DALE'S
putangina san ko hahanapin si aphrodite?!
Nagdadrive ako kahit di ko alam san pupunta.
Napatingin ako sa cellphone ko ng may nag text.
AMPHITRITE:
Alam mo yung bahay ni papa na nasa malapit sa gubat kung saan dinala mama mo? Dun niya dinala si aphrodite dun ka pumunta sigurado ako nandun sila. Sorry talaga.
Pagkasabi niya nun tinext ko na din si Hendrick kung saan ang location nung lugar.
Napatingin ako sa cellphone ko ulit ng may tumawag.
"Dale nagsend ng location sakin si isabella tama ba yun?" Bungad sakin ni dash.
"Oo papunta na ako dun"
"Ikaw lang mag isa?! Nasan sina Hendrick? Si Mr. Morris? Si dad?!" Sabi ni dash.
"Sinabi ko na kay Hendrick pero di ko sila mahintay dahil baka kung ano mangyari kay aphrodite"
"Gago ka ba! Wala kang back up tangina mo dale umayos ka!" Inis na sabi niya.
"Hindi yan masamang damo ako bye kambal" sabi ko at pinatayan siya ng tawag.
APHRODITE'S
Nagising ako ng walang nakikita. Ang dilim. Ayaw ko sa dilim. Takot ako sa dilim.
"TULONG!! AYAW KO DITO ANG DILIM NAHIHIRAPAN AKO HUMINGA TULONG!" sabi ko at nagsimula na mataranta.
"Natatakot ako tulong..." Mahinang sabi ko at umiyak ng umiyak.
May narinig akong yapak kaya napaangat ang tingin ko kahit wala ako makita. Napatingin ako sa kanan dahil narinig ko may nagbubukas ng pinto at bumukas na nga ang pinto sumabay din ng bukas ng ilaw.
"Welcome home Eris Aphrodite My daughter. Hindi mo ba namiss si papa?" Sabi niya na nagpatulala sakin.
"Papa?" Umiiyak na sabi ko. Papa ko siya?
'Tangina ka na bata ka pabigat!' sigaw ni papa at sinampal ako.
"Ahh!!" Sigaw ko ng biglang sumakit ulo ko. Hindi ko mahawakan ang ulo ko dahil nakatali ako pero sobrang sakit ng ulo ko at biglang dumilim ang paligid.
Narinig ko na sumisigaw si mama kaya dali dali ako pumasok sa kwarto nila nakita ko si mama sinasakal ni papa.
'kailangan mo mamatay para akin na ang kayamanan mo!' yun ang sigaw ni papa.
Tumakbo ako palapit sakanila.
"Papa! Papa! No! Nasasaktan si mama! Papa!" Sigaw ko at pilit siya hinihila.
Tinigil ni papa ang pagsakal kay mama at tumingin sakin.
"Aba matapang ka ha. Marunong ka na sumigaw sa mas matanda sayo eh parehas lang naman kayo ng nanay mo walang kwenta!" Sabi ni papa at kinaladkad ako.
"Alejandro please wag mo sasaktan ang bata! Alejandro ako na lang saktan mo wag ang mga bata!" Rinig ko na sigaw ni mama.
Hinila ako ni papa papasok sa loob ng madilim na basement.
"Dyan ka! Bwisit!" Sabi niya at nilock ang basement muna sa labas.
"Papa! Buksan mo to ang dilim dito natatakot ako!" Sigaw ko habang naiyak ako.
"Hindi ka kakain dyan ka!" Sigaw niya kaya umiyak na lang ako.
Sa kakaiyak ko nakatulog ako. Nagising ako ng may nagbubukas ng pinto kaya napatayo ako. Nakita ko si mama na pumasok.
