Ika-anim na Kabanata

10 5 0
                                    

Tina's PoV

Maaga kaming nagsimba ni Dad pero hindi parin nagpapansin dahil sa alitan namin kagabi.

Pagkahatid sakin ni Ethan sa tapat ng bahay.

"Kristina! San ka ba nanggaling?!"

"Dad..nagpun—"

"Pumasok ka sa loob!"

Di pa nga ako nakakapagsalita tinulak na ko papasok ni Dad.

Wala akong nagawa kundi pumasok na lang. Nadatnan ko sa loob si Doc Drahcir na parang namomoroblema.

"Doc.."

Agad naman itong napatingin sakin nang tawagin ko.

"Good even—"

Bigla ako nitong hinawakan sa braso at parang iniikot ikot ako.

"May nangyari ba sayo? May sugat kaba? Ano? May masakit?"

Bat parang ang OA nila?

"T-teka po..Wala naman pong nangyari sakin. Ayos lang ako."

"Sigurado ka? Sige pumunta ka na sa kwarto mo."

Kahit nagtataka ay pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis. Anong ginagawa ni Dok dito? Si Dr. Drahcir Alcazar, kaibigan sya ni Dad. Tsaka naging teacher ko rin sa college.

Abala ako sa pag aayos ng damit ko nang biglang pumasok si Dad.

"Ano bang sabi ko sayo na ayaw ko sa lalaking yun?!"

"Dad! Ano ba namang yang kinagagalit mo?! Pwede mo naman sabihin sakin hindi yung ganyan!"

"Pinagtataasan mo na ko ng boses?!"

"Ang OA mo kasi eh..Nagtext ako sayo na aalis ako."

"Kita mo ng busy ako sa pag asikaso para bukas. Imbes na tulungan mo ko pinagaalala mo pa ko!"

Saka ako nilayasan. Naiiyak ako. Di ko naman sinasadya na pagtaasan sya ng boses.

Lalabas sana ako ng kwarto pero mukhang nag uusap pa sila Dad at Dok.

"Wag mong pagtaasan ng ganun si Tin. Dapat kinausap mo muna."

"Ilang beses ko na kasing pinagsabihan yan na ayaw ko dun sa lalaking nanliligaw sa kanya pero sumasama sama pa."

"Hayaan mo na muna. Parang hindi ka dumaan sa ganyan."

"Naman kasi eh. Di ko nga kilala yun eh. Bigla na lang sumulpot out of nowhere."

"Basta bantayan mo nalang ng mabuti. Aalis na ko may duty pa ko."

"Oo sige, pag may natanggap ka na namang mensahe sabihan mo ko."

"Sige."

Hindi ko alam kung ano mensahe ang natanggap ni Dok. Kaya siguro nandun sya sa bahay kagabi. Kagulo nila ay.

Pagkatapos naming magsimba pumunta kaming sementeryo para magsindi ng kandila sa puntod ni Mommy.

Wala parin kaming imikan ni Dad.

Nagsindi na ko ng kandila tsaka nilagay to sa may puntod ni Mommy katabi ng mga prutas at ang paborito nyang bulaklak na tulips.

Sunod naman ay si Dad ang nagsindi.

"Hon..kumusta? Ang bilis ng panahon. Di ko namalayan na anibersaryo mo na. Anak mo matigas na ulo. Pagsabihan mo nga."

"Lah Dad katakot nun! Wag naman Mom alam mo namang magugulatin ako."

"Hahahahah engkasi ayaw mo makinig sakin baka sa mommy mo makinig ka."

"Dad naman.."

"Alam mo ba..."

"Hind pa."

"Kung bakit nandun sa bahay si Dok?"

"Hindi nga po."

"May nagpadala ng bulaklak sa kanya."

"Edi maganda."

"Patapusin mo ko pwede?"

"Hehe."

"May nagpadala sa kanya ng bulaklak, alam mo kung anong klaseng bulaklak?"

Hindi hehe..

Syempre sa isip ko lang yun baka chumbagin ako nito.

"Bulaklak pangpatay. " Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Bakit? Hindi pa naman patay si Dok ah.

"Bakit?"

"Hindi ko alam pero nung nakita ko yung itsura, sigurado akong galing satin yung bulaklak na yun. May naalala ka bang bumili sayo?"

Hmmm.. wala naman akong matandaan na bumili ng bulaklak pangpatay kanina.

"Wala eh."

Nag stay pa kami ng ilang minute sa sementeryo bago umuwi. Magaan na rin pakiramdam ko di tulad kanina kahit pa binabagabag ng unti dahil sa shinare niya sakin tungkol kay Dok. Siguro naman bati na kami ni Dad noh.

Pagkarating naming sa bahay ang daming tao.

"Dad bat ang daming tao?"

"Nagpacater ako. Tsaka kukunti pa nga yan sa dami ng kaibigan ng Mommy mo."

Napa 'ahh' na lang ako at lumabas ng sasakyan.

Papasok na sana ako ng bahay nang may nahagip akong pigura sa poste ng shop namin.

Di ako sigurado pero parang ate ni Ethan yun. Nakatitig lang sya sa harap ng shop. Maya maya pa. Dahan dahan syang tumitingin sakin.

"Tina, tara na sa loob ano pang ginagawa mo dyan?"

Bahagya akong nagulat kay Dad.

"Jusko naman Dad ginugulat mo ko eh."

"Kanina pa kita tinatawag aba."

"Papasok na."

Tiningnan ko muna yung ate ni Ethan pero wala na to dun sa posisyon nya.

Ambilis naman nya atang makaalis. Multo lang ampeg.

Binalewala ko nalang yun. Tutal di nya rin naman ako pinansin kahapon.

Pumasok nalang ako sa loob. Totoo nga sabi ni Dad kakaunti pa tong bisita ngayon kasi wala dito yung pamilya nung kumag kong ex kahit pa magkaibigan pa yung mama nung ex ko at si mommy eh hindi pumunta. Wow lang ah.

Bahala sila sa mga buhay nila. Magsama sama sila.

Eh magkasama naman talaga sila Kristina wag tanga.

Luh? Pati sarili ko kinakausap na ko.

Hayst. Kumusta kaya si Ethan? Hindi ko sya nakita ngayon. Tsaka kagabi panigurado akong may sinabi na naman si Dad kay Ethan kaya siguro wala sya ngayon.

Unfinished EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon