❂ Chapter 1: Aftermath ❂
Sa lahat ng karanasang aking nasagupa, ang pagkapadpad naming dito ay totoong kakaiba at bagong-bago. Hindi rin maikakaila ang panganib na dala ng mundong ito dahil saksi ako sa pangyayaring ito. Dagdag pa nito ang tadhanang nakalaan sa akin na hirangin bilang tagapagtanggol ng mundong ito dahil sa kapangyarihang nanggagaling sa akin simula ng isilang ako.
Gusto ko man tanggihan ngunit wala akong magagawa dahil nakahanda na ang daan na ito para sa akin. Gayunpaman gusto ko pa ring subukan... Hindi, gagawin ko ang lahat para tahakin ang daan na nararapat sa akin at sa mga kasamahan ko!
Ngunit sa ngayon, masyado pa rin itong mabigat para mapagtagumpayan ito. Mahina at kaunti pa lang ang mga karanasan ko, at isang pruweba na rito ay ang kapabayaan ko kung bakit namatay si Telam para sa amin. Kung alam ko lang sana noon pa ang paggamit ko sa kapangyarihang nanggagaling sa dugo ko, tiyak na mapipigilan namin na mangyari iyon.
Pero paano ko ba malalaman kung tinatago sa akin ito ni inay? Walong taon pa lamang ako ay nawalay na si inay sa akin. Oo, masyado pa akong musmos at bata pa noon kaya marahil ay sasabihin lang ito sa akin ni inay pagdating ng tamang panahon kung saan kaya ko ng tumayo sa sarili kong paa tulad ngayon.
Ang naiwang bakas ng itim na mahika ni Nesardon sa katawan ko ang halos pumatay sa akin noon kaya si inay naghirap para lunasan ako. Ito rin ang dahilan kung bakit siya nahiwalay sa akin. Dahil sa mahinang kalagayan ni inay noon, naiwan niyang nakabukas ang lagusan dahilan kung bakit tuloy-tuloy ang pagkawala ng mga tao sa iba't ibang lugar...
At ngayon ay ipinasya sa akin ng Amang Haragosh ang misyong ito may pag-asa pa akong pag-asa pa akong malaman ang kaalaman sa mundong ito, gayun na rin sa kapangyarihan na meron ako. At kung magawa ko iyon may tsansa na akong mabago ang tadhanang nakalaan sa akin, at 'yon ay ang pagtagumpayan ang mga Nedaros!
Habang nilalamon ako ng mabilis na paghigop sa akin ng lagusan, Unti-unti ko nang naaninag ang nakasisilaw na puting liwanag pinakadulo nito. Iniharang ko ang aking mga mata sa paglapit ko roon. At teka, mas lalo ring bumibigat ang paghigop sa akin!... At hindi lang 'yon, nagsimula na rin akong mag-paikot dahilan kung bakit akong magsimulang kabahan. Putek! Hindi ba ako mapapahamak nito?...
Dahil sa kaba ay iniharang ko na lamang isa kong kamay na may hawak na espada sa ulo ko at humanda sa pagbagsak. Hinigop na lamang ang aking paa sa patungo sa liwanag hanggang sa ibagsak nga ako sa lupa. Mabuti na lamang ay ligtas akong nakalapag sa lupa ng dalawa kong mga paa. Grabe! Pangalawang beses ko na ito! Hindi ba sila nawewendang sa tindi ng paraan ng transportasyon nila?
"Jharel, Idol! Nakabalik ka na!" wika ni Lyan at sinalubong ako ng nahigpit na yakap. Sumama rin si El pagyakap sa akin.
"Salamat kay Neren at nakabalik ka!" wika rin ni El... Pagkatapos ay sumunod si Kuya Gin at Sir Edward.
"Maligayang pagbabalik Jharel!" wika rin ni kuya Gin sa harapan ko.
"Nagpapasalamat ako ng marami na nakabalik ka Jharel!" wika naman ni Sir Edward. Masaya rin akong makita nina El, Kael at Zackor.
Sa mga ekspresyon nila mukhang masyado ko silang pinag-alala, at ang yakap nilang ito'y talagang nakakaaintig puso. Medyo nakakahiya lamang dahil lubos ko pa rin silang pinag-alala.
"Grabe! Nag-alala talaga ako sa iyo ng husto!"
"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Di ko talaga alintala na maisasama niya ako sa lagusan. Pero h'wag kayong mag-alala dahil natalo na siya ni ina-este mga hukbo ng Amang Haragosh!" tugon ko sa kanila na ikinatulala nila.
"Haha! Tama nga ang hinala ko na di kapababayaan ng mga kawani ng Emperador! Gayun din ang iyong ama at ina... Sigurado akong ikinararangal ka nila sa pagkakataong ito!"
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.3: Journey to Hinlan's Gate
FantasyKasalukuyan ng natapos ang digmaan sa pagitan ng tatlong kaharian ng Sarim laban sa Black Lotus o ang hukbo ng mga rebolusyonaryo na pinapangunahan ni Darel Arvantes. Ang utak sa likod ng samahan na ito ay ang Panginoon ng Nedaros na si Nesardon na...