ATHENA
Amethyst's PoV
Kinakabahan ako sa mangyayari sa akin. Tiningnan ko naman si Ares na nakatingin na sa akin at hinahanda nya ang sarili niya.
"Are you ready?" Ngiting tanong nya sa akin. Hindi ko malaman kung anong kangiti-ngiti dito. Napakunot noo tuloy ako dahil sa mga ngiti niya.
"Begin." Sabi ni Sir.Mycroft. Kaya mas lalo akong kinabahan.
"Are you nervous?" Tanong sa akin ni Ares na lumalapit sa akin ng dahan dahan. Tumango naman ako.
"Tama na ang chit-chat umpisahan na ang laban." Napatingin naman ako sa mga bench at ang nagsalita ay yung lalakeng nakita ko kahapon sa may dorm. Di ako sigurado.
Teka, naalala ko na. Sya yung nasa restaurant na tumitingin sa akin na lalake.
Paglingon ko kay Ares ay may bigla syang sinabing salita at napatilapon ako at tumama ang likod ko sa may bench.
"Argghh." Napakunot ang noo ko sa sakit.
Tangina, magkalaban nga kami.
"Are you ok?" Tanong ni Sir Mycroft. Mukha ba akong ok?
"I guess not." Kasunod nyang sabi kaya pinilit ko nalang tumayo habang hawak hawak ang tagiliran ko.
"Rule No.1 Wag kang tumingin sa iba." Sabi ni Ares na papunta na sa akin. Napakunot noo ako dahil nabadtrip ako bigla sa kanya.
Tsk.
"Ok, next pair." Anunsyo nito sa klase. "Amethyst go to infirmary." Tumango nalang ako at nagumpisang maglakad.
"Are you ok?" Tanong ni Ares. Tinaponan ko sya ng i-don't-know-you-look.
"Fine." Sagot ko at umuna na ako maglakad kahit ansakit ng likod ko. Di ko na pinakinggan ang sinabi niya. Alam kong laban to pero nabadtrip ako bigla sa kanya.
Tsk, asaan ba yung infirmary?
"In your right then go left." Napatingin naman ako sa nagsalita. Yung lalake sa restaurant.
"I'm Arius Mnemosyne." Sabi niya at umalis. Ang weird rin ng isang yun. Sinunod ko naman yung sinabi niya at nakarating naman na ako sa infirmary.
----
"Dear, be careful next time pagbaba ka sa hagdan." Tumango ako sa nurse. Yun ang dinahilan ko kung bakit sumakit ang likod ko.
Lumabas na ako sa infirmary at nakita ko si Ares na nakasandal at nakatingin na sa akin.
Hindi ko nalang sya pinansin at pupunta nalang ako sa dorm para magpalit.
"Hey, are you mad?" Tanong nya sa akin ngunit di ko nalang sya inimik.
"Amethyst." Huminto ako tiningnan ko sya at ang mukha nya ay nagtatanong kung galit ba ako.
"No." Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.
"Are you sure?" Tumango naman ako at ngumiti.
Kahit badtrip pa ako sayo sige kunware di ako inis.
"Anong next subject?" Tanong ko para maiba ang topic.
"Hindi na matutuloy, may sumira ng barrier ng eskwelahan kaya pinatawag ang mga professor." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
"Barrier?" Tanong ko. "Kapag nasira ang barrier maaring may pumuntang mga halimaw o kahit ano pa dito sa eskwelahan." Paliwanag nya at napatango naman ako.