Chapter 4

61 4 0
                                    

Chapter 4: Good and Bad News 

Matapos marinig ni Tandang Bam ang pakiusap ni Lizana ay muli niyang inalala ang mga sandali ng mga paglalakbay niya at ng mga kasamahan niya sa gitna ng gubat, marami siyang naging karanasan mabuti man at masama, mapait man o masaya ngunit lahat ng iyon ay kaniyang ikinagagalak. Sa pagkakataong ito ang mga kabataang tulad nina Jharel, Lyan at Rika ang susunod na susulong sa bagong yugto ng kanilang buhay. Alam niyang mas mapapabuti rin ito para sa kanila, lalu na't sila ay nagtagumpay sa mapanganib na daan dala ng kanilang kapalaran. Kung napagtagumpayan niya ito kahit gaano pa kahirap ang naranasan niya noon, paano pa kaya sila? 

Ngunit bago pa yon may isa pa siyang ikinapagtataka sa isipan niya kaya naman muli siyang humarap sa kanila at nagsabi, "Sige pumapayag ako sa pakiusap niyong ito Lizana, at alam kong papayag din sila na makatulong, ngunit anong dahilan para ipaubaya niyo sa amin at ng mga kasamahan ko ang pagdala sa kaniya roon kung maaari naman namin kayong tulungan makarating doon?" 

"Pasensya na talaga Ginoong Bam dahil nautusan kami ng mga konsehal na manatili sa kaharian at pag-usapan ang mga kasiraan sa loob at labas ng kaharian lalo na sa kaguluhang naganap sa Wiren at sa Duranar. Si Arlon at ang kaniyang grupo naman ay maitatalaga sa paghatid sa Arch-Mage na si Danure Moonspire na darating sa Saturia itong Surdan (Sunday)," paliwanag ni Lizana. Hindi naman makatugon si Bam at nakita niyang buong respeto yumuko si Lizana na ikinabigla niya.

"Kaya nakikiusap kami sa iyo Bam. Ikaw at ang mga kasama mo lamang ang makakagawa nito! Para rin ito sa kapakanan ng batang ito na gusto ng umuwi sa kaniyang tahanan."

"Di mo na kailangan yumuko pa Lizana, mas mataas ang katayuan mo sa lipunan kaya sapat lang na sabihan mo ako bilang kaibigan at kaklase noong panahon natin."

"Lor Bam..."

"Nag-aalala lamang ako dahil posibleng malagay lang namin sa panganib ang batang ito. Lalu na't nagkaroon din ng insidente sa kagubatang Naerenar at kabilang na ako sa nangyari doon. Hindi ko alam kung magagawa ulit naming patigilin ang pagsalakay ng mga nagbabantay roon."

"H'wag po kayong mag-alala Ginoong Bam dahil alam kong magiging ligtas ang paglalakbay ninyo roon." bahagi ni Arlon. Makahulungang tumingin si Arlon sa kinaroroonan ng batang babae dahilan kung bakit magtaka ang lahat sa panatag na reaksyon ni Arlon.

"Siya mismo ang maghahatid sa inyo ng ligtas roon dahil kilala niya ang mga nilalang na nagbabantay sa Naerenar at kaya niya silang pakiusapan. Ang tanging hiling niya lamang ay makauwi sa kaniyang tahanan, ngunit hindi niya lang alam ang daan patungo sa kagubatan." dagdag niya.

~~~***~~~

Tatlong araw ang nakakaraan bago kumilos ang grupo ni Arlon sa pagbabalik nila sa kaharian, sa kanilang kampo at tolda kung saan namamahinga ang batang babae na nailigtas nila sa mga kalaban. Matapos magising ang batang babae sa pagpapagaling ni Arlon sa kaniya ay laking tuwa nila na makita siyang na nasa maaayos na nakalagayan.

Sa biglaang pagkagulat ng batang babae ay agad itong lumayo sa kanila. Nagsisigaw sa loob ng tolda at nagsasabi ng kaniyang matandang salita na ikinagulat nilang lahat.

"Kumalma ka lang miss! Hindi ka namin sasaktan!" pakiusap ni Ruby sa kaniya, ngunit hindi naman nagpakita ng senyales ang batang babae at ito'y nagsimulang magchant ng spell.

"Sandali!" sigaw ni Ruby.

"Magsilayo kayo!" agad na utos ni Lizana.

Bago pa tuluyang ibato ng batang babae ang kaniyang mahika ay agad namang naglaho ang magic circle sa harapan ng kaniyang palad dahilan sa abilidad ng Sagradong Yaman at sa marka na lumiliwanag sa noo ni Arlon.

Chronicles of Sarim Vol.3: Journey to Hinlan's GateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon