KABANATA 3

11 0 0
                                    

SCHOOL

Amethyst's PoV

Sumunod lang ako kay Ares dahil sya lang naman ang kilala ko dito. "Ares tanong ko lang, nagkita na ba tayo noon?" Napahinto naman sya lumingon sa akin na parang binabasa ang utak ko.

Nararamdaman ko kasi na parang nagkita na kami ni Ares noon or baka iba lang.

"Halika na." Sabi ko sakanya para maiba ang topic. Tumuloy naman sya sa paglalakad.

Hindi rin nagtagal ay nakarating narin kami. Napamangha ako sa itsura ng kwarto na ito. Maluwang sya at may mga librong nakalagay sa cabinet.

"Ano palang tinuturo dito?" Tanong ko kay Ares at may binigay naman sya sa akin na libro.

"Enchantment ang subject na to." Napatango naman ako kahit di ko alam yun. "We're both 1st year here." Napatingin ako sa kanya, akala ko ay senior sya dahil alam na alam nya ang mga pasikot-sikot dito.

Nagulat ako ng biglang may nagbukas ng pinto at nakita ko ang babaeng naka all black maliban na lamang sya ay naka pulang lipstick.

"Sya si Professor Red." Bulong sakin ni Ares kaya tumango nalang ako. "Sya ang magiging professor natin sa buong year sa enchantment." Ngayon ay medyo gets ko na kaya ngumiti nalang kay Ares. Buti nalang nandito sya kundi nga-nga ako ngayon.

---📌
Enchantment - To enchant is to cast a spell over someone, like a witch might do. It also means to attract or catch someone's attention in a less mystical way.
✂--

"I know a lot of you here is new." Nagumpisa syang magsalita at lahat naman kami ay napaayos.

"Volans Charta." Bigla namang may lumutang na papel pagkatapos nyang sabihin yun kaya napatingin kaming lahat. "Kapag nasa harapan niyo na ito ay banggitin niyo lang ang pangalan niyo. Dyan ko makukuha ang list ng mga nagenroll sa klase ko." Napamangha naman ako sa bagay na tinutukoy nya.

Magkatabi kami ni Ares sa klase kaya sya ang naunang nagbanggit ng pangalan nya at sumunod naman ako. "Amethyst." Pagkatapos kong sabihin yun ay biglang nandoon na ang name ko sa papel kahit walang nakasulat.

"Nasurprised ka ata." Ngiting sabi ni Ares kaya di ko rin maiwasan ngumiti. "Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganun." Sinabi ko yun habang nakangiti at ewan ko sa kanya dahil natulala sya. Tinapik ko sya ng mahina at natauhan rin.

"Finis Exponentia." Napatingin naman ako kay Professor dahil sa sinabi niya ay hawak na nya ang list.

"Ms.Buffay , what do you know about enchant?" Tanong niya sa babae pero wala man lang nasagot ang babae.

"Very well, turn your book. Page 256." Agad ko namang hinanap yun at nakita ko agad ang topic.

How to enchant?

"Mag advance reading kayo from now on, ayoko yung magtatanong ako ay hindi niyo alam ang sagot." Paalala ni Professor. Sabagay may point naman sya.

"Ms.Amethyst, read the description about enchantment." Nagitla naman ako dahil ako ang tinawag kaya binasa ko naman eto.

"The process of Enchantment amounts to the user to adding their own Magic onto living or inanimate objects, thereby increasing their natural attribute, enchanting wood to make it stronger than steel, or enchanting swords into human beings with immense power." Babasahin ko sana ang kasunod kaso pinutol nya ako.

"Mr. Macquoid, read the next part." Napatingin naman ako sa tabi ko.

" If one has enough Magic Power, such as the amount possessed by a Dragon, they can even cast Master Enchants which allow them to enchant heavenly bodies themselves." Napalingon naman ako sa libro at binasa ko ulit yun.

Dragon? May dragon ba talaga sa mundong to?

