Ika-Siyam na Kabanata

5 4 0
                                    

Someone's PoV

"Sya yung nakakita satin."

Marami ng nalalaman ang taong to. Hindi maaaring pakawalan ko to.

"Maawa kayo sakin..Hindi ko sinasadyang makita iyon. Mananahimik nalang ako kung gusto niyo.. hindi ko sasabihin sa iba ang nakita ko."

Masyadong maingay..

"Wala akong tiwala sa ibang tao."

Nilabas ko ang kutsilyo ko laging kong dala dala. May marka pa iyon ng pamilya ko kung saan ako nanggaling.

Marami ng napatay ang kutsilyong to. Kaya laging busog sa dugo.

"Maawa ka ho.."

"Lagyan mo na ng busal ang bibig nyan."

"W-wag..wag! Aaaaahhh!!! Hmp! Hmp!"

Tinusok ko ang kutsilyo sa kanyang kanang mata at unti unting kinuha ito. Nagpupumiglas kaya tuloy nabasag ang mata.

"TSK! Hawakan niyo nga ng maigi yan!"

Ulit sinubukan ko sa kabilang mata. At doon ko nakuha ng buo.

Kinuha ang lalagyan na bote para di ito matunaw agad.

"Kay gandang pagmasdan.. Ay. Paumanhin di ka na pala nakakakita. " Maya maya pa ay lumaylay na ang ulo nito.

Pinakiramdaman ko ang pulso nito at wala na nga.

"Tapon niyo na yan. Walang kwenta mata lang nakuha ko."

Tatawagan ko na sana sya nang may matanaw akong pangit na tanawin.

"Masakit sa mata."

Tina

"You can't be serious, Tina. Yung lalaking yun kakikilala mo palang! Tapos magpapakasal na kayo?! Ni hindi ko nga nakikilala eh!"

"Eh kasi ayaw mong kilalanin! Tuwing pumupunta ditto pinapaalis mo lang. "

"Dahil hindi katiwa tiwala yung lalaking yun!"

"Dad! Yung sinasabihang mong hindi katiwa tiwala, yung taong mahal ko!"

"Kristina!"

"Tama na Dad. Kung hindi mo sya kayang tanggapin, sasama nalang ako sa kanya."

"No. Walang kasalan na magaganap. Walang lalabas ng bahay."

"Dad! Ano ba? Bat parang tinuturing mo kong bata? "

"Pinoprotektahan lang kita."

"Hindi pagprotekta yang ginagawa mo Dad. Kinukulong mo lang ako."

"Kristina!!" Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko.

I can't believe na nagagawa nya sakin to!

Argh!

"Nag away na naman ba kayo?"

Agad akong napalingon sa nagsalita.

"E-ethan? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"Kanina pa ako nandito, mahal ko. Binabantayan ka. "

"P-pano kang nakapasok?"

Narinig kong may kumatok sa pinto.

"Kristina, buksan mo tong pinto! Mag usap tayo!"

"Ethan! Magtago ka baka makita—" Paglingon ko sa kamang inuupuan ni Ethan kanina ay walang tao.

P-panong? Baka nakapagtago na sya.

Grabe ang bilis naman nya.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Dad ng..nakangiti? Hala. Kanina lang nag aaway kami tas ngayon..

"D-dad..bakit?"

"Sorry nak sa sinabi ko kanina." Sabi nya sabay yakap sakin. Ang weird lang tsaka ramdam ko ung uneasy feeling na may nangyayari sa kanya na di ko alam kung ano.

"Payag nakong magpakasal kayo ni Ethan. Papuntahin mo sya dito ah kakausapin ko kayong dalawa." Sabay hinalikan ang noo ko.

Andun parin ako nakatayo di alam ang nangyayari kung bakit nagkaganun. 

Unfinished EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon