Ikaapat na Kabanata

10 6 0
                                    

Tina

(Tatlong araw ang nakalipas)

Araw araw, laging andito sa shop si Ethan. Simula ng araw na iyon, araw na nagconfess sya gusto daw nya ako at manliligaw sya.

"Sa lugar kung saan makakapagpagaan ng kalooban mo."

Hindi ko alam kung saan ang tinutukoy niya. Ang weird lang nagpatangay agad ako. Namalayan ko nalang ang sarili kong nakasakay sa motor nya at dinala ako sa isang burol.

"Pano mo nalaman ang lugar na ito?"

"Malapit lamang ang bahay namin dito. Halika umakyat tayo."

Pagkarating naming sa mataas na parte ng burol. Para akong nalusaw ako sa sobrang ganda. Nakakarelax. Parang kinuha bigla ang mga lungkot sa katawan ko.

"Nagustuhan mo ba?"

"Bakit mo to ginagawa?" Tanong ko habang nakatingin parin sa tanawin.

"Dahil gusto kita."

Agad akong napalingon sa kanya nang banggitin yun.

"Simula nung makilala kita sa inyong tindahan ay hindi ka na maalis sa isip ko. Napakaganda ng iyong ngiti."

"Teka haha bat ang lalim mo magsalita."

"Paumanhin kung ganito ang aking pananalita."

"Pero bakit nga? Para ka tuloy si Juanito." Natatawang sambit ko

"Sino iyon? Sya ba ay dati mong kasintahan?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi ah! Character lang yun sa isang story."

"Ibig mong sabihin inihahalintulad mo ko sa isang tauhan ng isang kwento?"

"Oo hahaha magkapareho kasi kayo ng pagsalita. Ang lalim magtagalog.Taga san ka pala?"

"Galing akong Batangas. Yun ang probinsya ko."

"Kaya naman pala."

Tahimik uli ang paligid namin. Huni lang ng mga ibon ang naririnig ko. Nang bigla nyang basagin uli ang katahimikang iyon.

"Nais sana kitang ligawan kung ayos lamang sa iyo."

Nung nalaman ni Dad, galit na galit.

"Ano?! Ni hindi mo nga kilala kung saan galing yan! Kilala mo ba pamilya nyan?"

"Manliligaw palang naman Dad. Edi kikilalanin ko."

"Kahit na!"

Inilibing na rin agad si Alex kasi gusto ng pamilya nya na magimbestiga agad sa nangyari sa kanya. Walang nakasaksi kaya nahihirapan ang mga pulis na malaman ang totoong nangyari. Wala ring kaming matandaan na nakaaway nya o ano pa. Kasi nagtatrabaho lang to sa ate nya. Hay naku.

Ako lang ang nagbukas ng shop kasi death anniversary ni Mommy bukas kaya yun muna ang inaasikaso ni Dad.

Pagpasok ko ng shop dumiretso muna ako sa desk pero may napansin akong papel na kulay pink. Magugustuhan ko pa to kung kulay blue.

Bulaklak na kay gandang pagmasdan

Narito ako upang alagaan

Mapanatili ang iyong kagandahan

Iyon ay kung nais lamang

At ako'y iyong payagan

Gagawin ang lahat

Upang huwag malanta

Kahit pa ang aking dugo'y handang ibigay

Magandang umaga.

-Ethan

Napangiti ako sa nabasa ko. Pero panong nailagay niya ito dito eh nakasara pa to.

"Hindi ko alam kung natuwa ka o hindi dahil sa reaksyon ng iyong mukha."

"Ay Butiking putol!" Gago nagulat ako.

"Hahahahaha"

"Tawa ka pa! Nakakagulat ka! Di ko narinig na pumasok ka."

"Dahil naaliw ka sa iyong binasa. Nag umagahan ka na?"

"Tapos na. Baka biglang dumating si Dad."

"Ayos lang sakin. Hindi parin ako titigil hanggang sa tanggapin nya ako."

Nung huling punta nya kasi pinaalis sya ni Dad kahit umuulan.

Sana nga mamaya pa dumating si Dad para naman may makatulong din ako dito hehe

Inayos ko muna ang mga bulaklak sa harapan saka nagtungo sa may likuran para kunin pa yung iba.

Nakasunod lang din sakin si Ethan.

Bubuhatin ko na sana yung paso kaso..

"Ako na nito. Hindi maganda sa babae ang nagbubuhat ng mabibigat."

"Thank you."

Maya maya pa ay may mga dumadating na mga bibili. Halos araw araw ko nga silang nakikita.

Inaano ba nila ang mga bulaklak hahaha

Pasalamat talaga ako kay Ethan at nandito sya kundi naku. Hindi ako nito magkanda ugaga.

Pagdating ng hapon dun lang naubos yung bumibili.

"Hindi ko alam na ganito pala karami ang bumibili sainyo. Mukhang mabenta ang mga tinda niyo."

"Oo nga eh halos nga araw araw nandito yung mga yun. Di ko alam kung saan nila ginagamit yung bulaklak hahaha eh wala namang special na okasyon."

"Marahil sa kanila meron."

"Araw araw?"

Nagkibit balikat na lang sya.

"May gagawin ka pa ba?"

"Kelan ngayon? Ehhalos naubos na rin naman tong mga bulaklak kaya magliligpit na ko. Bakit?"

"Ipapakilala sana kita sa kapatid ko. Nais ka nyang makilala."

O__O

"S-seryoso ka?"

"Hahahaha bat parang gulat na gulat ka?"

"D-di ko alam na may kapatid ka pala."

"Kapatid ko nalang kasama ko. Kami na lamang na dalawa. Ako lang sana ang narito pero ayaw nya magpaiwan sa probinsya."

"Ahhh.."

"Maaari ba kitang isama mamaya?"

"S-sige.."

"Magliligpit ka na diba? Tulungan na kita."

Unfinished EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon