Miko: Nathaly, I'm sorry mas magiging busy 'ata ako. Umuwi si Dad.
Miko: Enjoy the whole week with Cheska.
Miko: I love you!!
"Huy, okay ka lang?" Cheska poked my shoulder.
Tumingin ulit ako sa message ni Miko bago sumagot, "Ah, oo naman. Tara"
Pupunta kami ngayon sa isang book shop, bibili 'ata libro si Cheskaia. Titingin na rin ako at kapag may nagustuhan ay baka bilhin ko na rin.
Nathaly: Wala kang pasok?
Tsaka lang ako nagreply kay Miko bago tumingin ng mga libro. I bought the book of the story na nirecommend ni Aniella.
Cheskaia bought three books. Hindi ko na nakita kung ano 'yung mga binili niya pero may siang makapal at dalawang tama lang na kapal. I didn't know she was into books these days.
"Kain tayo kila Kiko" Sabi niya habang natatawa, "Surprise natin. Masarap magluto Mama niya" Dagdag pa niya.
"Sige, tara. Tapos ivideo-call natin si Aniella para... you know" I giggled. Halata namang miss na miss na nila ang isa't isa, wala silang ginagawa kaya we will lead the way nalang. Joke!
"Tao po!" Kumatok si Cheska sa pintuan nila Kiko at binuksan nga ng Mama niya ang pinto.
"Cheska! Nathaly!" Masiglang bungad ni Tita Kalla, mama ni Kiko. "Keila, tawagin mo Kuya mo sa taas, nandito mga kaibigan niya" Pinapasok niya kami. Mukhang may hinanap pa sa likod namin.
"Ma, pahinga ko po ngayon. Patulog pa lang ako, sino po naghahanap sa akin?" Sabi ni Kiko. Nakaplain white tshirt pa tapos pajama. Patulog pa lang, eh, umaga na? "Cheska? Nathaly?" Takang tanong niya. Tumingin pa sa pintuan, hinahanap si Aniella, eh, alam niyang nasa ibang bansa 'yon?
"Kami lang nandito, sira!" Sabi ni Cheska bago umupo.
Kumamot si Kiko sa ulo niya at bumalik sa kwarto niya, "Kenji, may bisita ka" Sabi ulit ng Mama niya at sumigaw si Kiko mula sa kwarto niya, "Magbibihis lang ako, ma"
"Wala pa kasing tulog 'yon, pasensiya na. Diyan muna kayo, dito na kayo kumain" Sabi ni Tita Kalla at binigyan kami ng tubig.
Pagkaalis niya ay tumingin sa akin si Cheska at kumindat, "Sabi sa'yo, eh"
Pinalo ko siya ng mahina sa braso, "Sira!"
Bumukas ang pinto ulit ni Kiko at lumabas siya na nakasuot ng black plain tshirt tapos naka short na, "Banned ba sa closet mo ang may design na damit?" Pagbibiro ni Cheska.
"Pambahay ko lang 'to" Sabi naman ni Kiko habang nasa harap ng salamin. Inilabas pa 'yung kwintas tapos hinawi ang buhok bago umupo sa harapan namin, "Oh, napapunta kayo dito? May meeting ba?" He joked.
"May balita kasi kami sa'yo" Sabi ni Cheska. I know what's coming kaya sumakay ako sa joke niya at tumango, "Oo nga" Sabi ko.
"Ano?" Masungit na sabi niya. Sus, sungit sungit pa, eh, mukha naman siyang interesado.
Natawa ako, "Kay ano..." Sinadya kong putulin para maubos pasensiya niya.
"About kay Aniella" I saw him rolled his eyes bago sumandal sa upuan, "Hindi ako makikinig kung hindi tungkol kay Aniella, ayusin niyo" Sabi niya pa.
Sumipol naman si Cheska, iniinis siya. Gusto ko na tumawa nang tumawa pero kailangan seryoso para makatotohanan ang joke na sasabihin ni Cheska, "Hindi na daw siya uuwi" Malungkot na sabi ni Cheska. Nagkunwari pa na umiiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/279088901-288-k212589.jpg)
BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
أدب المراهقينThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...