APHRODITE'S
Sarap tumira ulit dito sa mansion lalo na bati na kami ni dale hihi.
Pagbaba ko naririnig ko na nag aaway nanaman si dash at deana.
"Mauuna nga ako sumayaw tapos susunod ka lang!" Rinig ko na sigaw ni deana. Tangina aga aga nagsisigawan.
"Ah kala ko mauuna ako tapos sasabay ka lang pag yung chorus na"
Pagtingin ko sa sala nandun ang magkukuya. Si deana at dash nakatayo at nakatingin sa cellphone. Si dale naka upo at nakatingin sa laptop.
"Ako nga mauuna bwisit ka!" Sabi ni deana at hinampas si dash.
"Aray!! Oo na ikaw na" sabi ni dash.
"Tangina aga aga nagsisigawan kayo dahil lang sa sayaw?" Sabi ko at umupo sa tabi ni dale.
Shet bango bango ni daley baby!
"Simpleng tabi yung isa dyan" sabi ni deana kaya binato ko siya ng unan.
"Gago"
"Diba sabi ko wag kayo magmumura" napatingin ako kay dale na nakatingin sakin.
"Si deana nag umpisa" sabi ko at tinuro si deana na sumasayaw na dun kasama si dash.
Tinit*gasan na naman ako sa iyong ganda
Dahil sa iyong ganda, ako'y napatanga
Sus—"Ano ba yang kanta na yan!!" Sigaw ko at tinidnan yung dalawa na nasayaw sa harap ng camera na parang baliw. Mas baliw talaga si deana sakin ngayon.
"Tama na yan mag ayos na kayo pupunta pa tayo sa party kayna hypnos mamaya" sabi ni dale at umakyat sa kwarto niya.
"Oh tama na yun post na natin ang cute" sabi ni deana habang natawa.
"Hoy tama na yang kakasayaw mag ayos na kayo maya maya aalis na daw tayo" sabi ko at umakyat na din sa kwarto ko para umalis.
"Dapat ata nilalayo natin si aphrodite kay dale nuh? Nagiging masungit na din siya eh" rinig ko pa na sabi deana.
"GOOD Evening everyone! Mabuti at nakapunta kayo para samahan kami
To celebrate our 21st wedding anniversary with my dear wife here. And I Hope you enjoy the party and again, good evening everyone. Kung gusto niyo na kumain may buffet tayo dyan sa right side and para sa mga kabataan na mahilig mag inom may small bar station naman sa left side. Again enjoy the party" sabi ni tito George at bumaba na sila ni tita helen sa stage."Grabe sana ol nagtatagal! Gusto ko din ng ganun na relationship!" Sabi ko.
"Pano ka makakahanap nun eh puro dale ata nasa utak mo hindi ka naman type ni dale" bulong ni deana sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Grabe ka talaga sakin sana mag away kayo ni cloud" sabi ko sakanya.
"Tangina to di ka mabiro? Alam mo naman ship ko kayo ni dale diba" sabi pa ni deana.
"Ahm excuse mga maam at sir kukuhaan lang po kayo ng picture" napatingin kami sa photographer.
"Oh sure kuya gandahan mo ha" sabi ni hestia.
Nasa iisang table kasi kami si dale,dash,deana,hestia,Hecate,hypnos at ako tapos yung iba na magpipinsan nasa kabilang table katabi lang namin.
"Sure maam kahit anong angle maganda ka naman po" sabi nung photographer natuwa naman si hestia.
"Go na kuya picture na!" Sabi ni Hecate.
Napatingin ako kay dale. Ang gwapo niya sa suot niya! Naka suot siya ng Three piece suit na kulay black Naka gel ang hair tangina napaka gwapo! Pwede ba itago kita sa bulsa ko?!
"Hoy gaga natapos na yung picture taking kay dale ka pa din nakatingin" sabi ni deana kaya natauhan ako. Ngayon ko lang napansin nakatingin din sakin si dale at nakangisi pa.
"Gwapo ba?" Sabi niya
"Gwapo talaga" wala sa sarili na sabi ko kaya natawa siya at kinurot ang pisnge ko.
"Bat ang cute mo" sabi niya at uminom ng wine na nasa harap niya. Kinurot niya pisnge ko. Napahawak tuloy ako sa pisnge ko.
"Yuck cute daw" sabi ni deana kaya hinampas ko siya.
"Gago!" Bulong na sabi ko kay deana.
Habang busy ang lahat. Tumingin tingin ako sa paligid para lang mag obserba ng mga tao. Napatingin ako sa lalake na sa may bar counter nakatingin siya sakin nung makita niya ako na nakatingin sakanya ngumiti siya at tinaas ang hawak niya na baso na may wine. Inirapan ko lang siya. Feeling close eh
"Sino iniirapan mo dyan?" Sabi ni dale. At tumingin sa may bar counter.
"Wala cr lang ako naiihi ako" tumango lang siya at uminom ulit ng wine.
PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!
