"Mabuti naman at may mga kaibigan ka Thally, masaya ba first day mo?" Tanong ni Mommy.
"Okay naman po, hindi boring pero hindi ganoon kasaya." Sagot ko at ngumiti.
Gabi na at nandito kami ngayon sa kwarto ko at kine-kwento ko ang nangyari sa buong araw ko, ang sarap sa feeling. My mother is smiling while I'm telling her my story, nakangiti lang sya habang nakikinig sa akin and I'm happy that I can say na she's happy for me.
"I'm happy for you anak! Dahil dyan, wait may kukunin ako" Tumayo sya para humalik sa noo ko.
"Anak wait may kukunin lang ako ha, wait lang." Tumango ako at umalis na sya palabas ng kwarto.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa cellphone ko. At nakakita ng napakaraming messages kay Cheska,
BFF: Thally! Backread ka sa gc daliii may sinabi si Miko.
BFF: Now na!! As in N O W. NOW!!
BFF: Bakit hindi mo sini-seen 'yung gc huhu, seen it now na please.
BFF: Ay char, baka busy ka pala HAHAHAH sige basta i-seen mo agad after mo gawin ginagawa mo ha! Kung tulog ka, gising ka muna please tapos i-seen mo lang gc then sleep ka ulit.
BFF: Fuck! Okay ako na mag a-announce here, dumating na uniform mo.
BFF: Kunin mo raw tomorrow. Samahan kita bukas kaya agapan mo ha.
BFF: Sana mabasa mo ito agad.
BFF: Sleep well Thally!! See u tomorrow :)
BFF: And...Good night 🥰
Nagulat ako dahil pati pala sa group chat ay minention ako ni Cheska na nandoon na raw 'yung uniform ko sa faculty.
Napatigil ako sa pag s-scroll nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Thally, I bought a necklace tapos may design sya na clouds. Here, tingnan mo." Tumingin ako sa dala nya at pinanood kong buksan nya ang maliit na kahon.
"Wow, it looks good" Pag co-compliment ko sa binili nya "It looks good on you Mommy." I added.
She laughed at me before answering, "No darling, Binili ko 'to for you and I was asking kung tatanggapin mo or kung bibili tayo ng bago kung hindi mo 'to type"
Ahh okay so binili nya pala for me, wow.
"What do you think, Nathaly?" Tanong nya ulit.
"I...like it. Maganda sya" I answered while staring at the necklace.
Nang marinig niya ang sagot ko ay agad syang pumunta sa likod para ilagay ang necklace na ibinili nya para sa'kin.
"Wow, ang ganda nga. Especially when you are the one wearing it, darling." She said while taking a picture of me, stolen pa.

BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Teen FictionThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...