Lady Dragon
"Tapos na ang anim na oras na binigay sa iyo ni Z, General,"
"Maawa ka, ako na lang, huwag na ang mag-iina ko,"umiiyak na saad ni General.
"But you need to choose, kung hindi , lahat sila mamamatay,"
"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, may pipiliin ka ba? Kung lahat sila ay mahalaga sa iyo,"mahinang diin na sabi niya.
"Now you know, ganyan kadumi maglaro si Santiago, next time, alamin mo kung sino ang binabangga mo, hindi naman ganoon kasama si Z, pinaparanas niya lang sa iyo ang nararamdaman ng kanyang pamilya noong akala nila patay siya,"kinalas niya ang tali sa kamay at paa ni General.
"Sumuko ka sa mga pulis, surrender yourself, aminin mo lahat na ginawa mo, magpasalamat ka na may-awa pa si Santiago sa iyo, lumalaban siya ng patas General, alis na at pumunta ka sa pulis, ang pamilya mo nakauwi na sila, huwag ka magkamali na sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa iyo,"
"Sa-salamat, maraming salamat!"lumuluhang saad ni General.
"Kay Santiago ka magpasalamat, siya mismo nagsabi sa akin na buhayin ka at bigyan ng pangalawang pagkakataon,"
Mas nanaig pa rin ang kabutihan sa puso namin bilang isang Assassin.Patas kami maglaro, pero kapag buhay ng isa sa pamilya namin ang nawala, kapalit ng buong angkan ang sisingilin namin.
Tinapik ko ang balikat ni General Cruz.
"Sinayang mo ang taas ng tingin sa iyo ng mga tauhan mo, tinuring kang tatay-tatayan nila, kung sana sinabi mo kay Santiago na illegal ang mga negosyo mo baka siya pa ang naging protector mo, dinaan mo sa kapangyarihan, umalis kana baka magbago pa ang kan'yang isip,"
Yumuyukong naglalakad palabas si General.
Lumabas na rin si Andy, at sumakay sa kan'yang sasakyan.May inutusan siyang mga pulis para puntahan dito si General Cruz.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Napatingin ako sa aking dalawang kamay na nakatali kabilaan.Nakahiga ako sa kama, kahit ang dalawang paa ko nakatali, putang ina! Parang palakang kinatay ang posisyon ko.Si Kier! Puta!
"Kier!"
"Putang ina mo talaga Harrison!"
"Pakawalan mo ako!"
Bullshit!
Sobrang higpit ang pagkatali sa akin.
Napatingin ako sa pinto nang may pumasok.
"Kiel? Ano ito? Putcha! Pakawalan mo ako!"
"Pinakidnap kita, ang hirap mo pakiusapan,"blangkong mukha na saad niya sa akin.
"Ay gago pala ito! Ako pa talaga ang mahirap pakiusapan, eh ikaw nga nagpakasal sa iba!"inis na saad ko.
"Sila Jenny at Lieutenant Roswell ang may pakana, may plano sila, pinakiusapan nila ako na sumunod sa plano ni General Cruz, baby Z hindi ko kaya magpakasal sa babaeng hindi ko mahal, ang nadatnan mo sa bahay, plano rin ni Jenny iyon, tinawagan niya ako na pupunta ka sa bahay,"mahabang paliwanag ni Kiel sa akin.
BINABASA MO ANG
Assassin's Property
RomanceKiel Harrison- He is a Ruthless Billionaire.One of the Greatest Business man in the world. Pero nagbago ang tahimik niyang buhay ng dumating ang isang babae na lahat ng kalokohan siya na yata ang sumalo. Paano niya maiiwasan ang isang sundalo na lag...