David Miguel

4K 59 0
                                    


[Yshalynne]

"ALAM na namin ang lahat, Yshalynne. " sabi ni Mom, ayan ang bumungad sakin pagka mulat ng mata ko,

"Kinwento ni Dave ang lahat samin. " dagdag ni Dad.

Nakatungo lang ako habang nagsasalita sila, nahihiya ako.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Mom,

"Hindi niyo pa pala kilala ang isa't isa nung nangyari, Ysha. I understand. " sabi nito at hinaplos ang pisngi ko.

"Mom... " naiiyak kong sabi.

"Sshh.. Don't cry, Yshalynne. You're forgiven. " sabi nito habang yakap yakap ako. Lumapit na din si Dad at niyakap din ako. Hindi pa rin tumitigil ang mata ko sa pagluha,

"Dad, Mom.. where is D-- "

"Surpriseee!" nagulat kami dahil sa biglang pagpasok ni Dave karga karga ang anak namin.

Nawala ang tensyon sa kwarto at napalitan ng ngiti. Ini abot sakin ni Dave ang anak namin at napaluha nanaman ako, ano ba yan.

"Anong ipapangalan mo sa baby natin?"

"David Miguel. Sayo ko kinuha yung first name tas yung second name, kay Marco. " sabi ko.

"Ysha... "

"Hmm?"

"Wala na si Marco. " mahinang sabi ni Dave kaya't natigilan ako.

"A-Ano? B-Bakit?" tanong ko kaya't ikinwento niya ang nangyari. Nakakalungkot naman,

"By the way, we will stick to the plan ha. Ipapadala namin sa Canada sina Ysha at baby David after niya mabinyagan. Ikaw, Dave.. sumunod ka lang dun after mo makatapos ng college. " sabi ni Dad.

Ngumiti na lang kami ni Dave at muling pinagmasdan ang baby namin,

"Hi baby Miguel, I'm your mommy. " pagbati ko dito.

"Hi baby, ako ang daddy mo. Tingnan mo oh, parehas tayong pogi. " sabi ko.

"Oy, kunin nating ninang sina Joanna at Cj-bading ha. " sabi ko.

"Oo naman, " sabi ni Dave.

"I love you, Dave. " mahinang sabi ko.

"I love you more, Yshalynne. " sabi nito.

Loving My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon