"Where are we going?" I asked my friends. Bigla kasing pumunta sa condo ko nang walang paalam. Kakauwi ko lang din dito dahil nasa unit ako ni Nathaly ng buong isang linggo.
"Wala, tambay lang" Sagot ni James at umupo sa sofa. Kinuha pa 'yung remote at nagaway sila kung ano ang papanoodin. Nakatayo lang ako sa pinto, pinapanood sila.
"Wala ba kayong mga tv sa inyo?" I asked them. Natigilan naman sila at lahat ay tumingin sa akin.
"Wala. Tampo lang kami hindi ka na namin nakakasama" Sabi ni Peter at umarteng nasasaktan.
Umagang umaga nangiinis si Peter kaya kumuha ako ng unan at ibinato sa kaniya, "Shut up"
"Tara, arcade mamaya?" Sabi ni Jeffery.
"O kaya basketball?" Suggestion din ni Aldrin.
"Gusto ko lang naman mag inom?" Nagtatakang tanong ni Peter na binato ni Tony ng unan, "Puro ka inom, nadadamay pa kami sa kalasingan mo, shit ka"
Nag paluan pa sila ng unan hanggang sa magsalita ulit ako. Hindi sila titigil hangga't walang magpapatigil kaya umimik na ako, "Tara basketball"
"Ako nanalo" Aldrin sticked his toungue out to Peter.
"Basketball pala, eh, di sa arcade na nga naman. Meron naman 'nun doon." Hindi pa rin sumusuko si Jeffery at pinipilit na mag arcade.
Tumayo naman si Peter at napunta sa kaniya ang attention naming lahat, "Oo nga tapos magdadala nalang ako ng alcohol"
"Tangina mo, manahimik ka na" Pagbabara ni Tony at akmang susuntukin si Peter.
Dito pa nanggulo. "Tara na. Basketball muna tayo tapos puntang arcade tapos last ka na Peter, para fair? G?" Sabi ni Tony at tumayo.
Lahat kami ay sa sinabi ni Tony. Gusto ko magpahinga but they're right. Hindi ko na ulit sila nakakasama.
Sumakay na kami sa kotse. Dalawa ang dala naming kotse, kay Jeffery at kay Andy. Kotse naman nila 'yon kaya sila ang nagdrive.
Nag laro kami ng basketball. Naglaro rin kami at kung sino ang matalo ay siya ang hindi malalaro.
"Gago, unfair, four versus three nalang. Akon a nga magbubuhat sa team niyo, di niyo pa ako isasali?" Tiningnan ko ang suot ni Peter, complete na pang basketball talaga tapos nakaupo lang siya sa bench? Ang unfair nga kung 'ganon.
"Sa amin ka na" Sabi ko at kinuha na ang bola. Aldrin, James, and Peter are my teammates at sa kabila naman si Tony, Andy at Jeffery. It's like this when we were kids. Player sila ng basketball excluding Andy, James and me, eh. Pero maalam naman kami, may reasons lang kung bakit hindi kami nagging player.
Biglang nasiglahan si Peter tapos gumalaw pa. Pinakita 'yung mga moves niya, dribbling an imagination ball infront of us. Tumalon pa at nagkunwaring nag shoot.

BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Teen FictionThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...