III

10 0 0
                                    

Chapter 3

"I want a civil wedding, Leo."

Mataman akong tinitigan ni Leo.Nagiwas siya ng tingin at saka tumingin kila Mommy.

"How about the engagement party?" Si tita Lea.

"We want our marriage to keep it simple as much as possible, Tita.I hope it's fine with you." nakangiti kong ani.

Agad na nalukot ang mukha ni Mommy.As expected.

"Leo?" umaasa ang tinig ni Mommy na nagbabakasakaling iba ang nasa isip ni Leo.

Ngunit simpleng ngumiti si Leo.Halos mapatalon pa ako sa kinatatayuan ko nang hawakan niyang bigla ang kamay ko.Mahigpit 'yon at halos hindi na pakawalan ang mga palad ko.

Napalunok ako at hinayaan na lamang siya.

"It's fine with me.It's her decision to make." He said.

"Leo, you have to decide too.We agreed to the Civil Wedding, atleast you guys should agree with the Engagement Party we want to make." ani Tita Lea.

Sumang-ayon naman si Mommy habang tahimik lamang si Daddy at Tito Leonardo, walang magawa at hindi makapagsalita dahil sa namumunong boses ng dalawang babae.

"Mom, it's our own decision.It's our marriage after all.If you want to make it in your own will, then you can marry each other again." He said cockily.

Bahagya naman akong napangiti doon.Pinigilan ko ang sarili kong matawa at binigyan ng makahulugang tingin si Leo.

"Ayaw ni Mommy ng Pilosopo," natatawa pero seryoso kong ani.

Nagkibit balikat lang siya at saka deretsong tumitig kay Mommy at Tita Lea.

"My fiancée tends to make her own preferences. Let's be tactful of that anyway." Ani Leo.

Sumimangot ang dalawa.Nag bigay naman ng senyas sina Daddy at Tito Leonardo na sila na ang bahala sa dalawa kaya naman umalis kami ni Leo para hayaan silang makapagusap-usap.

"You sure you don't want the party?" mapangasar ang boses ni Leo.

Sinamaan ko siya ng tingin at mahina lang siyang tumawa.Umirap ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ayoko ng party.We aren't even open with ourselves about how we consider this marriage.This is just a classic fix-up relationship.Nothing more." seryoso kong ani.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang aking nakita pero napansin ko sa mata ni Leo ang pagdaan ng hindi malamang emosyon sa kaniyang mukha.

He was like mad or something?

Pero hindi ko na 'yon pinansin.Nagtiim- bagang siya at hindi nalang 'rin nagsalita.

Bahagya ko siyang pinagmasdan.Kahit kailan ay hindi na nagbago ang nakikita kong emosyon sa kaniyang mukha.Seryoso pa din ito at hindi halata kung masaya ba siya o nagagalit.

Kung may kakayahan nga lang akong itanong sa kaniya kung pinaglihi ba siya ni Tita Lea sa sama ng loob ay ginawa ko na.Kaso ay hindi ko alam kung magagalit ba siya o pipilosopohin ako kagaya ng ginagawa niya sa ibang tao.

We Got Married!Where stories live. Discover now