o4

4 0 0
                                    


KELLY'S POV

" care to share, spill out pls.."  sabi ni angela ng biglang tumabi sa akin habang nag kakape ako sa labas ng cottage. Isa mga morning routine ko ang pagkakape.

" hm, about what?"

" ay grabi siya, oh! In denial ka teh?" Sabay irap niya at umupo sa tabi ko na may bitbit na kapi rin sa kanya ako na hawa ng pagkakapi..

" is this about last night??"

" ay! Yan. Tsismisan mo ko, dali."

"Tsimosa mo talaga." Sabay irap ko rin sa kanya.

" hindi noh. Hello?! Iisa lang yung tinutulugan nating room, kaya I  saw my two eyes na hinatid ka ni lucas at hindi lang yun kinarga ka pa niya. Tell me, kayo ba ang kinasal?" Kilig niyang sabi at sarcastic na tanong,, kaloka! Nakita naman pala niya ba't pa ba nagtatanong ito?

"May kailangan pa ba akong ikwento sayo? Nakita mo naman pala, eh. At saka wag kag green minded dahil he treating me like a little sister or baby sister." Tulad ng tawag  niya kagabi na baby.
Yun naman kasi ang pakilala niya sa akin noon sa mga friends niya. My baby sister.

" ay, wag mo kong turuan, teh. Basta iba yung pakiramdam ko sa kanyang mga titig niya sayo, teh. At may pakiramdam ako na tuwing kasama natin ang ibang boys, parang ang sakit niyang maka tingin sa kanila"

" i know his possessive kuya at gawain na niya yun noon pa. At wag assuming, angela.  Hindi yan mangyayari ang iniisip mo"

"Wow, ha. Kailan ka pa naging manghuhula?" Ngiting aso na tanong nito.

" you're the one who knows my secret" serious kong sabi..

" hahaha, believe na talaga ako, sayo. Omg, look who's  coming" bigla niyang bulong. Kaya napa baling din ang mga mata ko lung saan na katitig si angela.

" HAHAHA,,,, ang galing nyo pala sa banana boat kuya lucas. Biruin nyo siya lang yung hindi nahuhulog?" Masayang sabi ni cath na pinsan ni kuya neil at friend ko na rin ito but not close.

" ay, taray, agang aga, nag ba banana boat na sila? Hindi man lang nila tayo ginising?" Reklamo ni angela.

" oyyy, gising na pala kayo? Sayang hindi kayo na kasama sa banana boat kanina. Ang tagal nyo kasing nagising" kwento ni mera na pinsan din kuya neil at isa din siya sa mga bridesmaids..

" so, ano ngayon nang iinggit kayo? Hmmm, palibhasa hindi kayo tulog mantika, hindi tulad ng katabi ko dito, iwan ko ba kapag same room kami matutulog ay nahahawa ako sa kanya."  Sabi ni angela at ako pa ang sinisisi. Kaloka! Napatingin ako sa lalaking yun, ang tahimik yata habang natitig sa akin.
Wow ha, iba yung dating niya ngayon. Naka swimming trunks lang siya at kitang kita yung pandisal niya.. uhm,, masarap isawsaw sa kapi ko?!!!, oh shit blue mag hunos dili ka nga!

" hey, marami pang time para makapag banana boat tayo"  singit na sabi ni george na lumapit sa akin at umupo.
" ba't ang hilig mo brewed coffee? Diba hot choco yung favourite mo?" Dugtong niyang sita sa akin.

" bakit? Hindi ba pweding magpalit ng bagong taste?" Tanong naman ni angela na sabay tapik sa braso ni george. Oh, poor girl tsanching na yan...

" ayy, parang hugot yan, girl, ah?" Sabi naman ni cath at inakbayan si angela.. may pinag daanan ba si angela? Hindi ko alam yun, ah!?.
Samantalang si george naman ay parang namula. Is there something  with them?..

Napansin kong umalis si lucas at sinundan ko lang ng tingin. Pumunta siya sa isang maliit na coffee shop.. gusto yatang mag painit.

" uhm,, Kelly May itatanong lang kami, curious lang kasi kami."  Tanong ni evon.

"Uhm, what?"

" wala ba yang gf yang kuya lucas mo? Naunahan pa yata siya kay ate Alexis, eh. At as I heard a news, 6 years siya sa germany for managing business. Wala ba sa plano niyang mag settle down?" Tanong ni evon. Wow ha, curious talaga? O she likes my brother? Ito kasi si evon ibang babae rin ito. siya yung babaing kung ano yung gusto niya hindi siya titigil kung hindi makukuha gagawin talaga  hanggat kaya niya. Sabihin na nating isa siya sa mga bitches na nakilala ko.. yan kung papatulan siya ni lucas.

" I  don't know" sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya.

" at ba't mo natanong evony? Don't tell me, do you like him?. Sorry ka nalang baka hindi ka pasok sa taste niya. Kita mo naman kung medyo may pagka suplado siya." Pangatwiran ni angela. Kilala niya kasi si evon dahil magkapatid sila.

" hmmm, malay natin, ange." Sagot nito at sabay pamiywang sa harapan namin kaya napa tsk nalang ang mga boys tas ang ibang girl naman ay umirap..

" excuse me, po ma'am. Kayo po ba si lee?" Tanong ng isang babae na medyo mas bata pa sa amin. At nakita kong may bitbit siyang hot choco.. at napansin din ito ng mga kasama ko.

" uhm, yes ako nga" sagot ko.

" may nagpapabigay po nito" sabay abot niya sa akin. Tinanggap ko naman pero wala akong idea kung kanino galing.

" uhm, miss sinong nagpabigay nito?" Tanong ko. Nakita ko kung paano ngumiti ng malapad si girl na para bang kinikilig.

" hindi ko po alam ang pangalan ma'am. Pero ang sabi niya po kanina. For my baby girl. At tinuro po kayo tas umalis na din po siya." What the! Si lucas lang naman ang palaging tumatawag sa akin ng ganon....


 kuya's baby girl Where stories live. Discover now