"Very well, may isang tao lang ang may kakayanan mag enchant sa katawan ng ibang tao." Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya na isang tao palang ang nakakagawa nito.

"Sino po sya?" Tanong ko kaya napatingin ang lahat sakin.

"Your new, right?" Napatango naman at lumapit naman sya sa akin.

"Read, THE HISTORY OF EQUINOX!" Sigaw nya kaya nagulat ako. Ngumiti naman sya pagkatapos at bumalik sa pwesto nya.

"Don't ask questions if out of the topic." Bulong sakin ni Ares, masama ba magtanong?

Tapos na ang klase namin kay Professor Red habang naglalakad ako ay sumunod naman sa akin si Ares.

"Pupunta ka sa Library?" Tanong ni Ares at napalingon naman ako sa kanya dahil tumpak ang sinabi niya.

"You don't need, I'll tell you." Napahinto naman ako sa paglalakad.

"Not here." Tumingin sya sa paligid dahil maraming mga students ang dumadaan. Sinundan ko naman sya dahil nauna syang maglakad.

Napunta kami sa may mga damohan at may puno na mataas at malaki.

"Tree of Magic." Sambit ni Ares. "Wish once a year and it will come true." Napanganga naman ako. No way, imposible naman ang sinasabi niya.

"Paano kung dalawa ang winish mo?" Tanong ko. "Bad or Good ang mangyayari... It's either may mawawala or matutupad yung hiniling mo." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Well back to our main topic." Tinap nya yung damohan. Sinenyasan nya ako na umupo sa tabi niya kaya ginawa ko naman yun.

"50 years ago, may isang babae ang nakagamit ng enchant sa unang subok lang. At first ay hinahangaan to ng mga professor at lagi syang binibigyan ng mga magagandang feedback. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang nalaman nya na hindi sya tunay na anak ng mga magulang nya. Everything was changed, yung dating mapagmahal na dalaga ay nauwi sa inggit at puot." Tumingin ako habang kinekwento niya yun.

"Sa pag eensayo nya ay namaster nya ang enchantment. Natutunan nya kung paano mag possess sa katawan ng ibang tao. Well para mas maintindihan mo, magkakapalit ng katawan." Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"You mean exchanged souls?" Tanong ko at tumango naman sya.

"Ginamit niya iyon sa masama. Maraming sumubok na ma-master ang enchantment na iyon ngunit walang nagtagumpay. Kaya ipinagbawal ng Magic Court ang enchantment na iyon." Napatango tango naman ako sa sinabi niya.

Meron pa sana akong gustong itanong kaso nawala sa isip ko.

"Yun ang kwento ng mama ko." Napatango naman ako. "So tara na, malate na tayo sa next subject." Tumayo sya at nagpagpag kaya napatayo rin ako.

"Ano palang susunod na subject?"Tanong ko pero nginitian nya lang ako.

---

Ngayon ay nakikita ko ang mga kaklase ko na nag sparring sa kanilang mga napiling kalaban.

"I thought it was a normal subject." Sabi ko kay Ares ngunit natawa naman sya kaya napakunot noo naman ako.

"It was... a normal subject." Bigla syang sumeryoso. Napairap nalang ako.

"Mr. Macquoid and Ms. Amethyst you two, up." Natagalan naman magprocess sa ulo ko yung sinabi ni Professor Mycroft.

Sya ang Professor ng Martial Magic.

Nasa gitna na kami ng isang pabilog na hall at para kaming magsasabong.

Nagtaas naman ako ng kamay. "Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin." Napatingin naman lahat sakin at nag simula mag bulongan.

"Amethyst there are three types of magic. Fighting Magic, Caster Magic or Holder Magic. For me to know for you to find out." Sabi ni Sir. Mycroft. Eh saan naman ako doon ni hindi ko nga alam kung ano ang pinagsasabi niya.

"Shall we start?" Tanong niya sa akin, napalunok nalang ako ng sarili kong laway.

-#

References: Fairy Tail

Equinox High: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon