Weeks passed after our Foundation Week Celebration and everything's back to normal. Back to normal na rin ang schedule ng classes namin and our usual routine sa school. Wala nang practices and hindi na busy for extracurricular activities. Sa mga school works na naman busy.
It's a hot Friday afternoon, and it's almost one o'clock in the afternoon pero hindi pa kami nakakabalik sa school ng mga kaklase ko. Nandito pa kami sa bahay ng isang kaklase namin. Napagkasunduan kasi namin ng mga babae kong kaklase na mag lunch out. While buying some barbecue, we decided na sa bahay na dito na lang. Tutal medyo malapit lang din naman sa school.
Pagkaluto ng kanin ay sabay-sabay kaming kumain sa hapag, medyo siksikan dahil marami kami. Habang kumakain kami ay may natanggap akong dalawang mensahe from an unregistered number.
I washed my hands before checking my phone. Hindi pa ako tapos kumain pero ichecheck ko muna dahil baka importante.
Unknown Number:
Ate, hindi kayo papasok ngayon hapon?
Unknown Number:
Hinahanap kayo ng Principal.
"Hala... hinahanap daw tayo ng principal." Sinabi ko sa kanila dahil kinabahan ako.
"Bakit daw? Sino may sabi?" Kalmang tanong ng isa kong kaklase. Parang hindi man lang nababahala na hinahanap kami sa school.
"I don't know. Hindi naka register yung number na nagtext e." Saka ko naisip replyan yung number na nagtext sa akin.
Ako:
Hello. Who's this?
Unknown Number:
Si Carly 'to, ate.
Oh, this girl. 'Yung freshmen na tinutukso ako sa pagsayaw, yung babaeng nag tie ng shoe lace ko tapos biglang after that hindi na ako pinansin.
I don't know what happened. Napansin ko lang after that incident, hindi niya na ako pinapansin.
I remember that last time na nagka-encounter kami.
It was past one in the afternoon and wala kaming teacher pero ang daming binigay na activity na dapat maipasa at the end of the day. There's this one activity na hindi ko maintindihan dahil sa pagkaka-absent ko ng ilang araw kaya nagpasya akong pumunta kay Diane, ang pinakamagaling sa aming klase, para magpatulong at magpaturo kaonti.
Paakyat ako sa second floor nang nakita kong nasa may stairs ang mga first year students na member din ng journalism club. Nasa apat o limang studyante ata sila. Hindi ko masyadong napansin. Pero nakita kong nandoon si Carly. She's part of the journalism club. Sa pagkakaalam ko, she's an artist, magaling magdraw.
"Excuse me." Sabi ko para makadaan ng maayos. May nakaharang kasi sa mismong dadaanan ko.
"Oy, excuse daw. Excuse." Si Ronn ang nagsalita, isang freshmen din.
I felt like he's teasing someone pagkakasabi niya no'n. It's how the way he said those words. Pero hindi ko na masyadong pinansin. Tumabi din naman sila at binati nila ako pagkaraan ko.
Diane taught me everything I needed to know. She's patient with all the questions I have, tinuruan niya ako hanggang sa magets ko 'yung mga nasa binigay sa amin na activity. Hindi naman ganoon kahirap kaya hindi na ako masyadong nagtagal doon. Pagkatapos niya akong turuan ay lumabas din ako sa silid na 'yon.
Sa paglabas ko, nakaupo pa rin sila sa hagdanan. The journalists are busy, parang may tinatapos sila sa loob pero nandito lang sila sa labas?
"Busy sila sa loob ah, pero bakit nandito kayo sa labas?" Sinabi ko ang nasa isipan ko bago bumaba.
YOU ARE READING
Scarred Heart (gxg)
Teen FictionAnim na taong pagmamahalan, mauuwi nga lang ba sa wala? Carly x Georgia