FINALE

5.6K 72 6
                                    

Third Person's POV.

After 5 long years...

"MAMA, are we home?" tanong ng isang bata sa kanyang ina,

"Malapit na, baby. " sabi ng ina sa kanyang anak at hinalikan ito sa noo.

"Mama, I said stop calling me 'baby' na. I'm a big boy na po! " sabi ng bata at nag pout pa ito.

"Ok, sorry po, David. " sabi ng ina.

"BESTIIIEEEE!"

Napalingon si Ysha sa tumawag sa kanya at nakita niya sina Cj at Joanna,

"Mga baklaaaaa!" patakbo ng lumapit si Ysha sa kanila,

Nagyakapan ang tatlo na tila ba'y ayaw na pakawalan ang isa't isa.

"David, sila ang nga ninang mo, sina Ninang Joanna at Ninong Cyrus. " pakilala ni Ysha, nabatukan naman siya ni Cj dahil doon.

"Ay baby boy, ako si ninang Cj ha! Not ninong Cyrus, it's so eww! " sabi nito, na ikinatuwa naman ng bata.

"JOANNA, hatid niyo naman kami sa bahay oh. Surprise kasi 'tong pagdating namin. " sabi ni Ysha.

"Oy bakla, hatid daw natin si Ysha sa bahay nila. Tara naaa!"

*****

"BABY, be quiet ha!" sabi ni Ysha sa kanyang anak na 5 taon.

Kasalukuyang nakatayo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Naiiyak na natutuwa si Ysha dahil sa wakas ay makikita na niya muli ang kanyang mga magulang sa personal...

...syempre ay sabik din ito kay Dave.

Nag doorbell na ito at hinintay na may mag bukas,

At kapag sinuswerte ka nga naman...

"Sino iyan?"

"Dave... " naiiyak na sabi ni Ysha.

"Y-Ysha?!" gulat nitong saad.

Nagyakapan ang dalawa at pinaliguan ni Dave ng halik si Ysha sa mukha habang umiiyak pa din ang dalawa..

"Ehem! "

Napalingon si Dave sa batang kasama ni Ysha at napangiti rin ito..

"D-David... " basag na ang boses nito dahil sa pag iyak.

Tinitigan siya ng bata na para bang kinikilatis ang mukha nito.

"Papa? Is that you? " gulat na tanong ng bata.

"Yes, baby. " sabi nito at niyakap ang bata.

"Dave! Sino ba yang-- "

"MOM! DAD!" patakbong lumapit si Ysha sa magulang upang yakapin ang mga ito, sabik na sabik talaga ang dalaga sa presensya ng mga magulang.

Tila natulala pa sina Alicia at Dennis dahil hindi nila ina asahan ang pagdating ni Ysha,

"Ysha! Anak!" sabi ni Alicia at pinaliguan nito ng halik ang anak,

"Pasok kayo, dali! Dito tayo sa loob!" sabi ni Alicia.

Pagkapasok nila ay naupo na sila sa sala,

"Anak naman, bakit hindi ka nagpasundo samin?"

"Mom, surprise nga po. " sabi nito.

"Ito na ba ang apo ko, ang gwapo gwapo naman pala!" sabi nito.

"Syempre, Mom. Mana sa tatay eh!" pagmamalaki ni Dave,

"Hindi kaya, sa nanay kaya nagmana!" bida naman ni Ysha.

Loving My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon