Chapter 3

74 4 0
                                    

Chapter 3: Rest 

Tatlong araw na ang nakalipas matapos magtagumpay kami sa aming digmaan laban sa Black Lotus at kay Nesardon, kasalukuyan na kaming nasa kaharian ng Elirel at narito nakatayo sa harapan ng mga puntod kasama ang mga magigiting na sundalo at Lightkeeper ng Elirel. 

Kahit na kami ay malayo sa kinalalagyan ng mga sundalo dahil pagiging banyaga namin, mahirap pa rin sa amin na makita ang pagdadalamhati nila sa mga mahal nila sa buhay. 

Di ko akalain na makikita ko si Zackor at ang mga kasamahan niya rito at sila'y nakapuwesto sa likuran namin. Marahil ay may kinalaman ito sa di magandang pagtrato sa kanila pero masaya pa rin ako na nakasama namin sila rito.

Sa ngayon ay unti-unti pa ring bumabagsak ang yebe sa lupa na sumasabay naman sa pag-iyak ng mga sundalo. Ang mga pagtangis nila ay labis na napupuno ng kalungkutan dahilan kung bakit di ko maiwasan na makaramdam ng pagkabigo lalu na't nasa akin ngayon ang kapangyarihan na makapagligtas ng buhay. 

Marahil ay kahit anong lakas at pagsisikap ko ay hindi ko pa rin magagawang iligtas ang lahat. Kahit si Sir Gideon na Lone Hero ng Sarim ay umamin na imposible niyang magawa ito sa kaniyang sarili lamang. Sa ekspresyon na pinakita niya sa amin noong pagbalik ko ay walang duda na mabigat din ang kaniyang pinapasan dahil sa kapangyarihang taglay niya. 

Kaya naman, labis kong pinagninilayan ang sarili ko para mapigilan na mangyari ito sa hinaharap habang naghihintay na makapaglagay ng bulaklak sa ibabaw ng kabaong nila. 

Nadako na lang ang atensyon ko ng marinig ko ang boses ni El na nasa harapan namin. At nakita kong sila na ang makakapagbigay ng bulaklak at ng kanilang saloobin. 

"Guro, patawad po kung di ko po nasabi sa iyo ang bagay na ito... Noon pa lang ay hiniling ko sa sarili ko na kung kailan kitang pwedeng ituring na ama. Alam ko na medyo makasarili ako dahil palagi akong lumalapit sa iyo para humingi ng tulong sa iyo at matulungan ako sa pagsasanay ko lalo na nung araw na mawala ang mga kasamahan ko sa buhay. Hindi ko pa napagtanto na isipin ang bagay na iyon hanggang sa malaman ko na walang sawa kang nagpagal at naghirap na buuin ang Memory Chamber para tulungan kami... Kaya po, nangagako kami na... gagawin namin ang lahat para mamuhay kami na naayon sa pasya mo!"

"Patawad kung di kami nakaabot sa iyo! Gusto kong..." nahintong saglit niya at marinig ang mabigat na pagtangis niya sa mga sandaling ito. 

"Gusto pa namin kayo makasama!" pahina ng pahina na wika niya dahilan kung bakit bumigay ang puso ko gayun din ang karamihan sa amin. Nakita ko na lamang na inalalayan siya ni Starlet paalis sa kabaong. 

"Humihingi rin po ako ng kapatawaran sa iyo kung ako'y naging matigas sa iyo noong mga panahon na iyon. Salamat po ng marami Guro dahil patuloy niyo po kaming ginabayan at inalalayan. Hindi man sapat ang aming mga pagpapasalamat at paghingi ng tawad sa iyo ngunit nangangako kami ni El na mamumuhay kami ng naayon sa gusto mo. Salamat ulit ng marami dahil binigyan mo pa ako ng rason para makapagsimula muli," wika ni Kael at saka niya nilaglag ang bulaklak na hawak niya sa kabaong ni Telam at ng Prinsipe at silang dalawa ay nagsimula ng maglakad.

Kami nang tatlo ang susunod na mag-aalay ng bulaklak kaya naman ay agad na naming pinahid ang mga luhang naiwan sa aming mga mata. Napaghandaan na namin ang gusto naming sabihin at ngayon ay mauuna sa amin ay si Lyan.

"Sir Telam... Di ko pa po nalilimutan ang sinabi niyo po sa amin nung unang beses po namin kayong nakita at nakausap na gagawin niyo po akong assistant balang araw. Hindi man ito mangyayari pero pagbubutihin ko pa rin dahil kasama ko sila... Si Rika na madalas makidnap ng masasamang tao ngunit malakas. At si Jharel na idol ko dahil sa pagiging mabuti at matulungin niya..." dagdag nito dahilan kung pagtaasan siya ng kilay ni Rika. Nagulat na lang ako dahil wala ito sa script na kinakabisado niya. 

Chronicles of Sarim Vol.3: Journey to Hinlan's GateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon