42

33 1 0
                                    


"Ano ba kasi ang ikina-lulungkot mo diyan, Nathaly!" Panenermon ni Aniella habang nag wo-work out kami. Minsan ko na nga lang siya makasama sa pagwo-work out, sa ganitong state niya pa ako makikita. Kanina pa kami nag simulang mag work out at ngayon lang naisipang buksan ang topic na 'yon, halata naman kasing lantay ako buong session.


Dito na rin kami sa condo ko nag work out dahil busy si Cheska at sa susunod nalang daw kami magwork out sa gym para kasama na siya. 


I kept on thinking Miko and I's conversation the last time we saw each other. Isang linggo na rin ang nakalipas and yet, it still bothers me. Not in a negative way, though.


Naputol ang usap namin noon dahil may tumawag sa kaniya and it had to cut our talk.


"I don't know" Sabi ko at uminom ng tubig, "How can he..." Bulong ko, "Be so strong"


Naiiyak ako dahil sa pagsisi. Bakit ko ba siya iniwan dati, bakit ang bilis ko nga naman sumuko, ugh! 


Ini-pause ni Aniella ang video na pinapanood namin sa tv. Video 'yon sa pagwo-work out, sinasabayan namin. 


"Hey, do you want to talk about it?" She asked softly, looking at me.


Umupo ako at humarap sa kaniya, "Ugh" I pouted, "I'm sorry you have to see me like this" Sabi ko at natawa nang mahina.


"Why? What happened?" Sabi niya at niyakap ako sideways.


"Miko" I started, "Confined pala Daddy niya. He also started to live independently. Pinapaaral si Mika at tumutulong pa kay Gianna hanapin ang tatay ni Jaeio at sa pagpapalaki kay Jaeio" I said, almost crying.


"You pity him, don't you?" Pinag-singkitan niya pa ako ng mga mata, "Of course not" Depensa ko, "Well... I'm just, you know, guilty?"


"Oh? Hindi ka pa sure diyan?" Natawa siya.


"Ha-ha" I let out a sarcastic laugh, "Ganyan ba isasagot ko kung sure ako?"


"Well, chill. For now, take a rest. You can talk about it with Miko someday, love" She said caressing my hair, "Sleep ka rin if you want, aalis na ako kapag nakatulog ka na"


"Thank you" I said and gave her a small smile.


"Let's have at least 5 minutes rest tapos maglinis ka na at sa amin na ako maglilinis, parating na rin sundo ko" She smirked at me, "Linis na"


She laughed and slapped my shoulders urging me to wash.


Mabilis lang akong naglinis at pagkatapos ay nagpahinga ako, hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako noong pagkaalis ni Aniella, eh. Nagising nalang ako kinabukasan na masakit ang katawan dahil sa posisyon ng pagkakatulog ko. 


Naglagay ako ng salon-pass sa balikat at sa braso. Wala pa ang araw kaya napag isipan kong mag-jogging nalang muna bago mag ayos papasok sa trabaho. Okay rin para makapag exercise ako, ang sakit ng braso ko, eh, sa sofa ba naman makatulog tapos sideways pa.

Heaven's Cloud (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon