i

71 4 2
                                    

"Gia!" Tinawag ako ng isa kong kaklase.

The wind blew my long straight hair. Sinikop ko ang aking buhok. Ayaw kong lingunin ang kaklaseng tumatawag sa akin. Tutuksuhin lang ako.

"Hoy, Gia!" Tawag ulit sa akin ng kaklase ko, pasigaw na.

Ang kulit!

Papalubog na ang araw at nasa tabing dagat kami ngayon na malapit lang din sa field ng paaralan dahil sa isang school activity. Nakaupo ako sa isang malaking bato habang nakatingin sa dagat. Umihip ang panghapong hangin at nilingon ko siyang nakangiti. Sigurado akong tutuksuhin na naman ako neto.

"Ano?" Mataray kong baling sa kanya pero natatawa pa rin.

"Yung crush mo oh, nandoon na sa may dagat. Topless pa! Sana kasi sumali ka na lang!" Panunukso niya.

Sabi ko na nga ba eh. Eto na naman, tinutukso niya na naman ako sa isang bagong estudyante. At sa isang freshmen pa talaga!

We're playing a game. May kukuning balloon o kung ano sa malalim na parte ng dagat at ddalhin ito sa tabing dagat. I really don't know the mechanics of the game, 'yung kaklase ko ang nag prepare ng game na ito.

Get together ito ng lahat ng estudyanteng nasa high school sa paaralan namin. Ang activity na ito ang magsisilbing acquaintance party namin. Instead having a party, we're going to have an overnight activity in our school. At dahil kami ang Senior sa taong ito, kami ang nag-organize ng get together na ito. Sinadya namin na Friday para walang pasok kinabukasan. Ganoon naman ata lagi ang aming acquaintance party taon-taon. Nag-aaral kasi ako sa isang private at Christian school.

"Okay na ako dito. I can see him clearly from here naman eh. Hindi pa ako mahuhuli na tinitignan siya."

Sinabayan ko lang ang tukso niya. Hindi naman totoo na may gusto ako sa freshmen na 'yon. Nasa mood lang talaga akong sabayan ang mga tukso niya ngayon o kahit noong iba ko pang kaklase

Hindi ko alam kung bakit tinutukso nila ako sa isang freshmen na studyante, hindi ko rin alam kung bakit sinasabi nilang crush ko ang lalaking 'yon.

Nilingon ko ang dagat. Nakita kong naglalakad na patungo sa malalim na parte ng dagat ang lalaking tinutukso nila sa akin.

"Kung kasali ka sa laro, you have a reason to go near him and touch him!" Patuloy ang kaklase ko sa panunukso.

Natawa na lang ako sa pinagsasabi niya. I rolled my eyes. Manyak na 'to!

Pagkatapos ng larong iyon, binigyan namin ng oras ang mga estudyante na mag freshen up at maligo. Lalo na 'yong nga nabasa sa dagat. Habang naliligo 'yong iba, kami naming mga seniors ay naghahanda na ng pagkain para hapunan.

While preparing for dinner, our whole class almost had a fight. May isa kaming kaklase na talak-talak at pinaparinggan ang mga kaklase naming hindi tumulong sa mga palaro kanina. Pakiramdam ko, isa ako sa mga pinaparinggan niya. Hindi lang ako nagreact. Ayaw kong makipagtalo. We're here to have fun, have a get together and build better relationships tapos sisimulan naming ng away? June pa lang ah, naku naman!

"Yung iba dyan, walang ibang ginawa kundi magpicture nang magpicture at makipagtsismisan lang." Patuloy ang pagpaparinig ni Mae sa amin habang tumutulong kami sa mga gawain dito sa kusina.

Pakiramdam ko ako ang pinapatamaan niya sa parteng iyon. Okay, I admit hindi ako tumulong sa ibang activity pero may mga activity din naman na kung saan tumulong ako. May hinuna din ako kung bakit ako ang isa sa mga pinupunterya niya.

Mae is a close friend since elementary. Isa siya sa top five ng aming klase. She's tall and petite. Her long hair is a bit wavy.

Ayaw ko talagang nag-aaway kami, ayaw kong may kaaway o kahit kagalit man lang ako. Kahit sino naman siguro hindi ba?

Scarred Heart (gxg)Where stories live. Discover now