Sa paglipas ng mga raw marami na ang nagbago maliban nga lang sa pakikitungo namin ni Carly sa isa't-isa kapag nasa school kami. We text everyday but still, hanggang ngayon, hindi pa rin kami masyadong nagpapansinan. O kung nagpapansinan man, palihim o mga nakaw na sandali lang.
Pero kahit na ganoon, may mga kaklase siyang tinutukso pa rin kami. Madalas ay sina Jamie, Ronn, Shiela at 'yung mga kaklase niya na kasama niya sa journalism club.
Kagagaling ko lang sa canteen at naglalakad na ako pabalik sa aming silid nang nakita ko sina Carly, Drake at Ronn na nakaupo sa hagdanan. Nakangiti si Carly habang tinitingnan akong naglalakad. I smiled back at her pero sandal lang.
"Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling, at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil..." Biglang kumanta si Ronn nang nasa harapan na nila ako.
I tried to control the smile that's trying to show. Narinig kong may sinasabi si Drake at Ronn kay Carly pero hindi ko lubusang maintindihan kung ano dahil mahina ang kanilang boses. Gusto ko silang lingunin pero pinigilan ko ang sarili ko. I just saw in my peripheral vision na nagpipigil din ng ngiti o tawa si Carly habang kausap ang dalawa.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, nahihiya o ano. Kinikilig ba ako? Pakiramdam ko ang pula pula ko dahil sa pagkanta ni Ronn. Alam ko kasing kinanta niya iyon para tuksuhin kami ni Carly. He always tease us that way, kakanta siya na parang pinapatamaan kami ni Carly. Lalo na sa mga pagkakataong tulad nito, kapag magkalapit kami ni Carly, kahit hindi sadya.
Binilisan ko na lang ang lakad ko para mawala na sa kanilang paningin.
That afternoon, wala ang mga guro dahil may pinagkakaabalahan na naman sila. Some of the high school students were playing ball games dahil PE, 'yung iba naman nakatambay lang sa canteen, sa may hagdanan o sa kanilang mga classroom. Ako? Nandito ako sa harap ng mga lockers, nakaupo sa sahig habang nagcecellphone.
Naagaw lamang ang aking atensyon nang may tumigil na tatlong babae sa harapan ko. Tiningala ko sila. It was Carly, Jamie and Shiela.
Shiela is a bit tall, well she's taller than me, payat siya at kayumanggi ang kanyang balat habang si Jamie naman ay hindi gaanong matangkad, compare to Shiela, medyo malaman siya and her skin is a little bit lighter.
"Happy birthday, Shiela." Bati ko sa kanya. Narinig ko kasi kanina na kinantahan siya ng kanyang mga kaklase.
"Thank you ate." She smiled back at me.
For the past weeks or months, hindi na nila ako masyadong pinapansin dahil nga sa ayaw nila na malapit kami ni Carly sa isa't-isa kaya talking with one or two freshmen girls feel refreshing. Kahit pa ilang salita lang naman at hindi pa mahabang usapan.
Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya tumahik na lang ako at tiningnan ulit ang aking cellphone. Nabigla ako nang biglang umupo si Carly sa tabi ko. Malaki naman 'yung space dahil nga sa sahig lang ako nakaupo pero pinili niyang sa tabi ko talaga. Sobrang lapit niya sa akin, our hands almost touching.
Sa gulat ko, nilingon ko siya and she just smiled at me.
Narinig ko ang panunukso ni Jamie pero hindi ko alam how to react. Hindi ko alam kung uncomfortable ba ako or hindi pa ako nakakabawi sa sobrang lapit namin ngayon.
"Shiela, balik na muna tayo sa classroom. Nakakahiya naman at nandito tayo." Si Jamie habang hinihila si Shiela. Medyo natatawa si Jamie dahil alam kong nanunukso na naman ang isang ito.
"Oh, bakit kayo aalis? Akala ko ba gusto niyong tumambay?" Si Carly na pinipigilan ang pag-alis nila.
"Naku, Carl. Alam naman naming sinama mo lang kami dito kasi nahihiya kang lumapit kay ate Georgia na ikaw lang mag-isa. At tsaka alam din namin na gusto mo siyang masolo kaya wag ka ngang magkunwari na ayaw mo kaming umalis." Parehong natawa sina Jamie at Shiela at lumayo sa amin ng kaonti. Hindi naman talaga kami iniwan.
YOU ARE READING
Scarred Heart (gxg)
Teen FictionAnim na taong pagmamahalan, mauuwi nga lang ba sa wala? Carly x Georgia