin.

'OPO! Ako po ang tatay niyan!' gusto ko sanang sabihin pero wag muna.

Umupo na ako at nagdasal, nagdadasal ako ng taimtim ng biglang nagkagulo sa may nurse station.

Pagkatingin ko sa kanila ay saktong may dumaan na stretcher na may duguang tao, at nakilala ko agad ito!

Si MARCO!

"Nurse, anong nangyari dyan?!" tanong ko,

"Nasagasahan po ng truck habang nakasakay sa motor niya. Dead on arrival po. "

"Oh God, " bulong ko.

Nakita ko rin ang gulat sa mukha nina Mom at Dad,

Maya maya pa, lumabas ang isang doctora sa OR,

"Sino po ang ama ng baby?" tanong nito.

"Wala po dito, " sagot ni Mom.

"Ay misis, kailangan po siya asap dahil anemic ang baby. Type AB positive po ang dugo ng bata. " sabi nito.

"AB Positive?" tanong ni Dad,

"Opo, " sabi ng doctora.

"Ako ang ama niyan. " biglang sabi ko.

Napasinghap naman sina Mom at Dad sa sinabi ko,

"Dad, Mom, I'm sorry. Ako talaga ang ama niyan... [Insert kwento ng buong pangyayari, walang labis, walang kulang. ] ... kaya sorry po kung hindi agad kami nagsabi ng totoo. " sabi ko sabay sama doon sa Doctora para makuhanan ng dugo.

*****

PAGKABALIK ko sa may kinauupuan namin kanina, naabutan kong umiiyak sina Mom at Dad.

"Dad,Mom.. " panimula ko.

"Dave, napagdesisyunan namin na... " sabi ni Dad.

"Ipadala muna sa Canada sina Ysha at ang anak niyo, " sabi ni Mom.

"WHAT?!" gulat na saad ko.

"Kahihiyan ito sa pamilya, Dave Franco! Magkapatid kayo-- "

"Sa papel! Sa papel lang kami magkapatid ni Yshalynne, Dad!" sagot ko dito.

Napahilamos naman sa mukha si Dad at nasuntok ako sa mukha,

"Dennis! Dave! Tama na 'yan!" umiiyak na pigil samin ni Mom.

"Mamili ka, paghihiwalayin ko kayo o... sa'min ipapangalan ang bata at rerehistrong kapatid niyo?! " sabi ni Dad sabay walk out.

I was left speechless.

Loving My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon