❂ Chapter 2: Moving on ❂
Hindi agad nakatugon si Gideon sa salitang binitawan ni Rika sa kaniya. Gulat at pagkabigla na lamang ang naipakita niya gayun rin sina Edward, Lyan at Jharel.
"Nais ko po humingi ng pabor sa iyo na turuan kaming makipaglaban!" dagdag pa ni Rika na may pagyuko.
"Teka-teka, para naman sa ano itong pabor na ito at gusto mong turuan ka ng Lone Hero at i-train tayo?" nagtatakang banggit ni Lyan sa kaniya.
"Oo nga, at bakit kailangan mo ipakiusap ito ngayon kay Sir Gideon kung nariyan naman si Gin para turuan kayo habang naglalakbay kayo kasama niya."
"Ang totoo po niyan ay nabalitaan ko kay Ate Star kung paano kayo naghirap at nagpagal para paghandaan ang pakikipaglaban niyo sa mga kalaban. Naglakas loob para tapatan sila ng iyong mga abilidad at kakayahan, nagtulungan para matalo sa abot ng makakaya niyo... At nang makita ko kayo Jharel at nagpatuloy na makipaglaban para protektahan kami. Hindi makapalagay sa sarili ko kung paano ako makakatulong sa inyo, gayun ako'y walang kakayahan para tapatan ang kalaban na mag-isa... Kaya naman, gustong tumayo ulit sa tabi niyo! Gusto ko pang lumakas para maprotektahan ko rin kayo!... Hindi ako papayag na malagay ulit ako sa pagkakadakip at hayaan kayong lumaban para sa akin!" mahabang paliwanag ni Rika buhat sa kaniyang damdamin. Wala namang masabi sina Lyan, Edward at Jharel kundi pakinggan siya at unawain.
"Rika..." bulong ni Jharel.
Dahil doon, napangiti na lang si Gideon. Napagtanto na ito ang bumabagbag sa dalaga ng subukan siyang kausapin nito habang sila'y papunta sa pagamutan.
"Sige... Walang problema at maaari ko kayong turuan at sanayin. Dahil alam ko bilang isang Kampyon ni Gulan kailangan ko rin kayong gabayan lalo na't hindi pa natatapos ang lahat... Pero asahan niyong pagtapos kong lutasin ang problemang kabahagi ko sa Elirel, akin ko kayong sasanayin."
"Wuahhh! Salamat po ng marami Ginoong Gideon!" galak na pagyuko ni Rika na sinabayan din ng dalawa.
"Maraming salamat din po!"
"Thank you po sir!" pasasalamat din nina Jharel at Lyan na ikinatuwa naman ni Edward at Gideon.
"Pero sa totoo lang ay may kailangan din akong sabihin sa inyo lalo na't sa iyo Jharel patungkol sa titulong nakasaad sa iyo na nakabatay sa propesiya, pero saka na natin ito pag-usapan kapag ayos na ang lahat. Sa ngayon ay magpahinga na muna kayo at mag-relax para hintayin ang salo-salo na ipagdiriwang natin mamaya! Hindi ako papayag kung makikita ko kayong pagod pagdating doon at hindi malasap ang pagtatagumpay na nararapat para sa inyo at sa ating lahat!" aniya na ikinatuwa nila lahat.
"Ohh siya, maiiwan ko muna kayo. At Edward samahan mo muna ako saglit, may ipapatulong lang sana ako sa iyo."
"Wala pong anuman Sir Gideon, makakaasa po kayo!... Subalit may kailangan po muna akong itanong ngayon kay Jharel patungkol sa buto ng Argenta."
"Erm... Paano ko ba sasabihin sa kaniya kung nasira na ito ng kalaban? Lagot na ako!" gulat at pangangamba ni Rika sa isipan habang iniiwas ang tingin kay Edward.
"Ahh oo nga pala!" nanghihiyang reaksyon sa isipan ni Jharel habang iniiwas din ang tingin kay Edward.
"Buto ng Argenta?..." pagtatakang bigkas naman ni Gideon.
"Opo nabanggit ko po sa inyo ito bago ko po tanggapin ang kapangyarihan na nanggaling sa iyong Sagradong Yaman."
"Ahh iyon ba?... Nalaman ko pala ito kay Gulan noon pa pero di ko lang nabanggit sa iyo at kay tandang Bam dahil... Ermm paano ko ba sasabihin," pag-aalinlangan ni Gideon at mapahawak sa kaniyang batok na ikinapagtaka naman ni Edward.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.3: Journey to Hinlan's Gate
Viễn tưởngKasalukuyan ng natapos ang digmaan sa pagitan ng tatlong kaharian ng Sarim laban sa Black Lotus o ang hukbo ng mga rebolusyonaryo na pinapangunahan ni Darel Arvantes. Ang utak sa likod ng samahan na ito ay ang Panginoon ng Nedaros na si Nesardon na...