CHAPTER 18

642 18 3
                                    

APHRODITE'S

Nakauwi na kami at sabi ni tito gabriel sa mansion na lang muna daw ako.

"Good morning dash!!" Bati ko kay dash na nagluluto ng almusal.

"Oh good morning sa aphrodite namin! Mukhang maganda gising mo ah" sabi pa niya kaya tumango tango ako.

"Morning" napatingin ako sa bagong dating. Napaka gandang bungad kita ko ang abs! Abs!!

"Baka tumulo laway mo aphrodite" sabi ni dale.

"Ewan sayo!" Sabi ko at lumapit sa ref para kumuha ng makakain.

"Hmm gatas nasan ka" bulong ko sa sarili ko.

"Nandito oh" napatigil ako ng may bumulong sakin. Kinuha niya yung gatas na kanina ko pa hinahanap at binigay sakin

"Lakihan mo kasi mata mo" bulong niya pa bago lumayo sakin.

"Che! Kita ko naman eh!" Sabi ko.

"Namumula ka aphrodite kumalma ka kakambal ko lang yan" sabi ni dash at tumawa

"Gago!" Sigaw ko sakanya at uminom ng gatas.

"Oh san ka pupunta? Kakain na oh pababa na din si deana siguro" sabi ni dash.

"Jogging" sabi ko.

"Sige jogging muna tayo bago kumain ate paki sabi kay deana mag jogging kami" sabi ni dale.

"Jogging?!" Napatingin kami sa may pinto ng dining area nandun nakatayo si deana at sabog pa ang buhok nagpuyat ata to eh

"Oo gaga bat ganyan mukha mo?! Nagpuyat ka ba?" Sabi ko pa.

"Ayaw ko mag jogging matutulog pa ako kayo na lang" sabi ni deana at sumubo ng tinapay. "Ate patimpla po ng kape thank you!" Sabi ni deana.

"Sige po maam wait po" sabi ni ate.

"Kailangan mo din ng exercise bat hindi ka sasama?!" Sabi ni dash.

Habang nag aaway sila napatingin ako sa kumalabit sakin. Sumenyas siya na ilapit yung mukha ko sa kanya dahil may ibubulong siya.

"Ano ba yun dale?" Bulong ko din.

"Tikman mo gawa na pancake ni dash hindi masarap" sabi niya at susubuan sana ako ng pancake.

"Bat kailangan subuan pa?!" Sabi ko. Tumawa naman siya.

"Walang malisya sakin susubuan lang naman kita ewan ko sayo kung may malisya sayo eh" sabi niya pa.

"Syempre wala! Subuan mo na ako" sabi ko pa.

"Ano isusubo ko?" Nakangisi na sabi niya kaya sinipa ko siya sa paa.

"Ouch masakit yun" sabi pa niya at sinubuan ako ng pancake.

"Parang tanga to may lasa naman ah!" Sabi ko at kinuha yung fork sa kanya at tinikman ulit yung pancake.

"Ahh may lasa ba patikim nga" sabi niya at kinuha yung fork sakin at tinikman din.

"Oo nga masarap nga may lasa pala" sabi pa niya at tumawa. Hindi ba niya naisip na indirect kiss na yun namin?!

"Grabe naman pagiging bati niyo nakain na kayo sa iisang plato. Maganda pala pag bati kayo tipid sa hugasin." sabi ni deana na nasa harap namin at kumakain din.

"Ay pulang pula?" Pang aasar naman ni dash kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mag jogging na tayo!!" Inis na sabi ko

"Aphrodite niyo aga aga kinikilig!!" Pang aasar din ni deana at tumawa.

"Bwisit kayo" sabi ko lang at lumabas ng mansion paglabas ko saka ko nilabas yung ngiti na pinipigilan ko.

"Shit! Hindi ako sanay ganun siya! Kinikilig ako tangina!" Sabi ko at lumabas ng gate ng mansion.

"Maam saan ka po pupunta?" Tanong ni kuya guard.

"Jogging lang po kuya" sabi ko tumango siya at pinagbuksan ako ng gate.

"Ingat po kayo"

"Thank you po" yun sabi ko at bago ako maka takbo May humawak sa braso ko.

"Hindi mo ko hinantay" sabi ni dale

"Teka ikaw lang? Hindi kasama si dash at deana?" Sabi ko pa at tumingin sa likod niya.

"Bakit ayaw mo ko kasama" sabi niya at parang galit?

"Bakit ka galit? Nagtatanong lang eh kung hindi kasama edi tara na mag jogging!" Sabi ko at hinila siya para tumakbo.


"SAGLIT nauuhaw ako!" Sabi ko. Kanina pa kasi kami natakbo.

"Tsk bilis mo mapagod. Halika bibili tayo tubig" sabi niya at hinila ako.

Nandito kami sa may park ng village.

"Umupo ka muna Dito bibili lang ako sa 7 eleven" sabi niya at tumakbo papunta sa 7 eleven.

Kakaiba park nila dito may 7 eleven may ministop Jollibee at mcdo. Tapos may basketball court. May playground syempre para sa mga bata. Makikita mo may mga tao na nag jogging kasama mga alaga nilang aso. May mga bata sa playground kasama yaya nila. May couple na naglalandian sa ministop.

"Oh" napatingin ako kay dale na may dala ng tubig at hotdog.

"Uyy salamat!!" Sabi ko at inayos ang pagkain ko. Napatingin ako sa katabi ko na nainom ng tubig nakatingin siya sa mga bata na naglalaro.

"Pag tumingin ka akin ka" bulong ko pero hindi lumingon. Tangina to pangit kabonding.

"Isa pa. Pag tumingin ka akin ka" pagtingin ko sakanya sakto tumingin din siya sakin kaya nanlalaki ang mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Akin na" sabi niya.

"H-Ha? Ako? Iyo na ako??" Wala sa sarili na sabi ko. Napakunot ang noo niya.

"Tange yung tubig mo akin na bubuksan ko kanina mo pa hawak yan eh" sabi niya at kinuha sakin yung tubig.

"Okay na? Akin ka na?" Wala pa rin sa sarili na sabi ko.

"Tangina hindi ko alam ganyan ka pala ka-cute. Oh tubig mo uminom ka na" sabi niya at kinain yung siopao na binili niya para sakanya.

Tangina kasi kung ano ano sinasabi ko?!


PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon