APHRODITE'S
"Wow ang gandang resort naman to!" Sabi ni hecate.
"Gaga satin resort to!"
Nandito kami sa isa sa mga resort ng Trevino pinagbakasyon kami ng mga magulang nila kaya nandito kami.
"Uy ang ganda dito nuh?" Sabi ni deana at yumakap sa braso ko.
"To naman makayakap ka naman! Bat hindi ka kumapit dun sa jowa mo oh!" Sabi ko at tinulak kay cloud.
Hindi dapat kasama si cloud kaso pinagpilitan ni deana kaya pumayag na sina tito.
"Guys!" Napatingin kami ng sumigaw si kuya Jupi. Siya yung pinaka matanda.
"So sa kwarto tig dalawang tao sa isang kwarto yun ang sabi ni dad sakin pumili na kayo ng kasama tapos kunin niyo susi niyo sakin at pagkatapos ayusin niyo gamit niyo sa room niyo. Pagkatapos nun lumabas kayo kakain tayo dahil anong oras na din naman" sabi ni kuya jupi.
"Understood ?!" Sigaw ni kuya Jupi.
"Yeah! / Oo! / Opo! / Yes!" Kanya kanyang sagot namin.
"Good sige na humanap na kayo kasama sa kwarto niyo" sabi ni kuya.
"Hoy deana kung nagbabalak ka na magkasama kayo ni cloud sa kwarto hindi kami papayag ha! Dun siya sumama kay Jupiter!" Sabi ni dash kaya nakita ko sumimangot si deana kaya natawa ako.
"Tara na nga mamaya na kayo magharutan ni cloud. Oy pareng cloud akin muna bebe mo dyan ka muna bye!" Sabi ko at hinila si deana
Pagpasok namin sa room na para samin napanganga kami ni deana.
"Gagi ang ganda!" Sabi ko at inalog si deana kaya hinampas niya ako.
"To naman maka alog ka sakin ha!" Sabi ni deana at tuluyan na kami pumasok.
"Tara na ayusin natin gamit natin para makababa na baka hinahanap na tayo nina kuya Jupi" sabi ko at nag ayos ng gamit.
"Mag swimming na ba tayo?" Tanong ni deana.
"Bukas na gabi na oh" sabi ko at tinuro ung may balcony dito sa room namin.
"Oo nga bukas na lang" sabi niya at nag ayos din ng gamit.
"Ano tara baba?" Sabi ko tumango siya at bumaba na kami.
Pagdating namin dun sa restaurant na kakainan namin kitang kita mo talaga ang mga Trevino bukod sa maingay yung iba sila din tinitidnan ng mga tao sa loob ng restaurant dahil ang gwapo at ang gaganda nila sino ba naman hindi mapapatingin diba.
"Girl dun muna ako sa jowa ko ha" sabi ni deana kaya tumango lang ako at naghanap ng upuan.
"Aphrodite dito ka sa gitna namin ni kuya dale oh!" Napatingin ako kay hestia ng tawagin niya ako. Napatingin ako kay dale na busy sa cellphone baka kausap yung girlfriend niya.
"Oh nasan na si nasan si jaxson at hypnos? Tawagin niyo na para makakain na tayo!" Sabi ni kuya jupi kaya tumayo si dash para tawagin yung dalawa.
"Boto ako sayo" napatingin ako kay hestia na nakatingin pala sakin.
"Ha?"
"Boto ako sayo. Gusto kita para kay kuya dale" sabi niya kaya napalaki ang mata ko sa sinabi niya.
"A-Alam mo may gusto ako kay dale?" Sabi ko pa kaya tumawa siya.
" ako pa talaga tinanong mo? Nung bata tayo lagi mo pinagmamalaki na papakasalan mo si dale dahil yun ang usapan niyo dati!" Bulong niya sakin.
Oo nga naalala ko yun.
(Flashback)
"Dale naman bat mo ko nihihila?? Lalaro kami ni kuya jupi ng badminton ko eh" sabi ko habang kumakamot sa ulo.
