Pretend Father

4.5K 58 0
                                    

MAG- ISA akong naglalakad sa mall at nagtitingin tingin ng gamit ng baby. Hindi pa rin ako nakaka amin sa magulang ko--namin.

Hinaplos ko ang tyan ko at kinausap ang baby ko,

"Baby, kapit ka lang ha. " sabi ko.

"Shaly Montenegro! Bestiiee!"

That voice. Oh gosh, how I miss that voice.

Dahan dahan akong lumingon at hindi ako nagkamali,

"Bestfrieeeeeend! "

Patakbo akong lumapit sa kanya at nagyakapan kami sa gitna ng mall, miss na miss ko na talaga 'tong baklitang ito!

"Girl! My goodness, gumanda ka lalo! Miss na miss kitang gaga ka!" sabi niya at bineso beso pa ako.

"Girl naman eh, ikaw naman kasi! Bakit kasi sa Los Baños ka pa nag aral?! Ayan tuloy, di tayo magkasama gumraduate ng college!"

"Sisihin mo ang mudrabells ko, di ko naman ginusto itey, aner. So, musta ka na? May boyfiiee na ba ang gaga kong bff? " sabi niya at winiggle pa ang eyebrows niya.

"Starbucks? Dun ko ikukwento lahat."

***

"HUWAT?! Magkaka junakis ka na?! " sigaw niya. Pinandilatan ko nga ng mata. Kinwento ko kasi lahat sa kanya.

"Wag kang maingay diyan, Cyrus!" saway ko.

"Like eeww lang, don't you dare tawagin ulit me na Cy...rus. It's so nakakainis!" sabi ng gaga.

"Ok fine, pero BFF, pwede humingi ng favor?" tanong ko,

"Oh sure, BFF. Kahit ano, wag lang pera at kapos ang lola mo ngayon. " sabi niya.

"Pwede bang... "

"Ako mag make up sa kasal mo? Oh sure, libre na! " sabi niya.

"Hindi yun, bff. "

"Ah! Samahan kita sa salon? Oh sure, bet ko yan!" sabi niya pa.

"BFF naman eh! " sabi ko.

"Ano ba 'yon?" aniya.

"Pwede bang mag panggap kang ama ng dinadala ko? " tanong ko.

"What are you-- CRAZY?! Like, eeww. Kilala ako ni Mommy Ali, ano." aniya, mommy ang tawag niya kay mom dahil nga parang kapatid ko na din siya.

"Ay oo nga pala, girl naman eh! Hala, paano na itetch?" sabi ko at napahilamos sa sobrang frustration.

"Eh bat kasi ayaw niyo na lang umamin sa parents niyo, kaloka kayo! I- MMK 'yan. " aniya.

"Malamang, ano na lang sa tingin mo ang magiging reaction nila?" sabi ko at nagsip sa caramel frappe ko.

"Magagalit, of course. Eh di si ano, si Marco na lang! Ayun, papayag naman siguro yun. "

"Marco who?" aniko.

"Yung nanligaw sa'yo na pinaasa mo! Si Marco Miguel dela Peña! "

Marco Miguel dela Peña?

"AH! Yung nerd! " bulaslas ko.

"Korak! " sabi niya at nag high five kami.

***

AGAD kaming naglaptop ni bakla sa SB at sinearch itong si Marco dela Peña.

"Ay girl, ito na ba yun?! Woo, tiba tiba ka ditey! Look, mala- Lee Min Ho oh! " sabi ng bakla.

Napatulala naman ako sa screen, oo nga. Ibang iba ito sa Marco na kaklase namin noon.

In-add ko si Marco at wala pang 10 segundo, in- accept na niya ako.

Agad akong nag- message.

[Chat]

Y: MARCO! Naalala mo pa ba'ko?

M: Of course, ikaw yung kaisa isang babae na nagpaasa sakin.

Y: Sorry na dun...

M: No need to be sorry for that, in fact.. I should thank you because you changed me.

Y: Welcome, hehe.

M: What do you need?

Y: Can we meet?

M: Where and When?

Y: Kelan at saan ka available?

M: Tomorrow. 10:30 am - 3pm. Madrid's, malapit sa San Jose MedCen.

Y: Then, tomorrow. 11:00 am. Madrid's.

SEEN 2:30 PM √√

"Seen-zoned, teh. " pang aasar ni bakla.

"Bakla, samahan mo naman ako bukas. " aniko.

"Sureballs. " aniya.

"Teka, ano ba yung Madrid's? "

"Kainan yun, " sabi niya.

"Ah sige, basta bukas ha.. kita tayo dito ng mga 10am. "

"O'na, nakuha mo na number ko diba? Sige na, gotta go. " aniya at nagpaalam na.

YES.

Siguro naman solve na ang problema ko bukas.

Loving My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon