CHAPTER 6

602 22 9
                                    

APHRODITE'S    


So dahil tapos na ang klase gala gala muna sa mall dahil maaga pa kasama ko si lolo Hendrick yung mga kaibigan ko kasi may bebe time kaya naiwan ako kaya ito pinagtitiisan ko na lang si lolo Hendrick.


"Akalain mo yun. Yung dalawa mong kaibigan na masungit nagkajowa pero ikaw na chismosa hindi" sabi ni Hendrick ata tumawa ng malakas.


"Nakakatawa yun? Nakakatawa? Hampas ko kaya sayo tong bag ko" inis na sabi ko. Okay lang walang jowa bata pa ako nuh!



"May regla ka ba? Inis na inis ka sa mukha ko ah" sabi pa niya.


"Oo tampal ko sayo tong napkin ko gusto mo?! Bumili ka na nga lang ng pagkain natin dun bilis!" Inis na sabi ko at tinulak siya para bumili.


"Sige antayin mo ko dito ha" sabi niya na parang bata ako na mawawala anytime myghad.


"Yes lolo Hendrick bilis alis!" Inis na sabi ko.



"So pano nakapasok ang isang tulad mo na asal hayop dito sa mall?" Napatingin ako sa nagsalita. Ito yung mukhang pera eh si isabella Yung nililigawan ni dale.



"So pano nakapasok dito ang mukhang aso?" Pang aasar ko din halata sa mukha niya na nainis siya sakin.



"Akala mo nakalimutan ko yung ginawa mo na pamamahiya sakin dati! sa tingin mo papatol si dale sa isang isip bata na tulad mo lalo na yung ginawa mo sakin nagmumukhang isip bata ka talaga?!" Inis na sabi niya.



"Aba di ka sure baka hindi niya lang ako girlfriend sa future magiging asawa pa niya" nakangisi na sabi ko.


"Sigurado ka? Baka ako maging future wife niya dahil girlfriend niya ako" sabi niya.



Girlfriend? Jowa agad?!


"Yeah tama pagkakarinig mo boyfriend ko na yung lalakeng gusto mo, bata" nakangisi na sabi niya.


Tangina to maka sabi ng bata 18 lang naman siya bata din naman siya!


"Kung ako kasi sayo aral muna bago lumandi ha. At wag ka na umasa na magugustuhan ka ni dale ayaw nun sa isip bata at madaldal na tulad mo. Sabi pa nga niya malas ka lang sa buhay niya bwisit lang sa buhay niya" dagdag pa niya at umalis sa harap ko. Bago siya makaalis pinatid ko muna siya ng paa ko kaya nadapa siya natapon pa yung inumin na hawak niya. Yan buti nga tangina ka gigil na ako kanina pa eh.

"Ay sorry sadya saka nahiya naman ako sayo. Sayo pa talaga nanggaling yung aral muna bago landi? Eh nung grade 10 ka nga nakailang landi ka ng senior high tsk" inis na sabi ko at tumalikod. pag talikod ko nasa harap ko na pala si dale.


"Oh pota—" gulat na sabi ko.


Pag minamalas ka nga naman oh mukhang nakita niya yung pagpatid ko sa jowa niyang mukhang aso.



"B-Babe! Tinulak niya ako gusto ko lang naman siya kamustahin dahil naalala ko may sugat siya nung inaway niya ako sinabihan pa niya ako na malandi narinig mo yun diba babe" umiiyak na sabi ni isabella habang nakayakap siya sa braso ni dale.


Sinungaling. Ay well totoo naman Sinabihan ko siya malandi pero nauna siya.




"Aphrodite lagi na lang ganto! Ano ba talaga problema mo kay isabella?! Kahit nga inaway mo siya kinamusta ka pa din hindi ka ba nahihiya?!" Mahina pero may gigil na sabi niya. Bawal siya sumigaw madami tao sa mall.



"Eh yang jowa mo naman nauna-" hindi niya ako pinatapos at hinawakan niya ako sa braso na sobrang higpit.




"N-Nasasaktan ako dale" naiiyak na sabi ko napatingin ako kay isabella na nasa tabi niya na nakangisi sakin.





"Napaka desperada mo talaga hindi ka pa ba nahihiya sa ginagawa mo?! Habol ka ng habol sakin! Pasalamat ka dahil mahal ka nina tito at dad kasi kung wala sila malamang wala ka din sa mansion wala sana bwisit sa buhay ko!" Inis na sabi niya.





"Boss dale tama na yan!" Sabi ni Hendrick pagdating niya.




Padabog ako pinakawalan ni dale.





"Ayusin mo yang kaibigan mo Hendrick ha masyadong desperada pati girlfriend ko sinasaktan" inis na sabi ni dale habang nakatingin sakin.




"Eh yang jowa mo naman talaga nauna eh!" Inis na sabi ko pero hinila na ako ni Hendrick.




"Tama na aphrodite hindi makikinig sayo yan lagi naman hindi nakikinig yan sayo" bulong ni Hendrick at hinila ako palayo sakanila.




Lumingon pa ako habang naglalakad kami nakita ko na nakatingin si dale at isabella samin. Tumingin ako kay isabella nakangisi siya habang nakatingin samin ni Hendrick.




"Oh tama na yan wag mo na sila tidnan" sabi ni Hendrick at pinaharap ako sakanya.



"Tangina naman kasi eh bukod sa peperahan siya nun inaaway ako nung isabella na yun lagi! Kahit wala pa yung nangyayari na pag sugod ko sakanya dati  mainit na talaga dugo niya sakin!" Inis na sabi ko at pinanunasan ang luha ko.




"Naku umiiyak nanaman ang bebe gurl halika yakapin ka ni kuya Hendrick" sabi ni Hendrick at niyakap ako.




"Alam mo ba naiinis ako kay boss dale dahil sa ginawa niya? Pero hindi ko magawa dahil ayaw ko ng gulo at boss ko siya baka tanggalin ako nun sa pagiging butler niya edi hindi na kita malilibre niyan" sabi ni Hendrick



"Sus takot ka lang talaga kay dale kasi mas malakas siya sayo" naiyak na sabi ko.



"Hoy hindi ah! Medyo lang" sabi niya kaya natawa kami parehas. Alam ko di niya kaya saktan din si dale dahil parang magkapatid ang turingan nila.



"Tara na nga ito pagkain ng bebe gurl ko baka nagutom ka sa pag iyak eh" sabi niya kaya pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang pagkain na binili niya




"Salamat sa libre" sabi ko.




"Sus lagi naman kita nililibre nuh! Ikaw pa malakas ka sakin eh" sabi niya at inakbayan ako




"Syempre lab mo ko diba lolo Hendrick?" Nakangiti na sabi ko




"Oo mahal ka ni kuya Hendrick mo" sabi niya habang nakangiti din sakin.





Ang swerte ko kahit hindi ko kadugo si Hendrick tinuturing niya akong bunsong kapatid niya.














PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon