KABANATA 2

16 1 0
                                    

ALONE

Amethyst's PoV

Mag dadalawang linggo na at di parin umuuwi si papa. Ako nalang mag isa ang bumubuhay sa sarili ko. Nag part time ako para may maipakain sa aking sarili. Nag drop out ako sa eskwelahan ko dahil hindi ko afford ang tuition na babayaran buwan-buwan.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant at naglilinis ng pinagkainan ng umalis na costumer. Iniisip ko parin hanggang ngayon kung sino ang mga kumuha kay Papa. Wala akong kilala na kamag-anak ko. Kamusta na kaya si Papa?

"Ame, nagwowork ka pala dito?" Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si Athena, kaklase ko sya school ko kaso nag drop out ako.

"Bakit ka pala biglang nag drop out?" Tanong niya habang nakangiti. Mabait si Athena at alam kong makakasundo ko sya. "Family problem." Maiksi kong sagot.

"By the way nag drop out rin ako kanina lang." Napatingin naman ako sa kanya di ako makapaniwala sa sinabi niya. Ano yun ginaya niya ako?

"Actually kakabigay ko lang ng mga papers kaya pumunta ako dito para kumain." Napatango nalang ako sa sinabi niya. Bakit kaya sya mag drop out? Ayos naman ang pamumuha niya, tingin palang ay pang rich girl ang datingan ng mga suot niya.

"Pupunta na kasi ako sa states." Di narin ako nagulat dahil alam kong mayaman si Athena.

"By the way, una na ako. Goodbye." Sabi niya. Bakit parang may laman ang pamamaalam niya. Hindi ko nalang sya pinansin at nilinis na ng tuloyan ang lamesa.

Pagkalabas ni Athena sa restaurant ay may pumasok na isang lalake.

"One large fries and coke. Dine in." Rinig kong sabi ng lalake at umupo sya sa tapat ng nililinisan ko.

"Amethyst! Doon ka muna daw sa kusina. Kulang daw sila kasi absent yung dalawa." Tumango na alo at ibinigay sa kanya ang mga panglinis.

Lumingon ulit ako sa lalake at medyo nabigla ako kasi lumingon sya sa akin napaiwas naman ako ng tingin.

Matapos ang trabaho ko ay binigay ang sweldo ko na 1k ngayong araw. Dahil may mga tirang pagkain ay binigay ito sa amin. Hindi ito marumi kumbaga ito yung mga hindi nabenta.

Pagka uwi ko ng bahay ay pagod lamang ang naramdaman ko at lungkot. Wala na yung sumasalubong sa aking paguwi na may umiinom.

Naiimagine ko si papa na nakaupo sa usual spot niya. Napakunot noo nalang ako at nagready na para kumain.

Ng makaupo na ako ay biglang may kumatok. Sino naman yun at mag hahating gabi na.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang lalaking nagbigay sa akin ng sulat nung nakalipas na dalawang linggo.

"Sir?" Yun lang ang nasabe ko. Pumasok sya sa bahay at sinarado ko naman ang pinto.

"Mycroft, iyan ang apelyido ko." Sagot niya at tumango naman ako. Sinundan ko sya ng tingin habang umuupo sya sa upuan.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko at tumingin naman sya sakin. "Hindi naman ako umalis, pinagmamasdan kita mula nung ibinigay ko ang sulat sa iyo." Sagot niya.

Napakunot ako ng noo, paanong pinagmasdan hindi ko naman sya nakikita. Eh bakit naman sya nandito?

"Kailangan mo ng umalis sa lugar na ito. Nanganganib ang buhay mo." Napakunot noo naman ako. Tanginang sino ba sya para magdesisyon sa buhay ko.

"Aantayin ko ang papa ko." Matigas kong sabi ngunit hinawakan niya ang braso ka ng mahigpit.

"Don't make me repeat it." Napasigaw ako dahil sa higpit ng hawak nya sa braso ko. May simabi syang salita ng dahilan kung bakit kami napunta sa ibang lugar.

Equinox High: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon