Marco's Rules

4K 57 0
                                    

"PUTARAGIS naman yan! 12:00 noon na! Dadating pa ba yun?!" iritang saad ni bakla.

"Chill ka lang, bakla. Darating yun!" aniko.

"Naku, siguraduhin mo lang kundi, jojombagin kita dyan. " sabi niya at hinila ang dulo ng buhok ko,

"Pag wala pa after 10 minutes-- "

"Sorry, I'm late. "

Napalingon kami sa nagsalita,

Literal kaming napanganga ni bakla sa kagwapuhan nitong nilalang na 'to,

White v-neck shirt. Cream colored pants at white rubber shoes. Ternohan mo pa ng shades at buhok na naka-wax.

"M-Marco.. "

"What are we going to talk about?" he asked directly,

"Marco, m-may girlfriend ka ba ngayon?" I asked,

"Wala, why? interested?" he asked and smirked.

"H-hinde.. " nauutal kong sabi, shit naman. Nakaka starstruck kaya 'to!

"Just say it, directly. " sabi niya at nakatingin lang sa mata ko ng diretso.

"Pwede bang magpanggap ka na tatay nitong dinadala ko?"

Nanlaki ang mata niya.

"What the fuck? Are you damn serious?" gulat niyang tanong at napaupo ito ng diretso.

"Of course, Marco. I'm dead serious. " I asked,

"Let me guess, nabuntis ka ng kung sino at iniwan ka.. Am I right?" natatawa niyang tanong.

"Mali ka dyan, " sabi ko.

"Then, sino ang ama? Don't tell me, si Cyrus John?" kunot noo niyang akusa samin.

"Heck. You're so kadiri, Marco. " sabi ng bakla.

"Step brother ko. " diretso kong sabi at nagulat naman siya.

"Please, Marco.. I'll do anything, pumayag ka lang. " pikit mata kong sabi.

"Sige, pero I will have some rules. " sabi niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan. Naglabas ito ng papel mula sa bag niya at nagsimulang magsulat.

Nag paalam si bakla na lalabas muna siya dahil naiinip na ang gaga, nagpahintay na lang ako sa kanya sa mall.

*****

MGA limang minuto o higit ang nakalipas bago siya natapos, inabot niya sa'kin yung papel at binasa ko yun.

Marco's Rules.

1.) Hindi ko susustentuhan ang bata.

2.) Ipakilala mo sakin ang ama ng bata.

3.) Aamin tayo sa pagka panganak mo sa bata.

4.) Don't you dare to fall in love with me.

5.) Follow the 4 rules. Specially the 4th one.

Made and Sign by: Marco Miguel dela Peña

Name and Signature: ___________

Ang daming arte nito, pinirmahan ko na lang. As if naman na mahulog ako sa kanya, ano.

"So, deal?" sabi ko at nilahad ang kamay ko.

"Deal. " sabi niya at tinanggap ang kamay ko.

****

6:00 pm pa lang, pinauwi na ako sa bahay. May sasabihin daw sina mom at dad samin.

Nakapalibot na kami sa hapag kainan saka ko napansin na parang blooming si Mom,

"Uhmm.. Ysha, Dave.. " pukaw ni Mom sa atensyon namin,

"I'm pregnant. " masayang sabi niya.

"Congrats, Mom! " pagbati namin ni Dave.

"Mom, Dad, " tawag ko naman sa kanila. Nakuha ko naman ang atensyon nila.

"I'm pregnant. " sabi ko, nasamid naman si Dave at natigilan sila sa pagkain.

"Wag ka magbiro ng ganyan, Yshalynne. " ani Mom.

"I'm not kidding, mom. " sabi ko.

"Sino ang ama niyan?" seryosong tanong niya.

"Ak-- " akmang sasagot si Dave ng unahan ko ito,

"Si Marco dela Peña po. " sabi ko.

"What the fuck?!" ani Dave.

"Dave? May problema ba?" tanong ni Dad.

"We want to meet that Marco dela Peña. ASAP. " Mom said.

"Sige po. " tanging sagot ko.

Tahimik na ulit kaming kumain at napa isip naman ako,

Malaking gulo pala 'tong pinasok ko.

Loving My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon