Ika-Sampung Kabanata

5 3 0
                                    


Tina

Bat parang ang ingay sa labas. Kita ng may natutulog pa.

Bumangon ako at naghilamos muna.

Paglabas ko ng kwarto..

"Oh gising ka na pala, Tina! Good morning!" masiglang bati ni Dad sakin.

Akala ko nananaginip lang ako kagabi. Medyo hindi maganda sa pakiramdam ang biglang pagbago ng ugali ni Dad.

"Oh? What's with the face?"

"What's wrong with you?"

"Me? Nothing. I'm fine. Ano kaba? Dapat masaya ka nga kasi ikakasal ka na bukas."

"Ha?" Bukas? Di pa naman naming napag uusapan ni Ethan ang tungkol dun ah.

"I'm so happy for you, anak. I know he will take care of you." Tsaka niyakap nya ako.

Seriously? What the hell is happening...

After nung nakakabahalang kilos ni Dad at kumain ng breakfast. Agad akong nagpunta sa kwarto ko ng may mahagip ng mga mata ko ang isang pigura sa may aparador ko.

Napahinto ako sa may pintuan ko at kinabahan. Unti unti kong nilingon ang pigurang yun.

1..2..3..

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makitang isa lamang yun na manikin. Pero ang nakapagtataka ay wala naman ito kahapon at kanina.

Mayroon pa itong suot na..wedding gown??

"Dad!!!??" Sigaw ko mula sa kwarto.

Agad namang narinig ko ang yabag ni Dad.

"Bakit?" Bungad sakin ni Dad pagkapasok ng kwarto.

"Kanino to?" turo ko sa manikin.

"Sakin ata, nak."

"Dad." Pagbabantang tono ko na di ako nakikipag biruan.

"Biro lang. Sayo yan syempre. Gown mo yan diba? Hinatid yan kahapon. Bat parang hindi mo alam ah?!" Kahapon? Napapikit nalang ako ng mariin pero wala talaga akong maalala.

"Oh bakit? Sayo yan. Tsaka bukas na ang kasal mo. Pinuntahan ako ni Ethan dito para ipaalam yun. Kaya bawal ka ng mastress para di ka magmukhang chaka bukas."

"Pumunta si Ethan dito?"

"OO nga ulit ulit? Tulog ka na kasi gigisingin sana kita kaso di ka na nya pinagising eh."

Okay. Sobrang seryoso na talaga to. As in. ano bang nangyayari????

"Oh..kay."

"Sige ibibigay ko lang yung mga invitations ah." Agad na lumabas si Dad.

Talaga bang pinaghanda ni Ethan ang lahat at di man lang sya nag abalang sabihan ako? Grabe..edi anong gagawin ko?

Gustuhin ko mang magphinga lang maghapon di ko naman magagawa yun kasi nga...tong mga preparations nya na di ako kasali!!!! Arrgghh!!

Psh. Pero on the second thought..Maganda naman yung gown..Ayos na lahat..Baka nga may reception hall na syang nirentahan..

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Speaking of the devil. Tumatawag.

Agad ko itong sinagot.

"Kumusta?" Bungad naman nito.

"Talagang pinaghandaan mo ng maigi ang lahat noh?"

"Oo bakit? May kulang pa ba?"

"W-wala naman..Di mo kasi ako sinabihan tsaka parang ikaw lang yung nagdecide eh.." mahinang sabi ko.

"Hindi mo ba nagustuhan?"

"H-hindi! Gusto naman.." ang kaso gusto kong sabay tayong mag asikaso.

"May problema ka ata."

"Wala! Hahaha masaya lang." Hay naku Tina.

"Magpahinga ka na mukhang kulang ka pa ng tulog. Mahal kita."

"Hmm. Love you too." Agad namang namatay ang tawag. Yung totoo sobrang dami na ng tulog ko tas patutulugin na naman ako uli? Sabagay.

Hihiga na sana ako ng biglang mag ring uli ang phone ko.

Unregistered yung number. Pero sinagot ko naman.

"Hello?" Walang nagsasalita. Baka prank caller lang. Eend ko n asana yung call ng biglang may tumunog na kakaiba sa kabilang linya kaya pinakinggan ko uli.

Masakit sa tenga yung tunog kaya nilayo ko agad yung phone ko. Pagkapa ko ng tenga ko may dugo sa kamay ko.

Napatakbo ako sa may salamin pero nung tiningnan ko ay wala namang dugo. Tiningnan ko uli ang kamay ko at wala na rin ang dugo.

Kinabahan ako pero di ko alam ang dahilan.

Maya maya pa biglang natumba ang pigurin na katabi ko lang. Sa gulat ko nabitawan ko ang phone ko.

Feeling ko muntik ng lumabas yung puso ko sa bibig ko eh.

Pupulutin ko sana ang phone ko ng bigla itong umilaw at tumambad sakin ang picture ni Dad na nasa kabaong.

Napaupo nalang ako sa sahig sa sobrang kaba ko. Napaiyak ako dahil sa nakita ko nang biglang pumasok sa kwarto ko si Ethan at kasunod si Dad.

Unfinished EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon