Ikalabing-isang Kabanata

4 3 0
                                    

Tina

“Ano bang nangyari Nak? Kala ko kung naano ka na sa kwarto mo eh. Buti nalang dumating tong si Ethan eh. Aalis muna ako saglit ah. Ethan, alagaan mo ang anak ko ah.”

“Opo.” Agad namang lumabas ng bahay si Dad. Nasa sala kami ngayon. Medyo kalmado di tulad kanina.

“Anong nangyari Tina?“ Mas mabuti sigurong wag ko munang ipaalam.

Napailing nalang ako sa kanya bilang sagot ko.

“Sabihin mo na sakin. “

“Wala. Ayos lang ako.”

“Sabi ko naman sayo mag pahinga ka diba.”

“Oo nga. Tsaka ang bilis mo namang nakarating dito. Diba magkausap palang tayo kanina?”

“Nasa paligid lang ako. “

Oh..kay?

“AH! Anong gusto mong inumin?“

“Wag na. Nandito ako para sunduin ka.”

“Ha? Saan tayo pupunta?”

“Surpresa na lamang iyon. Sige na aantayin kita dito.”

Bahagya nya akong tinulak papunta sa kwarto ko. Weirdo talaga nasa paligid ko psshh. Ayaw ko sa lahat yung pinapasuspense pa eh.

Padabog akong pumunta sa kwarto ko, hindi ko sinara ng tuluyan yung pinto kasi baka meron na namang weird na mangyari.

Hinanap ko yung phone kong naiwan kanina pero hindi ko Makita. Di ko naman kinuha yun eh.

Mamaya ko na nga lang hanapin.
Nagmadali akong nagbihis. Di naman ako mapili sa susuotin ko kasi lahat naman sila bagay sakin hahaha.

Paglabas ko ng kwarto. Nakita kong may kausap si Ethan sa phone at ang seryoso ng mukha nya.

Naramdaman niya atang nandun na ko kaya bigla nyang binaba ang phone at ngumiti sakin. So ningitian ko rin sya.

“Tara na.”

“San ba kasi tayo pupunta?”

Di niya ako sinagot at ninigitian lang uli ako. Ang creepy mong tingnan tsk.

--Kinabukasan—

Medyo mabilis lang ang araw kahapon tas ngayon kasal ko na. Hay..

Pero grabe parin yung saya ko kahapon.

[Pagbalik tanaw]
“San ba kasi tayo pupunta?”

Di niya ako sinagot at ninigitian lang uli ako. Ang creepy mong tingnan tsk.

Paglabas naming ng bahay, agad syang dumiretso sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

K payn.

Saka narin sya sumunod sumakay.
Medyo tahimik yung biyahe. Ayaw nya rin naman ako sagutin kaya di ko muna sya kakausapin.

Kaya sa labas nalang ako ng bintana nakatingin.

Pssshhh.

Maya maya pa ay huminto kami sa harapan ng isang restaurant. Oh..kay?

“Dito na tayo. Tara.”

Kakain kami dito? Bat di naman nya sinabing gusto nya pala ng date edi sana..ehe.

Kaya naman agad akong bumaba. Eggzoyted ako eh.

Basta nagdate kami kahapon hahaha last date ko na yun bilang dalaga.

“Wow naman ang gandura naman ng bride na eyan. Pak! Ang gwapo pa ng magiging asawa niyo.“

“Pero alam mo Teh expect talaga  naming church wedding kayo kasi tingnan mo naman ang ganda ng gown tas may mga invitation pa. tapos Huwes pala.”

“Woi gaga. Wag ka ngang pakialamera.”

Hay gusto ko rin nga sana church wedding kaso yun daw gusto ng ate nya. Ewan ko ba dun, sya ba yung ikakasal? Ako diba.

Medyo nakakainis lang at kahapon nya lang din sinabi sakin. Pero okay na siguro yun. Atleast diba, ikakasal.

Naglalakad ako sa maliit na pasilyo at kitang kita ko ang masayang mukha ni Ethan. Nasa gilid din nito ang ate nito na parang masama ang tingin sakin.

Hindi ko na lamang ito pinansin dahil ayaw kong masira ang aming kasal.

Malapit na ko sa gawi ni Ethan nang biglang may dumaang itim na pusa sa paanan ko.

Sinundan ko pa ito ng tingin at lumingon ito sakin na parang takot na takot sabay takbo palabas ng hall.

“Wag mo na pansinin.” Mahinang sabi sakin ni Dad kaya naman ngumiti ulit ako na para bang walang nangyari

Unfinished EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon