"Love like the rain. Fall hard. Bring life to other things. And in the end, rise to fall again."
Binasa ko ang isang screenshot na nasa aking gallery.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas. Umuulan pero hindi naman gaanong malakas. Kay ganda kunan ng litrato ang mga patak ng ulan na dumadaloy sa sa bintana ng bus. Pero hindi na ako sumubok pang kumuha ng litrato, alam kong mafufrustrate lamang ako kapag hindi ko ito nakunan ng mabuti o kung hindi ko magaya ang litratong nasa isip ko.
I stared blankly at the drops of the rain habang may nakasuot na earphones sa aking tainga at nakikinig ng music galing sa aking cellphone. Halos lahat ng mga musikang nasa playlist na napili ko ay senti, bumabagay lang sa panahon ngayon.
Ang galing noh? Minsan naihahalintulad natin ang ating mga nararamdaman sa panahon. Tulad ngayon, umuulan, makulimlim ang kalangitan. Parang ganoon din ang nararamdaman ko. Hindi ako masaya ngayon, nasasaktan pa rin at naiiyak pero hindi naman ako masyadong malungkot. Parang madilim pero hindi naman gaano. Parang I feel empty pero okay naman ako.
But sometimes, I find comfort in the rain. Kahit pa mukhang malungkot ang panahong ito.
Nakatulala lamang ako sa mga patak ng ulan na nasa bintana ng bus. Nakuha lang ang aking atensyon no'ng sa kalagitnaan ng isang kanta biglang nag-iba ang music na pinapakinggan ko hanggang sa wala na akong naririnig na music.
I looked at my phone again. I unlocked it and opened the Spotify App.
You are using this app in Samsung J7 Pro. Use it in this device?
Yun ang bumungad sa akin. Tinitigan ko lamang iyon. Ginagamit niya na naman ang Spotify account ko. Okay lang, wala naman akong reklamo doon. Buti nga at napapakinabangan ang premium subscription ko sa Spotify.
Lunes ngayon and it's still four in the afternoon, almost five. Baka nasa paaralan pa siya ngayon o di kaya ay pauwi na o baka naman sinusundo niya na ang kanyang kapatid o baka namimili ng kung ano para sa kanilang tindahan. Hindi ko alam, hindi na ako updated sa kanya. Ilang linggo na rin...
I looked at the exact song na pinapakinggan niya, This I Promise You ang pamagat. I opened my Safari para tingnan sa internet ang buong lyrics ng kanta. Alam ko ang kantang ito but I just want to know the whole lyrics. Gusto kong siguraduhin ang buong lyrics ng kantang ito, tulad ng ginagawa ko sa mga nagdaang linggo. Baka kasi makakuha ako ng sagot sa mga katanungan ko.
Kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon... kung ano ba ang mga iniisip niya... Iniisip ko lang din kasi na baka malaman ko kung ano talaga ang gusto niya sa pamamagitan ng mga kantang pinapakinggan niya.
Habang tinatype ko sa search bar ang buong pamagat ng kanta, I stopped. I locked my phone. Huminga ako ng malalim at pumikit, Sumandal ako sa back rest ng inuupoan ko.I need to control myself. I need to stop. Hindi ako makakausad kung patuloy akong ganito.
Pagod na ako. Pagod na akong bigyan ng meaning lahat ng nalalaman kong ginagawa niya. Yung binibigyan ko ng meaning yung mga pinapakinggan niyang mga kanta sa nga nagdaang linggo. Pagod na akong ipagpilitan ang sarili ko sa taong matagal na akong binitawan.
Mahal ko pa siya pero tila ba napagod na ata ang aking puso na lumaban dahil sa bawat pagkakataong pinaglalaban ko ang aking pagmamahal para sa kanya, ang nararamdaman ko para sa kanya, ang relasyon naming dalawa, ang pagsasama namin ng mahigit na anim na taon, pinagtatabuyan niya ako na para bang wala lang sa kanya ang lahat ng iyon.
Wala na nga ba?
Wala na ba siyang nararamdaman para sa akin kahit kaunti man lang? Wala na bang natira sa pagmamahal niya para sa akin? Ganoon na lang ba 'yon? Ang dali naman atang maglaho ng pagmamahal niya. Ang dali naman ata para sa kanya. Ganoon na lang ba yun? Yung mahigit anim na taong pinagsamahan, ganoon na lang ba? Ganoon niya na lang ba tatapusin?
YOU ARE READING
Scarred Heart (gxg)
Teen FictionAnim na taong pagmamahalan, mauuwi nga lang ba sa wala? Carly x Georgia