vii

37 4 0
                                    

Maraming definitions ang love. According to the internet, love is an intense feeling of deep affection. May mga nagsasabing love is blind daw, kasi kapag nagmamahal ka, nakikita mo nga 'yung negative side nang isang tao but you chose to focus on the positive ones. Hindi naman sa binabalewala mo 'yung negative na traits pero mas binibigyan mo ng tuon ang mga magagandang bagay tungkol sa kanya. In love, you'll do everything for that person na mahal mo and that person's happiness is more important than your own happiness. Ang dami-daming definition ng love, mababasa mo sa internet, yung iba naman how your friends tell it to you, depende. Depende sa karanasan.

Sabi nila the best definition of romantic love is how you experience it. Edi hindi ko pa made-define yung love kasi wala pa naman akong karanasan do'n. Hindi pa ako nakaranas na mahalin at magmahal. Kaya hindi ko pa alam kung pagmamahal nga bai tong nararamdaman ko ngayon o baka infatuation lang. Baka kasi kilig lang 'to?

Ni hindi ko nga alam kung ano nga ba kami. Friends? May magkaibigan ba na ganito? She's giving me butterflies and among all my friends sa kanya ko lang 'yun naramdaman. My friends don't give me butterflies. Hindi ako nakaramdam ng ganito sa iba kong mga kaibigan. Best friends tulad ng sabi niya sa akin dati, she considers me as her best friend. Para sa iba naman close lang talaga kami.

I don't know.

Carly:

A lot of people don't want to see us together. Pangit daw, sabi nila layuan kita.

I was writing my notes in Physics when I received that message. Medyo naguguluhan ako kasi hindi na nga kami masyadong nagpapansinan in person o kahit magkalapit man lang, minsan lang at kapag wala lang masyadong tao. Kaya hindi ko alam bakit may ganitong issue pa.

Ako:

Hindi nga tayo nagkakausap in person pero may ganitong issue pa? It's up to you lang din naman e. If gusto mong lumayo, lumayo ka. You decide.

It hurt a bit though. Masakit at nakakainis ang message niya. Ganito kasi siya minsan. Bigla-bigla na lang nagtetext na pinapalayo na naman siya. Ewan, ang gulo.

Kung gusto niya mang lumayo, dahil iyon ang sinasabi ng ibang tao o ng mga kaklase niya, lumayo na lang siya. Hindi 'yung sasabihin niya ito then maya-maya lang o sa susunod na araw ay sweet na naman ulit siya sa akin. Nakakalito, nakakagago, nakakaewan.

At tulad ng dati, naging okay din siya after no'ng reply ko. She said she was just bothered sa mga sinasabi ng mga kaklase niya pero hindi niya daw iyon gagawin dahil hindi niya din naman gustong lumayo.

Hindi ko lang din magets kasi wala naman kaming ginagawang masama. Hindi kami masyadong nagkakasama at nag-uusap sa paaralan, hanggang text nga lang kami kapag nasa school. Kaya hindi ko maintindihan 'yung mga kaklase niya. Ayaw ba nila na close kami ni Carly? Kaya ba hindi na rin nila ako kinukulit tuwing recess dahil doon?

Ayaw nila na close kami o baka ramdam nila na may kung ano sa amin? Pero so far wala pa naman akong naririnig na ganoong comment tungkol sa amin. Sa kanya na rin mismo nanggaling na best friends kami kaya bakit parang iba ang pagkakaintindi ng mga kaklase niya? O sadyang ayaw lang talaga ng mga kaklase niya sa akin? Biglang ganoon na lang?

Minsan nga daw may mga sinasabi pa ang mga kaklase niya na paninira sa akin. 'Yung mga kaklase niyang doon din sa paaralan namin nag-aral ng elementarya. Again, I don't get it. Why? Hindi naman ako affected dahil alam kong hindi totoo ang mga paninirang iyon pero I'm just bothered na ginagawa nga nila 'yun. Nakakaloka.

O baka dahil pareho kaming babae ni Carly kaya ganoon sila? Kaya palagi nilang sinasabihan si Carly na dapat layuan ako.

Hindi ba sila komportable? Nabobother ba sila? Nandidiri ba sila? Hindi ko alam. At kahit ako, hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sitwasyon naming ito.

Scarred Heart (gxg)Where stories live. Discover now