Ikatlong Kabanata

13 6 1
                                    

Tina

Pasado alasyete na kami nagsarado ni Dad kasi wala naman ng bumili.

Pagkauwi namin sa bahay na halos katabi lang ng shop. Diretso agad kwarto para magshower.

Pagkatapos magshower, di na ko nag abala pang lumabas kasi di naman ako kumakain ng hapunan.

Habang nagpapatuyo ng buhok, naramdaman kong parang may nakatingin mula sa likod ko.

Paglingon ko wala namang tao. Pero nakabukas ang bintana. Nakalimutan ko atang saraduhan, kaya naman nilapag ko muna yung tuwalya na gamit ko. Sya namang tunog ng phone ko.

+6392890***** calling...

Sino naman to? Kinuha ko ang phone ko saka sinagot.

"Hello?"

...

"Sino to?"

...

Eh di naman sinas---

*blaamm!*

Biglang sumara ang bintana. Nilapitan ko ito at nakasara na talaga,nakalock pa.

Naupo nalang ako sa kama ko kesa isipin pa yun. Tiningnan ko rin yung phone ko naend na yung call. Wala namang nagsasalita. Prank call lang ata yun.

Nilapag ko ang phone ko sa side table, pahiga na sana ako nang biglang may kumatok.

"Bukas yan."

Nag aantay akong bubukas ang pinto pero hindi.

"Dad? Bukas kako yan."

Tsk. As if naman kumakatok yun tuwing papasok ng kwarto ko. Pinuntahan ko nalang yung pintuan. Hahawakan ko na sana yung doorknob nang biglang bumukas ito.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang doorknob saka marahang binuksan ito. Bumungad sakin ang isang kabaong nakalutang!

Bahagya pa kong nagulat kasi panong nagkaroon ng kabaong dito sa loob ng bahay at nakalutang pa!

Sa gulat ko hindi na ko makapagsalita at makakilos dahil nasa kabaong ang atensyon ko.

Unti unting bumukas ang kahita.

Napatakip ako ng bibig nang makita ko kung sino ang nasa loob.

Si Alex!

Napaatras ako papasok ng kwarto nang may naapakan akong basa.

Pagbaba ng tingin ko, ang daming dugo..

Naramdaman kong may tumutulo sa balikat ko. Tiningala ko ang kisame at nakita ko ang pugot na ulo ng kaibigan ko!

"Aaahhhh!!!"

Tina..gising.

Napabalikwas ako ng may yumugyog sakin. Shit.. Nightmare.

"Binabangungot ka."

Gulat akong napatingin sa nagsalita.

"ANONG GINAGAWA MO DITO SA KWARTO KO?!"

"Pumasok ako sa pintuan."

"Ano?!"

"Magpasalamat ka na lamang dahil ginising kita mula sa pagkakabangungot mo."

"Lumabas ka ng kwarto ko!!"

Kaagad naman syang kumilos at lumabas ng kwarto.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. It's scares me too much.

Kinuha ko dali dali ang phone ko at tinawagan si Alex.

The number you have dialed is in unattended. Please--

Shit. Sagutin mo!

The number you have dialed is in unattended---

Baka naman kasi tulog pa yung tao, Kristina! Umayos ka nga!

Ok fine. Hayst kung ano ano ang naiisip ko. Panaginip lang yun. Ok.

Bago pa muna ako lumabas ng kwarto inayos ko muna ang sarili ko. Naabutan ko si Dad na nagkakape.

"Gising ka na pala My Princess."

"Bakit naman nagpapasok ka ng kung sino sino sa kwarto ko?"

"Ha? Aba malay ko saiyo wala namang pumapasok sa kwarto mo."

Wala? Totoong nakita ko si Ethan sa kwarto ah!

"Wala? Pinalabas ko nga eh kasi nagulat ako. Wala ka bang nakitang lumabas?"

"Wala nga ang kulit mo."

"Kahit man lang yung sigaw ko di mo narinig?"

"Ang weird mo. Bilisan mo na magbubukas pa tayo ng shop."

Weird nga. Baka namimiss mo si Ethan kaya naiimagine mo na.

Shut up! .__." Ok fine kinakausap ko na sarili ko. Gadd

Pagkatapos kong mag agahan ay dumiretso narin ako sa shop nauna na si Dad eh.

Nadaan ko pa yung mga chismosa.

"Oo nga grabe yung sinapit nung dalaga. Tinanggal daw ng puso yay."

"Pati nga yung dila kasama ang lalamunan. Nakakadiri. Napakahayop naman ng may gawa nun!"

Grabe talaga yun. Di ko na pinansin ang mga bibig na yun. Pagkapasok ko ng shop.

Karumal dumal ang sinapit ng isang dalaga sa Brgy. San Mateo, Rizal.

Ito ay matapos na matagpuan sa kusina ng kanyang inuupahang apartment na hiwa hiwalay ang katawan nito. Maging ang mga lamang loob nito ay kinuha.

Kinabahan ako bigla nang marinig ko ang balitang iyon.

"Tsk tsk tsk mga tao ngayon wala ng magawa pati mga tao ginagawang hayop.." naiiling na sabi ni Dad habang nakatingin sa TV

Ang biktima ay nagngangalangang Alexandra Sandoval.

Nabitiwan ko nag pasong hawak hawak ko nang marinig ko ang pangalang iyon.

Hindi..hindi maaari..

Agad akong tumakbo papalabas para puntahan ang kaibigan ko.

Hindi maaaring sya yun! Kumain pa kami kahapon!

"Kristina sandali!"

Hindi ko na pinakinggan si Dad.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mabunggo ako at natumba.

Naiyak na lang ako sa kalsada. Yung kaisa isa kong kaibigan..hindi maaaring sya yun..

"Binibini, ayos ka lam—Tina?"

Napatingin ako sa nagsalita.

"Ethan.."

Inakay ako patayo ni Ethan.

"Halika."

"San tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan makakapagpagaan ng kalooban mo."

Unfinished EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon