"What?! Sinabi niya 'yon?" Gulat na tanong ni Cheska.
Kasalukuyan kaming nakatambay sa rooftop ng bahay nila ngayon, hinihintay sila Aniella at Kiko na dumating.
Last week pa noong sinabi ni Miko ang mga 'yon pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang ibig sabihin noon kaya kinwento ko na kay Cheska. Baka kasi may alam siya doon, naguguluhan kasi ako.
Hindi naman dapat siguro big deal 'yon pero kasi... hindi siya maalis sa isip ko.
"Baka naman interested like... crush ka niya?" She said while eating. Tatambay lang kasi kami ngayon dito tapos mag rereview para sa semi. Hindi pa naman siya malapit pero mas okay daw na advance kasi mahirap talaga.
Lalo na't nahuli ako ng 1 month, inaaral ko nalang ng solo 'yung mga napag aralan nila noon, eh. Mahirap pero kaya naman.
"Nathaly, baka kako crush ka ni Miko." Inulit niya ang sinabi niya.
"Crush? Hindi na kayo high school 'no" Singit ni Aniella na kakadating lang kasama si Kiko.
"Hoy!" Sigaw niya kila Aniella na dahang dahang pumapasok pero nakita naman agad namin sila ni Cheska, "Ang tagal niyo, ha!" Reklamo niya pa habang binibigyan ng space sa bangko 'yong dalawa.
"Sorry, nag enjoy kasi ako." Proud na sabi ni Aniella.
"Saan?" Tanong ko.
"Sa mo--" Pinutol ko na ang sasabihin ni Aniella dahil baka kung ano ano lang, "Faye! Ang aga!"
"Movie kasi, kung ano ano naiisip nyo. Pero may momol din na naganap, don't worry." Sabi niya, habang binubuksan ang snack na nasa harapan niya.
"Omygod" Bulong ko at napatungo. Bakit ang normal sa kaniyang magsalita ng ganoon, ganun ba pag inlove?
"Ang kalat mo Aniella Faye umagang umaga." Binato ni Cheska si Aniella ng unan na nasa harapan niya at tinawanan lang kami nito.
"Cheskaia, paconnect ako sa speaker" Sabi ni Kiko. Kinuha naman ni Cheska ang speaker at binuksan.
Nagsimulang magpatugtog si Kiko para raw ganahan kami mag review.
"Okay lang sa'yo kahit maingay? Skye?" Kinuhit ako ni Faye at tinanong. Tumango naman ako at nagbasa na ulit.
Napatigil ako sa pagbabasa nang may magmessage sa akin. Si Miko.
Miko: San ka?
Bakit parang normal ulit ang buhay sa kaniya matapos niyang sabihin 'yung 'You're interesting' sa akin?
Nagkibit balikat nalang ako. Wala nga yatang meaning 'yon, baka trip niya lang.

BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Teen FictionThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...