Hindi ako matangkad, kaya minsan napagkakamalan akong mas bata kesa sa tunay kong edad. A lot of times I got teased because of my height pero hindi naman ako na-ooffend. Minsan nga naeenjoy ko pa. Mahaba ang aking straight na buhok, medyo fair yung skin ko. Pero hindi ako perpekto. Dahil aside sa height ko, mayroon din akong kaonting tagyawat sa mukha.
Bunso ako sa apat na magkakapatid. Simula noong bata pa lang ako, busog na ako sa pagmamahal ng aking mga magulang at mga tita. But I am not spoiled because my parents always see to it na hindi lumalaki ulo ko. I don't always get what I want.
Papa's girl ako. Siguro dahil noong bata pa lang ako, hands on talaga si papa sa akin. Sabi nga ni mama at ng mga tita ko, dati hindi daw pumapayag si papa na iba ang kakarga sa akin para mapainitan sa labas ng bahay. Gusto ni papa siya. Ginagawa niya yun araw-araw bago siya pumunta sa tindahan ng pamilya ni papa. Sa kanyang pag-uwi naman, palagi siyang may dalang pagkain para sa akin. Biscuits, candies, chocolates, at kung anu-ano pa.
Lumaki akong may takot sa Diyos at puno ng pagmamahal ang puso. They also call me maawain and soft-hearted. They say I have a heart for the poor, for other people, for those who are in need. Parang totoo naman. Madali lang kasi akong maawa, lalo na kapag sa mga matatanda. They say masama daw na ganito ako, but for me it's not bad naman. I even thank God for giving me this kind of heart.
When I was a kid, I almost always look up to my brothers' girlfriends telling myself na sa paglaki ko sana tulad din ako sa kanila. Maganda physically, magandang manamit, hahangaan ng marami. Yung mga ganon. Sometimes, I also ask myself ano kaya ang feeling kapag ganoon? Pero feeling ko, hindi 'yun mangayyari. Wala akong bilib sa aking sarili.
Bata pa lang, masyado na akong masakitin. Sabi nila noong hindi pa ako nakaka-one year old buwan-buwan daw akong dinadala sa hospital dahil sa pagiging masakitin ko. I think I'm also prone to accidents. Noong bata pa ako, nadapa somewhere sa loob ng bahay at nagkaroon ng peklat sa taas ng aking kanang mata. When I was in Grade 2, natapunan yung paa ko ng mainit na sabaw ng nilagang baka at nag-iwan ito ng malaking peklat sa aking kaliwang paa. Noong Grade 3 naman, nadapa ulit ako sa may sala at tumama ako sa center table, nagkaroon ako ng sugat na kailangang tahiin sa aking pisngi. Dalawang beses na akong naoperahan dahil sa cyst, same spot lang. The first one was when I was in Grade 3 and the second is noong Grade 4 ako.
The second operation is a bit dangerous, because the doctor accidentally cut one of my veins which caused the continuous flow of my blood. Para tuloy akong naliligo sa sarili kong dugo. That was a scary experience for me, takot na tuloy ako. At sa araw na ito ang third operation ko because of cyst.
"Georgia Villegas." Banggit ng isang nurse sa pangalan ko.
Nasa waiting area ng Operating Room na kami ngayon ni mama. Waiting for our scheduled time.
"Ako po." Kinakabahan ako.
"Nakapagbihis ka na pala ng hospital gown. Hintayin nalang nating yung magdadala sayo sa assigned operating room mo." Sabi ng nurse at bumalik na sa kanyang kinauupuan kanina.
"Mama, natatakot ako." Bumaling ako kay mama.
"Bakit naman? Don't be scared. Nagpray na rin naman tayo. God is with you." Pang-alu ni mama sa akin na effective naman. Nabawasan ang takot ko.
Bago ako pinasok sa operating room ay kinunan muna ako ni mama ng litrato dahil ang cute ko raw sa suot kong hospital gown.
Nauna akong pumasok sa operating roon kesa sa doctor. The operating room is so big. Nasa gitnang parte ang bed na may malalaking ilaw sa taas at kung may anu-anong apparatus at machine sa gilid ng silid. Mayroong apat o limang nurse sa loob ng room, sila ata ang mag-aassist kay doctora.
YOU ARE READING
Scarred Heart (gxg)
Teen FictionAnim na taong pagmamahalan, mauuwi nga lang ba sa wala? Carly x Georgia