16⛅

75 3 25
                                    


Pagkatapos ni Aldrin, tinawag na ng emcee si Kiko at isinayaw ako. Tumitingin tingin pa kami kay Aniella na vinivideo-han kami.


"Thally, smile" Sabi niya at tinuro si Aniella. Oh, pipicture-an pala kami. Akala ko kung ano, amp!


Nag peace pa ako doon sa picture at nag smile rin. Aniella looks like a mom, nakalagay sa balikat ang maliit na bag tapos dalawang kamay ang paghawak sa phone, ang cute!


"Our 15th roses is... Mr. Miko Zane Faller" Kusang lumingon ang mukha ko, looking for Miko but I can't find him.


I'm hoping that he'll give me a rose since nakita ko siyang tinawag noong staff. Or maybe may sinabi lang sa kaniya 'yung organizer at hindi naman pala siya kasali. Ay no, tinawag na siya ng emcee, eh.


So nasaan na siya?


Bawal niyang i-ditch 'tong sayaw 'no!


"Mr. Miko Zane Faller" Tawag ulit ng emcee. I heard a sound of shoes running, and there he is. Tumakbo pa, hinahabol ang paghinga.


Itinaas niya ang kamay bago kumuha ng roses doon sa nagbibigay at dahan dahang lumapit sa akin.


"Sorry, may kinausap lang" Sabi niya at inilahad ang kamay sa harap ko. Sa lahat ng nagsayaw sa akin ay siya lang ang naglahad ng kamay.


Dahan dahan kong ipinatong ang kamay ko sa kaniya, ang warm ng kamay niya!


Nakatingin siya sa mata ko habang dahan dahang nilalagay sa balikat niya ang kamay ko. I can't look at him pero ramdam ko ang titig niya sa'kin.


Sa halip na kaba ang maramdaman ko, kinikilig pa 'ata ako?! Kilig nga ba 'tong nararamdaman ko? Baka naman na-excite lang ako since I'm waiting for this moment the whole time, ewan!


Basta ang sarap sa feeling, ang gulo ko! Gusto kong sumigaw, I can't hide my smile, ugh!


I felt goosebumps when he put his other hand on my waist. Parang nag slow motion ang lahat nang higitin niya ako papalapit sa kaniya, still looking at me! Gosh, baka namumula na ako! Nag iinit ang mga pisnge ko, shit ka Miko!


Sa lahat ng sayaw, siya ang naiiba. My both hands are on his shoulders and his both hands are on my waist. Iba sa feeling dahil si Miko ang nasa harap ko, basta may iba akong nararamdaman kapag nasa harap ko siya, gosh!


"Happy Birthday" Bulong niya, tsaka lang ako tumingin sa kaniya. Matangkad siya kaya nakatingala ako ng kaunti pero may heels naman ako kaya hindi siya mukhang sobrang tangkad hindi tulad ng kapag hindi ako naka heels.


"T-thank you" I said almost a whisper. Tiningnan ko siya sa mata, ilong, labi, sa kaniya, admiring his face.


Parang kaming dalawa lang bigla ang tao dito. Siya lang ang nakikita ko!


Heaven's Cloud (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon