KABANATA 1

22 1 0
                                    

Authors Note

Wassup, so here I am again with a new story. Pero ang kaibahan nga lang ay isa itong fantasy so please bare with me. First time ko lang gagawa ng isang Fantasy Story I hope na tutokan niyo to hanggang dulo.

-xoxo

New Life

Amethyst's PoV

"Pwede ba!? Wag mong lalapitan si Clark, higad kaba?" Nakataas ang kilay at nakapamewang na sabi ni Kim sa akin habang ang mga dalawa nyang kasama ay naka crossed arms at nakataas ang kilay sa'kin na parang kadiri-diri akong nilalang.

Nandito kami sa Jaica at saktong walang katao-tao dito.

I rolled my eyes na tila bang wala na akong pakealam sa mga sinasabi nila sa akin.

"Nakikinig kaba!?" Tinulak niya ako ngunit di gaano kalakas. Halatang galit na sya dahil mapula na ang mukha nya. Sabagay ay maputi ito at halata mo talaga.

"Ok." Sagot ko ngunit nagulohan naman sya sa sinagot ko.

"Ano?" Nakakunot na ang kanyang noo. Gusto kong matawa dahil sa mukha nya pero nanatili akong seryoso.

"Sabi mo, hindi ko lalapitan si Clark." Paliwanag ko. Ang akala ko ay hindi na sya maiinis dahil di ko lalapitan ang boyfriend nya. Pero mas lalo pala itong nagalit.

"So pinapalabas mo na si Clark ang lumalapit sayo!" Sigaw nya sakin.

Tanginang, utak niya may ubo.

Kinuha ko nalang ang bag ko na nilagay nila sa sahig. "Hindi pa tayo tapos magusap." Hahawakan na sana ni Kim ang braso ko. "Narinig mo na gusto mong marinig, diba? Tangina ano pa inu-ulol mo dyan?" Halata namang gulat sya sa tabas ng dila ko.

Gago ka pala e.

Iniwan ko nalang sila doon na nakatanga. Liningon ko sila at nakangisi na si Kim sa'kin. Inirapan ko nalang sila at tumingin nalang sa dinadaanan.

Biglang umihip ng malakas ang hangin at napaayos naman ako sa aking buhok na hanggang tagiliran ko.

Lumingon ako kung nasaan sila Kim ngunit wala na sila roon. Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso sa paglalakad.

Ang weird nga lang, sa ganitong oras ay dapat marami ng mga estudyante ang kasabay kong maglakad pero ngayon ay wala.

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko ang isang lalake. Hindi katangkaran at parang magkaheight lang kami. Nasa 30's na siguro itong lalake.

Pero tama ba tong nakita ko bigla nalang syang sumulpot out of nowhere.

"Ms. Amethyst." Napatingin ako sa likuran nya kung may portal ba at doon sya lumabas ngunit wala.

May ibinigay sya saking asul na envelope at ang nakasulat sa harapan ay "Equinox High." basa ko. Napakunot noo naman ako sakanya at nalilito. Nakatingin lang sya sakin at mukhang hinahantay nya akong basahin ko ang nasa loob.

Kinuha ko naman sa envelope ang isang papel.

Dear Ms. Amethyst,

Equinox High: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon