Simula pa pagkabata sa Lightbringer Learning Center na ako nag-aaral. Isa itong Christian and private school sa province ng Biliran. Hindi ganoon ka rami ang studyanteng nag-aaral sa paaralang ito kaya it's possible na makilala o madaling mamukhaan ang halos lahat ng studyante. Maliit lang din ang campus ng paaralang ito compare to the other schools in the province. 'Yung tipong kakapasok mo pa lang sa gate, matatanaw mo na ang building na nasa pinakadulo. Pero mayroon itong malawak na field na malapit din sa dagat.
Pagkapasok ko pa lang sa paaralan, nakita ko na agad si Seth, isang junior student na relative ko rin, at kanyang mapanuksong ngiti para sa akin.
"Hi Drake!" Bati ni Seth sa akin noong medyo malapit na ako sa kanya.
Ganito talaga siya, mahilig manukso. Nilagpasan ko na lang siya at hindi pinansin. Nagkukunwaring hindi ko alam na ako ang tinatawag niya gamit ang pangalang hindi naman akin.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula noong acquaintance get-together activity namin at hanggang ngayon, tinutukso pa rin nila ako kay Drake, lalo na si Seth. Simula sa pagpasok ko sa aming paaralan hanggang sa makarating ako sa aming classroom na nasa dulong parte pa ng campus, hindi ako tinatan-tanan ni Seth.
"Uy, Drake" Habol niya sa akin.
"Seth, tumigil ka nga. Tumahimik ka. Nakakahiya!" Baling ko sa kanya.
Natigil ako sa paglalakad patungo sa classroom para sawayin siya. Malapit lang kami sa classroom ng mga freshmen dahil madadaanan ito papunta sa aming classroom.
"Drake ka pala ah!" Ayaw paawat sa panunukso ni Seth.
Tumingin ako sa paligid. Lunch break pa kasi at sigurado akong naririnig yun ng mga studyanteng nakatambay sa labas ng mga classroom nila. Kadalasan pa naman sa kanila ay freshmen dahil nga nasa harap lang kami ng classroom nila.
I saw Drake kasama pa ang ibang kaklase niya na nakaupo sa hagdanan na nasa malayong kanang ng kanilang silid. They were talking about something, natigil lamang dahil malakas ang boses ni Seth. Their eyes turned to us. Nakakahiya na.
Hindi ko rin masisisi si Seth at 'yung iba pang nanunukso sa akin. Sinabayan ko ba naman ang mga tukso nila noong acquaintance, kaya eto tuloy at di na sila matigil sa panunukso sa akin. Kasalanan ko rin ito.
Dahil sa pagtawag ni Seth sa akin, halos lahat ng mga kaklase ni Drake na nakatambay doon ay tinutukso na rin siya sa mahinang boses. They were all having fun except for one...
I saw that curly-haired girl named Carly, nakatitig sa akin gamit ang kanyang mapanghusgang facial expression. Magkasalubong ang kanyang kilay, parang naiinis at galit na naman siya sa akin. Wala naman akong ginagawa, bakit ganyan siya makatingin? Inaano ko ba siya?
I suddenly felt uncomfortable. Lalo na nang maalala kong tinutukso nga pala ako ni Seth kay Drake.
"Seth, tumigil ka nga." Sabi ko sa isang mahinang boses. "Hindi nga kasi. Saan mob a kasi nakuha 'yan? Isa pa, ang bata-bata pa ni Drake, freshmen pa lang senior na ako. Hindi ko rin naman siya bet. At diba, possible na relative natin siya? Kaya tumigil ka na."
But he just won't stop teasing me. Kahit pa may ibang mga studyante.
It's a gloomy Friday afternoon and the teachers are having their meeting kaya kaming mga seniors ang in-charge sa lahat ng high school students. We planned to stay in one room, lahat ng high school, para kunyare get together. Pero in that way, mababantayan namin lahat ng high school. Tinatamad na naman kaming mga seniors bantayan ang mga nakababatang year.
"Uulan yata. No BGB formation this afternoon. We'll stay in one room na lang and we'll see kung ano ang pwede nating gawin." Anunsyo ni Diane sa amin, ang aming BGB Company Leader and also our class president.
YOU ARE READING
Scarred Heart (gxg)
Teen FictionAnim na taong pagmamahalan, mauuwi nga lang ba sa wala? Carly x Georgia