Ahop

56 6 0
                                    

(Samantha's POV)

Ano bang klaseng araw to? Nakaka-bagot,sobraaaaa. Nakaka-dagdag sa kabagotan 'tong letcheng guro na'to. May ibabagal kapa ba sa pag-tuturo mo? Di na ako mag-tataka kung bakit maraming tulog sa klase niya.

"Miss Wu,Where is your attention again? Nasa Kpop world nanaman ba?" That's one of my reason why I hate this subject. Ako lang palagi yung nakikita niya ee. Ako ngalang ang hindi nakakatulog sa klase niyang sobrang boring ee.

"Misis Tianco, FYI I maybe not participating in your class. But I could have high grades. Don't you know how boring your class is? I prefer self study, rather than attending your so boring class. By the way, don't blame my kpop lifestyle. Thinking about kpop idols is the only way to escape from your so boring class. Annyeong.." Sabi ko then lumabas sa classroom. Napa-nganga naman yung mga kaklase ko sa sinabi ko then biglang humiyaw ng kung anong comment. Thank you daw dahil may pumuna na. She can't blame us, wala naman kaming natutunan sa kanya ee. Alam niyo yung nag-didiscuss siya, tapos mag bibigay ng example that could be related sa topic. But the truth is sobrang layo ng example niya sa topic. Ang yabang pa niya. Mag-seself study nalang ako.

"Mabuti naman at pinuna mo na. I can't stand her class."

"Ay butiki!"

"Psh. Ang daming pag-hahambingan butiki pa. Ang gwapo kong butiki."

Napatingin naman ako sa lalakeng parang kabute. Bigla nalang sumusulpot ee. Ayaw na ayaw ko pa naman na ginugulat ako.

"Pwede pakihinaan ang aircon. Ang lakas ng hangin ee." Sabi ko at tumuloy na a pag-lalakad. Vacant ngayon ni Angel-unnie ee. Medyo same yung sched naming dalawa.

"Hindi ako mahangin no. I'm stating the fact."

"I don't care, don't follow me."

"Hello~I'm not following you. Feeler ka."

"What? Ako feeler? Tss. Ikaw naman asong ulul!" Sabi ko at binilisan nalng ang pag-lalakad. Kaasar yung Yahiro na yun ah! I hate there group, mahahangin ang member ee. Including him.

#Burger King

"Sam, dito." Pumunta naman ako sa table kung saan si Unnie ko naka-upo.

"Ano nanamang mukha yan?" Tanong niya naman.

"Kabadtrip kasi si Misis Tianco, dumagdag pa yung Yahiro." Sabay upo sa seat sa harap niya.

"Haayy.. Hindi kana nasanay dun."

"Self study nalang ako sa subject niya."

"Di ka aattend ng klase niya?"

"Eh di drop ako nun. Aattend ako, pero di ako makikinig."

"Sabagay,yan din ginagawa sa subject niya noon hanggang ngayon."

"Hahahaha! Unnie nga kita."

"Nu kaba, mana-mana lang yan. Hahaha! Inorderan na kita." Ngayon ko lang napansin may food pala sa harap ko.

"Ambait talaga ng unnie ko."

"Wag mo nga akong binobola, iiwan na kita maya-maya. May gagawin pa ako ee."

"Ano nanaman yan unnie."

"Mag-hahanap ng merch."

"Kala ko kung ano na."

"Mga dyosa!!"  Napatingin naman kami sa sumigaw.

"Allisa, akala ko ba wala kang klase ngayon?" Tanong ni unnie sa kanya.

"Ehhh... Boring sa mansion ee. Wala naman kayo dun. Si Ariane tulog, alangan namang kausapin kong natutulog."

"Wala kaming sinabi." Sagot ni unnie.

Fan Girls and Fan Boys , Love or War??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon