ARIUS
Athena's PoV
Nagkatitigan kami ni Arius. Aalam kong tinitingnan kami ngayon ni Amethyst.
"Are you ok?" Tanong ni Arius sa akin at sinara ang pinto. Tumango lang ako.
"What happened?" Tanong niya. Kinewento ko sa kanya ang kaninang kinewento ko kay Amethyst.
"Magkakilala kayo?" Bulong ni Amethyst sa akin at tumango ako.
"Amethyst sya si Arius Mnemosyne. " Tumango nalang si Amethyst. Napangisi nalang ako dahil magkaugali ang dalawang kasama ko.
Kung walang mag first move ay di sila gagalaw.
"Kayo ba?" Kung umiinom lang ako ng tubig ay baka naibuhos ko na ang tanong ni Amethyst.
"No." Sabay naming sabi at natawa naman samin si Amethyst.
"Ok, well kung may salamin lang dito makikita niyo mga mukha niyo." Tumayo na si Amethyst.
"Osya maiwan ko na kayo. Kung need mo anything puntahan mo ko sa dorm." Sabi niya sa akin kaya tumango ako.
She's really a good person.
"So how do you feel?" Tanong sa akin ni Arius. Umupo sya sa kaninang inuupoan ni Amethyst.
"I feel better." Sagot ko at nginitian lang sya.
"Come on Athena, alam kong hindi yun ang buong kwento." Sabi niya at inirapan ko nalang sya.
"Kung ayaw mo maniwala, umalis ka nalang." Sagot ko at nagtaklob ng kumot.
"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong niya. Inalis ko ang pagkataklob at tiningnan ko sya.
"Yes." Sagot ko at tiningnan ko ang reaction niya at wala man lang nagbago.
Ganun pa rin.
"How's your dad?" Tanong nya, alam kong iniiba niya lang ang topic kaya nya iyan natanong.
"He's ok." Sagot ko at tumango naman sya.
"About the girl here earlier." Kumunot naman ang noo ko.
"What about Amethyst?" Tanong ko.
"I can't read her mind." Sabi niya habang nakayuko.
"You use your power?" Tanong ko at tumango naman sya. "It's all white then biglang nagiging black." Sinasabi niya yun habang nakakunot noo.
"Well to tell you the truth, na sesense ko ang power niya. Ang lakas, gusto ko sana itanong kanina kung ano ba ang kaya niya." Sagot ko.
"By the way, umalis kana. May pasok ka pa diba?" Tanong ko at tumango naman sya.
"Sige puntahan kita mamaya dito." Tumayo na sya at lumabas na.
Amethyst's PoV
Pagkalabas ko sa infirmary ay nakita ko kaagad si Ares na nakatingin sa akin.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinila niya kaya wala na rin akong nagawa kundi ang magpahila.
Nakarating kami sa Library. Hindi ito ordinaryong library dahil sobrang daming mga libro.
"Professor Mycroft assigned me." Napakunot noo naman ako.
"Nang ano?" Tanong ko. "To know your power." Sagot niya kaya di agad ako nakapagreact.