CHAPTER 4

937 23 3
                                    

APHRODITE'S.   


Boring dito sa condo. Puntahan ko sana si kuya hypnos kaso baka may babae na dala sa condo niya yun at makita ko pa sila na nagawa ng milagro edi hindi na ako inosente nun.


Ay alam niyo ba na nandito din ang condo ni dash at dale katapat ko yung room ni dash habang Kay dale katapat kay kuya hypnos yung iba naman hindi nakahiwalay sa magulang pero  yung iba may sariling bahay naman jusme


So balik ulit tayo sa usapang naboboring ako! Sabado na sabado wala ako magawa naglinis na ako ng buong bahay naligo na ako tinidnan ko yung mga lessons na parating pa lang.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog to. May text malamang. Si Deana lang pala. Lagi ako tinetext neto lagi ako miss. ako ata jowa niya eh lagi ako hinahanap


DEANA GAGA:

uy babae Tara gala wala ako magawa.

ME:

May jowa ka siya yayain mo

DEANA GAGA:

tangina mo ikaw nga niyaya ko dahil busy yung tao


Aba- minura pa ako! Feeling ko naririnig ko ang malutong na mura niya gosh!


ME:

wow so niyaya mo ko dahil wala yung jowa mo at wala ka choice ganun?!

DEANA GAGA:

Si faye din busy may date siya kasama ni uno kaya ikaw na lang wala ka naman jowa kaya alam ko di ka busy


Grabe na tong babae na to ha! Mapanaket! Oo na ako na walang jowa!


ME:

ah talaga deana? pakyu.

DEANA GAGA:

HAHAHAH tangina to joke lang eh! Bilis na tara mall libre ko



Napatayo ako dahil nabasa ko na ang 'libre' na word ehe.



ME:

di mo naman agad sinabi na libre edi sana kanina pa ako naka bihis diba.


DEANA GAGA:

walangya ka talaga mukha kang libre. Magkita na lang tayo sa mall wag ka malelate huh! Bye.




Pagkatapos ko basahin ang text niya nag ayos na ako syempre wag daw malate eh baka di ako ilibre nun pag late ako aba sayang!













ISANG ORAS. Isang oras na nakalipas at nakakaputaena dahil wala pa si deana! Wag daw ako malelate tapos siya pala malelate mygosh deana!

"Uy aphrodite!" Napatingin ako sa nagsalita si deana gaga na late ng isang oras na masarap ibalibag dahil ang tagal niya.


"Wow babae dumating ka pa" sabi ko at pumasok na kami sa mall.


"Sorry na traffic eh" sabi niya habang natawa


For sure sinadya niya magpalate para mapagtripan ako bwisit na babae talaga to pasalamat siya ililibre niya ako.

"Ewan sayo tara na bilis ilibre mo na ako!" Inis na sabi ko at pumasok sa mall.


Habang nakain kami may nag text kay deana.


"Uy tara uwi tayo sa mansion" sabi niya at hinila ako para umuwi.


"Gaga bakit? Sa condo ako uuwi bat mo ko isasama pauwi ng mansion?" Tanong ko.

"Sabi ni mama nandun si saturn tara bantayan natin" sabi niya

"Tangina to bat mo pa ako isasama mag babantay ka pala ng bata" inis na sabi ko.

"Isama daw kita sabi ni papa eh dun ka na muna daw sa mansion bukas ka na daw sa condo mo umuwi" sabi pa niya.


"Bakit nga???" Bat dun nanaman ako?! Mamaya nandun pala si dale mag away nanaman kami nun hmp

"Sumama ka na lang tangina ka pinapasama ka nga eh" sabi niya.










PAGDATING sa mansion hinanap agad namin si tito gabriel.

"Tito bat pinasama mo ako? Ano po meron?" Tanong ko.

"Dinner lang anak nalimutan mo ba? May dinner tayo ngayon kaya nga nandito agad si saturn eh" paliwanag ni tito


Ay oo nga pala nalimutan ko! May dinner nga ngayon!


"Oh dun muna kayo sa salas natin samahan niyo si saturn" sabi ni tita Victoria kaya tumango kami ni deana at pumunta sa sala.



Nakita namin si saturn naglalaro mag isa ng luto lutoan ay kasama niya pala si peppa na laruan din niya.


"Oh hi mga ate kong pretty!" Masayang bati niya at lumapit samin para yumakap at humalik sa pisngi


"Hello baby girl" bati namin ni deana.


"Tara po play po us" yaya niya samin at dahil tuwang tuwa ako sa mga laruan niya kaya nakisali ako.

"Huy deana sali ka" parang bata na sabi ko.


Umupo din si deana sa tabi ko.



"Ano gagawin natin baby?" Tanong ko.



"So chef po tayo si ate deana tabi sila ni peppa sila ang customer natin" paliwanag ni saturn at binigyan ako ng laruan na chopping board at knife.




"Here po at ayun po ang clay gawa ka po hotdog yun po order ni peppa sakin kanina" paliwanag niya sakin habang inaayos niya din yung laruan na ice cream cone




"Hala nagsasalita pala si peppa?" Sabi ni deana.




"Opo minsan nga natawa yan eh" sabi ni saturn habang busy siya sa pag gawa ng kung ano ano.



Naramdaman ko umusod patabi sakin si deana.



"Gago natawa daw yung laruan na peppa niya" bulong sakin ni deana kaya natawa ako.


"Gaga pindutin mo yung kamay niyan nagsasalita talaga yan pag pinindot try mo" natatawa na sabi ko at gumawa ng hotdog na gusto daw ni peppa sabi ni saturn.



"Baby done na yung hotdog na gusto ni peppa" masayang sabi ko.


"Oh done ka na po pala! Wait po bigay na po natin kay peppa" sabi niya at kumuha plato para ibigay kay peppa.



"Order mo deana ano?" Tanong ko.



"Wala ako pera pang bayad" kunyari na malungkot na sabi ni deana.




"Oh it's okay lang po you can eat pa rin dito so ano po order mo?" Sabi ni saturn.


"Hmm spaghetti si ate deana" sabi ni deana.


"Okay po wait po lulutuin namin ni ate aphrodite" sabi niya at tinulungan ko nga siya.

"Ano ginagawa niyo?" Napatigil ako sa pakikipaglaro ng marinig ko boses ni dale mukhang galing siya sa taas.



"Kuya dale!!" Masayang bati ni saturn at tumakbo para lumapit dito.



Hindi ako tumingin tinitidnan ko lang mga laruan ni saturn na nasa harap ko.



"Hello little girl nakikipag laro kaba sa mga ate mo?" Rinig ko na sabi ni dale.


Ay hindi kami naglalaro nag aaral kami hindi ba halata sa nakalagay sa mesa? Gusto ko sabihin kaso baka masapak ako.



"Yes po! Join ka samin kuya customer ka din namin ni ate aphrodite!" Rinig kong sabi ni saturn.



Pota.








UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon